Chapter 107

5 0 0
                                    

Rhyden's POV

« Flashback »

' I really miss this place. The place where I was born. '

Pagkarating ko sa airport, agad akong sinalubong ng aking pamilya.

" Oh my Rhyden! " si mama sabay yakap nya sakin.

" I missed you, Ma! "

" I missed you too. " napatingin ako kay Rhyzen.

' Wow! Ang laki na nya. '

Kumalas ako ng yakap kay Mama at nilapitan ni Rhyzen na nakangiti na sakin.  " Ang laki na natin ah? " komento ko sabay halik sa kanyang ulo. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahabag.

" Sabi mo kuya babalik ka kaagad. " natigilan ako sa sinabi nya kaya napatingin pa ako kay Papa.

' Sorry if I lied. '

Ang usapan kasi namin ni Papa, dun na ako papasok hanggang sa maka-college ako. At sabi nya, dun narin daw ako maghanap ng trabaho.

' Lupet nya diba? Sana pinatira na lang nya ako dun. Tsk! '

" Sorry. " nasagot ko na lang kay Rhyden. At saka ako bumaling kay ate Ruffa na ngayon ay naiyak na. " Bakit ka naman naiyak? " natatawang tanong ko sa kanya pero agad nya akong niyakap.

" Syempre na-miss kita e. "

" Na-miss din kita. " kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa likuran nya ma animo'y may hinahanap. " Where's Shane? " patungkol ko sa two years old nyang anak.

Nung nasa states pa ako, nabalitaan kong buntis daw si ate kaya yun alam kong may anak na rin sya.

' Oh diba, daming pangyayari sa Pilipinas nung wala ako? '

" Nasa bahay. Pinaalagan ko muna sa yaya nya. " tumango na lang ako at saka ako bumaling kay Papa. Per nagulat ako nang bigla nya akong yakapin.

" Congrats, anak. " wala sa sariling nayakap ko na rin sya.

' Anak. '

Kahit na sya ang dahilan ng lahat, mahal ko parin sya bilang ama ko. Saka, mukha ngang mas nakabuti rin sa akin ang paglayo dahil nakamit ko rin yung gusto kong maging sundalo tulad nya.

" Salamat, Pa. "

***

Kinabukasan...

Naisipan kong pumunta sa mall para bumili ng kung ano-anong makita dun.
Masyado ko yata kasing na-miss yung mga gamit at pagkaing gawa ng mga Pilipino.

I decided to go first at the timezone. Lalo ko tuloy hindi maiwasang maala-ala ang dati kong kasintahan.

' dito tayo unang nagpunta, noong may tayo pa. '

Bigla tuloy akong naguilty saking naisip kaya wala pang 30 minutes ay napagdesisyunan ko ng umalis dun.

' Kamusta na kaya sya? '

Habang malungkot akong naglalakad, napadaan ako sa bilihan ng mga pambata or should I say meron ding mga pambaby.

' Oh, Shane! '

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon