Chapter 109

7 0 0
                                    

Yumi's POV

Makalipas ang ilang araw, hindi parin mawala sa isip ko lahat ng sinabi ni Rhyden noong huli naming pag-uusap na animo'y gustong gusto ng aking isip na laging balikan.

" Just ready yourself at kukunin ulit kita. "

' Kingina! Anong gagawin ko at kailan nya balak gawin 'to!? '

Napahawak na lang ako sa aking ulo dahil hindi ako makapag-concentrate sa paggawa ng story ko.

Pilit akong nag-iisip ng bawat pangyayari na maaaring ilagay ngunit wala talagang pumasok sa aking isip kahit isa.

Maya maya lang, rinig ko na parang may maingay sa labas kaya mas lalong kumirot ang ulo ko.

Langya! Dapat pala pinakapalan ko na ang pinto nito para hindi ko rinig ang ingay nila!

Maya-maya lang ay ramdam ko ng may pumasok. Hindi ko na ito tiningnan pa dahil alam ko na kung sino ito base sa kanyang amoy.

" What are doin' here, mom? " habang hinihilot ko yung sentido ko. Umupo naman sila..

Wait, sila?

Iniangat ko naman ang tingin ko at mas lalong sumakit yung ulo ko ng makitang nandun din pala si dad.

Anong meron? Nang-aasar ba sila!?

Inis ko silang tiningnan parehas nang makitang nakangiti sila sakin na animo'y may surpresang dala.

Langya! Alam na sumasakit na ang ulo ko tapos ganyan pa!?

" Are you okay, Yumi? " tanong ni dad. Napabuntong hininga lang ako.

" Sumasakit lang ang ulo ko. " sabi ko pa bago sumandal at pumikit.

" Yiieh! Gusto mo bang matanggal ang sakit nyan, my young princess! Hihi! " hindi ko na sila pinansin pa dahil mukhang mas lalong sasakit ang ulo ko sa kanila.

Juskoo naman mom! Sino ba naman ang gustong manatili ang ganito!?

Maya-maya lang, ramdam kong tumayo si mom at binuksan ang pinto.

W-wait. Familiar yata 'to.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at ayun, nagtama na ang paningin namin habang sya ay ngiting ngiti.

" Yiieh! Tanggal ang sakit ng ulo ng young princess ko. "

E mas lalong sasakit ang ulo ko nito. Tsk!

" What are you doin' here? " nginitian nya lang ako.

" Lalabas muna kami ng mommy mo. " may pang-aasar na tingin ni daddy sakin.

At kailan pa sya umagree sa ganitong bagay?

Maya-maya lng ay lumabas na sila kaya naiwan kami ni Rhyden dito. At dun ko lang napagtantong may dala syang bouquet of flowers.

Lumuhod sya.

anong g-gagawin nya!?

" Will you be my girlfriend again, Yumi? "

* LUNOK! *

hindi agad ako nakapagsalita sapagka't hindi ko inaasahan ang bagay na ito. Ang bagay na ginagawa nya ngayon.

W-what!? I'm not yet ready!

Nagpakurap-kurap pa ako kaya muli nyang inulit ang tanong nya. " Will you be my girlfriend again, Yumi? "

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon