Janwren's POV
T*ngna!
Hindi ko inaasahan na sa araw na ito ay papayag si Yumi na ligawan ko sya. Dahil ang inaasahan ko ay tatanggi sya kasi hindi ako yung tipo nya.
" Swerte mo kay Yumi, boi. " sabi sakin ni Kristoffe. Nilingon ko naman sya habang nakangiti.
" Sobra. Boi. "
" Oo nga. Tsaka, kung gusto mong makuha ang isang babae, wag kang magbibigay ng dahilan para ayawan ka nya, boi. " nakangiti ngunit seryosong sabi ni Rhyden nang makarating kami sa sakayan ko.
" Alam ko. " seryoso ring sagot ko sa kanya. Tumango naman sya at umiwas na mg tingin.
" Paano mga boi? Uuwi na ako. " sabay yakap ko sa kanila.
" Ingat ka. " si Kristoffe.
Sumakay na ako ng jeep pauwi. Sa tunay na buhay, may sasakyan naman kami pero mas gusto ko lang mag-commute.
" makiki-abot nga po ng bayad. " sabi ko sabay abot ng walong piso.
Maya-maya lang ay umandar na ang jeep kaya tumingin na ako sa labas ng bintana.
Umuwi ka na kaya?
Tanong ko pa sa isip ko nang makarating kami sa may plaza. Maraming estudyante ang nandoon kaya hindi ko makita si Yumi.
Nang makalampas na kami sa plaza, ay sa may bandang unahan na lang ng jeep ako tumingin.
" Para po. " sabi ko at bumaba.
Binuksan ko na ang gate namin at pumasok sa loob. Nadatnan ko naman si Mama na nagluluto sa may kusina. Si kuya Gabriel naman ay nagl-laptop sa sala at si Ate Jamaica ay nanonood ng tv.
" Oh anak? Nandyan kana pala. Magbihis kana agad at sumabay kana sa ate at kuya mong kumain dito. "
" Sige po Mama. " nakangiting sabi ko kay Mama.
" Ang saya mo yata? " natatawang tanong ni Ate, nginitian ko lang sya ng bongga.
" Oo nga. Pansin ko rin sa'yo, Janwren. Bakit? " tanong naman ni Kuya.
Tatlo kaming magkakapatid. Mas matanda si Ate kaysa kay Kuya, tapos ako na ang bunso.
" Sikretong malupet! HAHA! " at tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko.
" Luko talaga yang bata na yan. " natatawang rinig ko kay Mama. Napangiti naman ako.
Kinuha ko na sa cabinet ko ang damit ko tsaka ako nagmadaling nagbihis. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag at dinala yun pababa.
" Ayan na pala si Sikretong Malupit. Tss. " sarkastikong sabi ni ate bago umupo sa upuan para kumain.
" Nye, nye! " asar ko sa kanya. Pinagtaasan naman nya ako ng kilay kaya dinilaan ko sya. " Bleh! "
" Janwren, kain na! Tigilan nyo na yang asaran. " sabi ni mama kaya nagsimula na akong kumain.
Kailangan kong bilisan sa pagkain para makachat ko na ulit si Yumi. Hehe.
" Anong nginingiti-ngiti mo dyan? " nakataas ang kilay na tanong ni ate.
" In love ka 'no? " may panunuksong tingin na tanong din ni kuya. Nginitian ko sya. " Sabi na. Kanino? Kay Yumi ba yun? " tumango ako.
Kilala nila si Yumi pero hindi sa personal kundi sa picture lang. Lahat ng nagugustuhan ko, kilala nila kasi nga open din ako sa pamilya kaya kapag nasasaktan din ako, alam nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...