Chapter 74

14 0 0
                                    

Yumi's POV

After a month...

Naging kaibigan ko na nga ang POTATO SQUAD. Lagi kaming magkakasabay umuwi sa uwian kasama sina Harry, Jonar at Charles. Si Jonar ay bagong tropa namin na lalaki na mas matangkad pa sa dalawang kumag.

Hindi na rin kami nagdadala ng sasakyan dahil kung minsan, dun na lang kami nina Harry at Charles nagpapasundo sa aming driver sa may Plaza.

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad pauwi kasama sina Harry, Charles at Jonar.

" Nakakachat mo pa si Janwren, Yumi? " tanong sakin ni Franzelle. Tumango naman ako sa kanya.

< Flashback >

Nandito ako ngayon sa may kama ko habang nakadapa dahil gumagawa ako ng mga assignments ko. Mas gusto ko kasi gumawa ng nakadapa kaysa nakaupo, feeling ko kasi mahihilo ako.

Habang nagsusulat ako ng assignment ko sa English ay biglang tumunog ang messenger ko kaya naman bigla akong napatingin sa cellphone ko.

Inis kong kinuha yun.

' Abala. Tsk! '

Janwren Ramos ( active now )

Hi :)

Napakunot naman ang noo ko dun sa nagchat.

' Sino naman 'to? '

Dahil gusto kong malaman kung sino yun, I stalk him.

At mas lalong kumunot yung noo ko ng makitang familar sakin yung lalaki.

' Wait, parang kilala kita. '

Dahil sa gusto kong malaman kung sino yun, I replied to his chat.

Hi :)

Hello?

Musta na po kayo?


' Eh? '

Inayos ko muna ang gamit ko bago ako humiga ng ayos sa kama ko at nireplyan sya sa mga chats nya.

Okay lang.

Buti nman po. Hehe

* Seen *

Ang gnda mo po crush po kta <3

Nakita mo na ba ako sa personal?

Opo ang gnda niu nga po eh

Paano mo ako nakilala?

Nakasalubong ko po kayo. :)

Saan?

School po.

Ah.

' So, ikaw yung maliit na lalaking nakasalubong ko nung nakaraan. '

Tumango-tango pa ako sa naisip ko at inimagine ang mukha nya.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon