Chapter 66

11 0 0
                                    

Yumi's POV

Pumunta naman kami sa pwesto nina Trixs. Nandun kasi ang mga kaklase namin.

Pagkaupo namin ay binigyan kami ng pagkain nung nag-uuli. Tinanggap naman namin yun at nagsimula nang kumain.

" Buti nakapunta kayo. " sabi ni Trixs. Hindi ko naman sya nilingon.

" Tsk! Bahagya na nga namin mapilit yang isa dyan. " hindi ko naman pinansin si Charles at nagtuloy lang ako sa pagkain.

Hilig mo akong, asarin e 'no?

" Mukha nga. Haha! "

" Pero may nakahanda naman palang regalo. Tsk! "

Sige, ikalat mo pa.

" Really? "

" Oo. Ewan ko ba dyan. " at ayun nagtawanan silang dalawa ni Trixs.

" Sana tayo magt-transfer? " tanong sakin ni Harry. Uminom muna ako ng juice bago ko sya lingunin.

Final decision ko na talaga 'to.

Nung isang araw pa kasi ako nakapag-desisyon about dun sa school na lilipatan namin. At sigurado na ako dun.

" I decided na magtransfer sa CEU. "

" CEU? " tumango ako. " Bakit dun? Marami namang schools ang kapantay ng FIS, ah? " nagtatakang tanong nya. Bumuntong hininga ako.

" As if I care. I want a simple school. Saka, gusto ko namang maranasan ang semi-private lang. " nagkibit balikat na lang sya.

" Okay? Kung saan ka, dun naman kami e. " nakangiting sabi nya sakin kaya napangiti na rin ako.

" Pst! " napalingon naman kami ni Harry kay Charles. " Anong ngiti yan ha!? " may panunuksong tanong nya sakin kaya inirapan ko lang sya.

" Kung ano man ang nasa isip mo, boi. Qag mo ng ituloy. " sagot sa kanya ni Harry. Ngumuso naman si Charles samin. " Sa CEU daw tayo lilipat. " kita ko naman ang panlalaki ng mata ni Charles ganun din si Trixs.

" What!? Bakit dun? "

Bakit ba ayaw nyo sa CEU!?

" Gusto ko e. Angal ka? " nakangising sagot ko sa kanya.

" The f*ck! So many schools here, dun mo pa naisipan. "

" Oo nga, Yumi. Para kasi syang public. " sabat naman ni Trixs napailing na lang ako sa kanila.

Ang iba kasi, ang tingin nila sa CEU is public pero ang totoo semi-private talaga sya. Marami lang kasi ang napasok dun kumpara sa FIS. Sabihin na natin na hindi ganun kayayaman pero gusto ko dun para maranasan ko naman na kasama ang mga hindi maaarte at walang yabang. Saka, maganda raw ang turo dun.

" Basta. Kung ayaw nyo pwede namang-----"

" Hindi naman sa ganun. Hindi lang talaga ako sanay na ang magiging kaklase natin ay yung hindi tulad sa FIS na sobrang yayaman. " seryosong sabi ni Charles. I got his point pero hindi naman siguro lahat ng pasok dun ay mahirap kasi nga semi-private yun.

Eh ano naman, diba?

Ang tuition kasi namin dito sa FIS sa loob ng isang taon ay ₱500,000,00 samantalang sa CEU, kung hindi ako nagkakamali ay kalahati nito. Kaya hindi mo masasabing mahihirap ang napasok dun.

" Hindi rin ako sanay, pero sasanayin natin. Para naman hindi tayo tatanda na mayayaman, maaarte at mayayabang lang ang makakasalamuha natin. " sabi ko sa kanya. Napaisip naman sya.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon