Cass POV
Sobrang sikip ng dibdib ko dahil sa kakaiyak. Alam ko ng mangyayari pero ang tanga ko lang kasi kahit paghandaan ko, nanghihina ako.
Isang linggo ng absent si Yumi sa klase nung nakaraan. Sabi ng adviser namin dahil may trangkaso daw ito pero hindi ako naniniwala. Alam ko kasing about yun sa nalaman nya kaya naman nag-aalala ako ng husto sa kanya.
Lungkot ang naramdaman ko kanina dahil ramdam ko ang galit sakin ni Yumi nang makatabi ko sya. Miss ko na sya pero hindi ko pwedeng sabihin yun dahil alam kong susumbatan nya ako.
Mapapatawad mo pa kaya kami?
Antok na antok ako kaya naman naisipan kong matulog agad. Pero kakapikit ko pa lang ay may kumatok kaagad sa kwarto ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil iba ang klase ng pagkatok, parang galit. At ayun, narinig ko na ang boses ni mommy.
" Cass lumabas ka dyan! " tumayo naman ako para buksan ang pinto. Nakita ko si mommy na galit na galit ang mukha mata nya kaya kinabahan ako. " What is the meaning of this? " nanlaki ang mga mata ko sa pinakita ni mommy.
Sh*t! My pregnacy test! Paano napunta sa kanya?
" M-mom---"
" Answer me! Is this yours!? " nangangatal na ako sa kinatatayuan ko. Hindi pa ako handang sabihin kay mommy ang lahat. Wala pa akong desisyon.
" M-mommy, plea----"
" Yes or no! "
Eto na ba ang oras para malaman nya?
" Mommy----" pinutol nya ulit ang sasabihin ko kaya nangilid na ang luha ko.
" Yes or no, Cass! "
" Y-yes, mom. " at dun na lumaglag ang luha ko dahil sinampal ako ni mommy sa kaliwang pisngi ko. Lumaglag narin ang luha ni mommy. Hindi sya makapaniwalang tumingin sakin. " M-mom, sorry. " hinawakan ko sya sa wrist pero tinabig nya ito.
" Don't you dare touch me! H-hindi ka namin pinalaki ng daddy mo para sirain ang buhay mo! Hindi pa ba sapat ang advice namin sa'yo? May pagkukulang ba kami ha!? Cass, you're so too young to become a mother. Wala ka pang eighteen! " napahawak naman sya sa baywang nya at tumingala. " H-hindi ka namin pinigilan mag-boyfriend, pero know your limits! Hindi dahil gusto nyo, gagawin nyo! Sana inisip nyo man lang ang posibleng mangyari! " sermon nya pa sakin kaya napayuko na lang ako.
Kasalanan ko 'to e.
" Is heyl the father of your baby in your tummy? " tumango naman ako. Kaya naman napailing-iling pa sya.
Ayaw kong nakikitang umiyak si mommy dahil isa yun sa weakness ko. Kaya ganun na lang pagsisisi ko sa nagawa namin.
Sana pala inisip ko muna kung tama ba o mali, bago namin ginawa.
" Hays! Stop crying. Nabigla lang kasi ako, Cass. You will become a mother now, I'm not yet ready about that. But we all need now is to accept it. Nangyari na, wala na tayong magagawa. " napatigil naman ako sa pag-iyak dahil sa sinabi ni mommy kaya hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak.
" S-sorry, mommy. " niyakap din nya ako ng mahigpit.
" It's okay. That is a blessing. Kaya hindi na natin kailangan magsisihan. "
" T-thank you, mommy. P-pero paano po si daddy. " natatakot kasi ako kay daddy. Hindi ko alam kung paano sya magalit. Sya ang mas close ko kaysa kay mommy kaya I don't know how to react kapag nalaman nya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...