Yumi's POV
< Flashback >
Friday ngayon kaya naman may Vacant kaming one hour.
" Wag kayong maingay ha? May nagka-kaklase kasi sa kabila baka maka-abala tayo. " sabi ko sa mga kaklase ko at umupo na ako sa upuan ko.
" Kamusta na kayo ni Janwren? " tanong sakin ni Franzelle. Kinuha ko muna ang bag ko sa likod at niyakap ito.
" Okay naman. "
" Buti naman kung ganun. Saktan ka lang nun, lagot yun sakin. "
' Baliw '
" Tsk! "
" Narinig mo na ba syang kumanta? " tanong sakin ni Veronica. Umiling ako. " Do you want to hear his voice? " napaisip naman ako sa tanong nya.
' Bakit naman kaya gusto nilang marinig ko ang boses nun? '
" Ano bang meron sa boses nun? "
Ngumiti sya. " Husky voice. Basta maganda ang boses nya. "
' t-talaga? '
" Oo nga boi. I-challenge mo sya. " sabat ni Kyla kaya naman mas lalo akong napaisip. Niyakap ko nang mahigpit ang bag ko.
' After I challenged? Ano namang mangyayari? '
" Yeah. Challenge him. Kapag kinantahan ka nya, ibig sabihin seryoso talaga sya sa'yo pero kapag tumanggi sya, trip ka lang nya. " si Veronica. Napaayos naman ako ng upo at tumingin sa kanila.
" Yan! Gusto ko yan. Hehe! " tuwang tuwa na sagot ni Franzelle.
' Wala naman sigurong masama kung susubukan ko? '
" Sige. Kapag nagkita kami. I'll challenge him. "
< End of Flashback >
So it means, seryoso sya?
Sabi ko sa isip ko matapos nya akong kantahan before. Hanggang ngayon kasi hindi mawala sa isip ko yung boses nya kahit ilang araw na ang nakalipas.
Ang ganda nga ng boses. Ang husky masyado.
" Yumishy? " bigla naman akong napatingin sa English Teacher namin nang tawagin nya ako. " Because you are the President, I want you to make a practice of your Speech choir after class. And I want too, to see all of you later. Understand? " tumango na lang ako sa kanya.
Hays!
First practice pa lang namin 'to sa speech choir kaya kailangan nandun talaga kaming lahat lalo na ako na President tapos leader pa.
" Boi? " napatingin naman ako kay Kyla. Tiningnan ko sya ng may pagtatanong na tingin. " Paano si Janwren? " biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...