Heyl's POV
I'm happy. I'm so f*cking happy and I don't know what is the reason behind it. Pero siguro dahil sa, bakasyon na. Tapos, ikakasal na rin kami ni Cass.
Nung una, nagulat talaga ako dahil pinatawag na ako nung parent ni Cass pati si Mommy.
< Flashback >
Busy ako sa pagsu-surfing sa internet nang tumunog ang cellphone ko.
Tito Myke is calling...
' bakit naman kaya? '
Kinabahan ako nang sobra kasi baka kung napaano si Cass. Mabait ang daddy nya kaya naman wala akong problema sa kanya, yung mommy sya ang strict pero sinuportahan na lang kami.
Agad kong sinagot ang tawag.
" Hello po, Tito My----"
" We need to talk to you and your mother. Tomorrow morning. Understand? " nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Mas lalo akong kinabahan.
' Siguro dahil alam nyang buntis si Cass, pero hindi pa alam ni mommy ang tungkol dun. Paano ko sasabihin!? '
" S-sure, Tito Myke. " at rinig kong ibinaba na nya ang linya.
Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ni mommy. Kumatok muna ako.
" Pasok. " sabi nya. Dahan-dahan naman akong pumasok at nakita ko syang nakaupo sa kama habang may binabasa. Parang magazine yata. " Why? "
Huminga muna ako ng malalim. "Cass' parent wants to talk to us. Tomorrow morning. " napakunot naman ang noo nya.
" Why? "
" I-I don't know. "
" K. Fine. We will come. " nakangiti nyang sagot kaya naman nakangiting tumango na ako at lumabas ng kwarto.
' Lagot ako ne'to, kapag nalaman ni mommy. Kailangan ko na yatang ipagdasal ang sarili ko. '
Humiga na ulit ako sa kama ko at pumikit.
' Lord, I need your guide, tomorrow. I'm getting nervous. Waaaaaaa! '
Pagkahiga ko ay pinilit kong tumulog para naman magmukha akong disente bukas ng umaga. And success, nakatulog ako kahit papaano.
***
Kasalukuyan na kaming nagd-drive papunta sa bahay nina Cass. Kotse ni mommy ang gamit namin. Hindi kasama si Heycie dahil sabi ni mommy, mukhang seryosong usapan daw kasi ang mangyayari at ayaw nyang marinig ni Heycie ang mga ganung bagay sa ngayon.
Pagkarating namin sa labas ng bahay nina Cass ay agad kaming sinalubong nung mommy ni Cass. Niyakap nya ako bago si Mommy.
" We meet again, Allyson. " nakangiting sabi nito kay mommy. Ngumiti naman si mommy sa kanya.
" Yeah. I miss you, Cathy. " rinig kong sagot ni mommy. Nakatingin lang naman ako sa bahay nina Cass habang iniisip kung anong mangyayari.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Novela JuvenilAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...