Chapter 97

3 0 0
                                    

Yumi's POV

A-alam nya? Paano?

" A-ano pong dahilan? " I showed my curiosity. Ngumiti naman sakin si ma'am.

" I think it's better to ask him---"

" Please, ma'am? Gusto ko pong malaman----" umayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya. " If I will ask him, hindi rin nya po sakin sasabihin. " malungkot na dagdag ko pa. Napabuntong hininga naman sya.

Nang dahil sa pangyayaring iyon, natigil ang aming laro. Dahil mukhang pati mga kalahok ay gusto ring makinig.

" After I announced the result of the exam, I called his cousin. Yung teacher sa FIS. " panimula nya. Napaisip naman ako.

Baka yung MAPEH teacher namin dun.

" Sinabi ko sa pinsan nya yung tungkol kay Smith----"

" S-sa kanya ma'am? " tumango sya. Kaya muli akong nagtanong. " B-bakit po? "

To be honest, kinakabahan ako. Para kasing mabigat yung naging dahilan nya kung bakit sya nakipagbreak sakin.

" He failed. " agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni ma'am.

" He failed "

" He failed "

" He failed "

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko yung sinabi ni ma'am kaya nakaramdam ako nang panghihina.

Napatungo ako. " At nalaman nya na may girlfriend si Smith. And I think, nakarating ito sa magulang nya. " as in nanlumo talaga ako. Sobra! Kaya wala sa sariling napatayo ako.

" C-can I excuse m-myself, ma'am? " tumango sya kaya lumabas ako at bumaba ng hagdan. Nagpunta ako sa wash room.

It's all my fault!

" B-bakit di mo agad sinabi? " umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa salaming nasa harap ko. " B-bakit!? "

Ramdam kong may pumasok kaya tumungo ako upang hindi nya makita na umiiyak ako.

I know that smell.

" Look who's here. Are you crying? Ahaha! " sarkastikong tanong nya kaya pinahid ko ang mga luha ko at tumunghay.
" Masakit ba? " hindi ko sya pinansin.
Naghugas naman ako ng kamay at driny ito. " Kawawa ka naman. Tch! "

" Nikki, I'm not in the mood, so please-----"

" Talaga? " hindi ko sya pinansin at nagsimula na akong maglakad palabas pero pinigilan nya ako.

" Ano bang kailangan mo ha!? " inis na tanong ko sa kanya. Ngumisi naman sya.

" Nakakaawa ka. Nang dahil lang sa lalaki, iiyak ka? Hahaha! "

Seryoso ko syang tinitigan. " Don't act na parang alam mo lahat! " sigaw ko sa mukha nya at hinigit ang braso kong kanina pa nyang hawak. " You only know that we're broken up, but you don't know what is the reason of it. " at nang akmang pipigilan na naman nya ako, inunahan ko na sya. Hinawakan ko ang braso nya at masamang tiningnan.

Ayaw pa manahimik, kingina!

" Are you sure? " natahimik ako. " Baka nga, ako pa ang unang nakaalam ng dahilan nya. " nanlabot ang buong katawan ko na naging dahilan para mabawi nya ang kanyang braso mula sa akin. " Buti nga sa'yo at iniwan ka. Kasi look, nakakaawa ka----"

" S-shut up! " pinilit kong magmukhang matapang para hindi ako magmukhang talo sa pagkakataong ito. " Hindi ikaw ako. Dahil baka kapag nalaman mo kung paano magmahal ang isang Rhyden, mauso ang salitang mang-aagaw. " nilisan ko na ang lugar na iyon at umakyat na sa taas.

Muling sumagi sa isip ko yung sinabi ni Nikki.

" Are you sure? "

" Baka nga, ako pa ang unang nakaalam ng dahilan nya. "

Buti pa sya, may nalalaman. Hays!

Dahan-dahan lang akong naglakad habang nakatungo kaya muntik ko pang makabangga ang Potato Squad.

" Saan ka galing? " hindi ko sila tiningnan bagkus ay nagdiretso ako papasok sa room.

Wala akong pinansin na kahit sino. Wala ako sa mood para magsalita at kung ano pa.

Kinuha ko ang bag ko mula sa aking upuan. Umupo ako, niyakap ang aking bag at wala sa sariling tumingin sa bintana.

K-kasalanan ko 'to. F*ck you self!

Sinisisi ko ang aking sarili sapagkat hindi naman sya magkakaganun kung hindi ko kasalanan. Isa pa, he failed because of me.

***

Halos wala kaming ginawa sa lahat ng subjects kaya more on tulog na lang ang ginawa ko. Kaya naman this time, nagmamadali akong lumabas ng room.

" Hoy! Wait lang, boi! " hindi ko pinansin sina Charles, dumiretso lang ako ng dumiretso. Halos madapa na ako sa pagmamadali papunta sa parking lot.

Hindi ko kailangan patagalin pa 'to.

Nang makarating ako, sumandal ako sa kotse at tumungo. Maya maya lang, ramdam kong may papalapit na sakin.

" W-what are doing-----"

" We need to talk. " diin ko sa kanya bago ko iangat ang aking mga mata mula sa kanya. Rinig ko naman syang bumuntong hininga.

" Pasok. " pinapasok nya ako sa kotse nya. Pagbubuksan nya sana ako pero pinigilan ko sya at kusa akong nagbukas ng akin bago tuluyang pumasok.

" Para saan---" agad ko syang pinigilan.

" You failed? " at seryoso ko syang nilingon. Bakas naman ang gulat nya sa mukha. " Right? " dagdag ko pa. Bigla naman syang umiwas ng tingin.

" P-paano mo nalaman? "

" Hindi na importante pa kung paano at saan ko nalaman. " hinarap ko sya.

" Hays! Hayaan mo na, kasalanan ko rin naman. " at saka sya tumungo. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya.

" No. It's my fault. Kasi kung hindi mo ako naging girlfriend, hindi mangyayari yan sa'yo----! "

" Kasalanan ko yun. Okay? " hindi ako sumagot kaya nangibabaw ang katahimikan sa loob ng kotse nya.

" Bakit di mo agad sakin sinabi!? " tanong ko sa kanya nang hindu sya tinitingnan.

" Ayaw kong masaktan ka. " natigilan ako kaya napalingon pa ako sa kanya. Hindi sya nakatingin sakin pero masyado syang seryoso na naging dahilan para matitigan ko sya.

" Ayaw kong masaktan ka. "

" Ayaw kong masaktan ka. "

" Ayaw kong masaktan ka. "

Napakurap-kurap pa ako at tumikhim. " Ginusto mo rin ba yun? " umiling sya.
" Pero ano sa tingin mo, hindi ako nasaktan nung pinatagal mo pa? " hindi sya nakasagot kaya nagtuloy ako. " Rhyden, dalawang buwan ang lumipas bago ko pa nalaman! Sa loob ng dalawang buwan na yun, hinayaan mo lang akong mag-isip ng mag-isip! "

" S-sorry----"

" Sana sinabi mo kaagad para hindi ako nasaktan ng sobra. " hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at lumabas na ako sa kanyang kotse.

Marami pang estudyante ang naroroon kaya hindi na ako magtataka kung nakita nila ako o pinag-uusapan sa mga oras na ito.

Hindi na bago.

Dumiretso lang ako sa area kung saan naka-park yung kotse ko. Walang pag-aalinlangang pumasok ako roon at dun ko inilabas ang lahat ng emosyon ko.

Kung mahal mo talaga ako, hindi ka gagawa ng ikakasakit ko.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon