Yumi's POV
mag-iisang araw na halos na napapansin kong may kakaiba kay Rhyden. Nanririto kami ngayon sa Timezone pero, ang tahimik lang nya at mukhang hindi nag-eenjoy. Ilang beses ko naman syang tinanong kung may problema o okay lang ba sya pero, never syang nagpakatotoo.
Sabihin mo naman sakin kung anong problema oh? May problema ba sa atin?
Pilit ko namang inisip yung mga nangyari nung nagdaang araw, pero masaya naman kami at walang pinag-aawayan.
Bakit ba ganyan ka? Nasasaktan ako.
" Mga boi! Punta muna ako sa wash room. " paalam ko. Tiningnan ko pa muna si Rhyden bago ako lumabas dun sa may karaoke room.
Ang daming tao.
Bahagya pa ako makalabas dahil sa sobrang daming tao sa may timezome.
Hindi ako sanay sa'yo, Rhyden.
Gustong gusto kong alamin kung may problema ba kami, pero nag-aalinlangan ako, baka kasi wala akong makuhang sagot sa kanya.
Sa totoo lang, wala naman akong gagawin dito sa may wash room. Gusto ko lang talaga mag-uli.
At talagang wash room pa ang napili mo, ha?
Pagkahugas ko ng kamay, agad kong driny ang kamay ko at nagsanitize.
Bakit walang tao dito?
Palabas na sana ako kaso napansin kong walang tao dito sa wash room. Kaya napakibit balikat na lang ako bilang sagot sa sarili kong tanong.
Bahala sila. Pakialam ko ba kung wala sila dito. Hehe!
Humakbang na ako papunta sa may pinto nang bigla akong kabahan. Hinawakan ko na yung doorknob at pagkabukas ko...
Agad din akong nagulat sa nakita ko sa harap ko.
S-sino 'to?
" E-excuse. " sabi ko pa dahil nakahara sya sa hallway. Nang akmang dadaan ako, mas lalo syang humarang.
Kingina!
" Ang sungit mo naman----"
" I said, excuse----"
" Hindi ka man lang ba magpapakilala, Ms. Beautiful? " nakangising sabi nito sakin kaya naman hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.
K-kapal.
To be honest, sobra na yung kaba ko ngayon. Feeling ko kasi may binabalak ang isang 'to. Kaya pinipilit kong magmukhang matapang sa harap nya.
" S-sino ka ba!? Pwede bang padaanin mo ako-----" bigla nya akong hinawakan na lalong nakapagpakaba sakin kaya hinigit ko yung kamay mula sa kanya pero mas hinigpitan nya pa.
" Paisa Ms. Beautiful. "
W-what the!?
" B-bastos---" sigaw ko dito, at nang akmang hihipuan nya ako sa maselang bahagi nang katawan ko, bigla akong may narinig na boses mula sa hallway.
" Hoy! Bitawan mo yan! " at dun lang nya ako binitawan. Sinugod naman nina Harry at Charles yung manyak na lalaki habang ako, wala sa sariling sinalubong sina Franzelle.
" Okay ka lang, boi? " tanong ng Potato Squad sakin. Bigla namang pumatak ang mga luha ko dahil sa trauma.
Nanghihina ako.
" Dapat kasi nagpasama ka man lang sa isa samin! " sermon sakin ni Rhyden at mahahalata mo yung inis nya sa mukha.
Dumaan naman sa gilid ko yung security guard para puntahan yung manyak na lalaki na ngayon ay may pasa na sa mukha at halatang sinuntok nina Charles.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...