Yumi's POV
August 18, 2018
" Balita ko, birthday daw ni Smith ngayon. " sabi sakin ni Veronica kaya naman bigla akong napaisip.
Kung babatiin ko sya, may posibilidad na magka-chat ulit kami at makausap ko sya about what happened last week.
Umayos naman ako ng pagkakaupo dito sa may U-Bato kung saan eto ang tambayan ng mga estudyante kapag vacant or break time.
Napatingin naman ako sa papalabas ng canteen.
" Wait lang! " sabi ko kay Veronica at nagmamadaling pumunta sa may labas ng canteen. " Hey! Wait! " tawag ko dito. Agad naman syang lumingon. Lumapit ako.
" Bakit? "
" Can we talk? " tumingin pa muna sya sa gilid nya bago sya tumango. " Anyway, Happy Birthday! Mmm... I want to say, na nagkausap kami ni Janwren last time. "
" A-anong sinabi nya? "
" Basta. Pero hindi ko alam kung tama ba yung desisyon kong patigilin sya sa panliligaw. " hindi sya nagsalita.
Dahil baka pinagt-tripan mo lang talaga ako para patigilin ko sa panliligaw si Janwren!
" Mmm! Wish ko sa birthday mo na sana, magkabati na kayo ni Janwren kahit para sa akin lang. " nakangiting sabi ko sa kanya pero umiling sya kaya kumunot ang noo ko.
" Mukhang malabo yang wish mo. H-hindi na mangyayari yun. " at iniwan nya ako sa aming pwesto pero muli akong nagsalita kaya tumigil sya sa paglakad.
" Sige. Pero lalayo ako. " nilingon nya ako. Pero sa pagkakataong ito, ako naman ang umalis sa pwesto ko at bumalik kay Veronica.
Hays! Mahirap ba yung wish ko para sa kanya!?
" Ano na? " nagkibit-balikat lang ako at bumuntong hininga. Nawala kasi bigla ako sa mood.
Is this another adventure? Tsk!
***
August 22, 2018
Shet! I'm not feeling well.
" Yumi, okay ka lang? " tanong sakin ni Franzelle. Bahagya naman akong tumango.
" Medyo masama lang ang pakiramdam ko. "
" Uminom kana ba ng gamot? " tanong nya habang nilalapat ang kanyang palad sa aking noo.
Umiling ako. " Mamaya na lang. Malapit narin naman mag-uwian. "
" Anla naman boi---"
" Don't worry, okay? Hindi pa ako mamamatay. " natatawang sagot ko sa kanya. Nagkibit-balikat na lang sya dahil alam nyang hindi na nya ako mapipilit pa.
Habang tumatagal ay lalong sumasama ang pakiramdam ko. Dagdag mo pa yung mga isipin ko.
Hays! Life is full of challenges.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ma-dismiss ang aming klase. Kinausap ko pa muna ang Vice President ng room namin para bilinan.
" Avril? Can you stay here first? My feeling is not good eh. " pakiusap ko sa kanya. Sya kasi ang Vice President ng section namin. Agad naman syang tumango.
" Ah. Sige! Ako na ang bahala dito. " nagpasalamat naman ako sa kanya bago kami umalis nina Roxie at Veronica. Wala si Franzelle kasi liban samantalang si Kyla hindi na sumasabay samin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Novela JuvenilAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...