Yumi's POV
Una o yung pangalawa? Hays! Hirap naman!
Inis na sabi ko habang naglalakad kasama ang Potato Squad at si Janwren palabas ng gate.
Napatingin ako kay Janwren dahil masyado syang tahimik.
Tinabihan ko sya. " Okay ka lang? " hinawakan ko sya at nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang init ng katawan nya. " May sakit ka? "
" Wala. Masakit lang ang ulo ko. "
" Uminom kana ng gamot? " nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumango naman sya. " Sure ka ah? Dapat umuna ka na kanina, para nakapag-pahinga ka kaagad. "
" Okay lang. Malayo naman 'to sa puso. "
" Lol. "
" Syempre, kung ang puso ko ang masakit, baka hindi ko kayanin na mawala ka. " pahina ng pahina ang boses na sabi nya kaya napakunot pa ang noo ko.
" Ano daw? "
" Wala. Haha! "
Baliw.
Habang naglalakad kami, bigla kong naisip na papiliin si Janwren.
" Janwren, kung ikaw ang papipiliin. Kaibigan or Girlfriend? " napakunot naman ang noo nya sa tanong ko
" Bakit mo natanong? "
" Basta. Sagutin mo na lang. "
" Parehas. "
" Isa lang dapat. Kasi ako, kaibigan. Ang Girlfriend or boyfriend kasi nawawala pa yan unlike friends. " paliwanag ko sa kanya. Nagbabaka-sakali kasi akong mahi- hypnotize ko ang isip nya.
" Ah. Kaibigan din. " napangiti naman ako sa pinili nya.
Panindigan mo yan ah? If ever na malaman mo yung tungkol kay Smith.
" Yumi, ihahatid na kita sa Plaza. " sabi nya sakin. Agad ko naman syang pinigilan.
" Anla. Umuwi kana at magpahinga. Wag mo na akong isipan pa, okay? "
" Pero----"
" Okay lang ako, Janwren. Sige na. After mong makauwi, just rest and don't forget your medicine. " yun lang ang sinabi ko bago sya lumiko papuntang sakayan nya.
Kami naman ng Potato Squad ay papuntang plaza para tumambay. Ayaw ko pa kasi umuwi dahil nakaka-boring sa bahay.
" Mga boi. What will I do? " tanong ko sa kanila. Umupo naman sila sa harap ko nang makarating kami ng plaza.
" Ikaw boi. Kung anong desisyon mo, support ka lang namin. " si Franzelle. Kinuhs ko naman ang bag ko mula sa likod at niyakap ito.
" Pero to be honest, if I will choose, mas pipiliin ko si Smith kaysa kay Janwren. " sabi ko sa kanila. Kitang kita sa mata nila na nagtataka sila kung bakit. " May attitude si Janwren na hindi ko gusto. Yun ay ang pagiging mainitin ang ulo nya at hindi nya pinakikinggan ang side ko. Unlike Smith, na always thinking the feelings of others than his feelings. And look, ayaw nya ng gulo at magpaparaya sya para sa kaibigan nya. "
" Kung ako din, Yumi mas pipiliin ko si Smith. " si Franzelle. Hindi naman sumang-ayon ang tatlo.
" Anla. Ayaw ko kay Smith. " seryosong sabi ni Veronica.
" Ako din. " sang-ayon naman nina Kyla at Roxie kay Veronica.
" Kasi mga boi, tama naman si Yumi. May attitude si Janwren saka mas matangkad si Smith kay Janwren. Hehe! Pangit kasing tingnan kung mas matangkad si Yumi kaysa kay Janwren diba? " natatawang sabi ni Franzelle. Inirapan ko naman sya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...