Chapter 106

4 0 0
                                    

Franzelle's POV

Linggo ngayon at ibig sabihin nun, day off ko sa trabaho ko.

Ang saya diba?

Sa totoo lang, masaya ako sa naging trabaho ko at kung saan ako nagta-trabaho ngayon. Para akong tumama sa loto sa sobrang swerte.

Alam nyo kung saan? Hehe! Sikretong malupit muna.

Masaya na din ako dahil lahat kaming Potato Squad ay nagkaroon narin ng sariling banda. Na kung saan ang main vocalist namin ay syempre ako.

Tulad ng sinabi at iniimagine ko noon, lahat ng mga kaibigan ko ay nakamit na ang mithiin nila sa buhay.

Si Veronica na ngayon ay isa ng sikat na singer.

Si Roxie na isa ng teacher.

Si Kyla na isa ng flight attendant.

At si Yumi na isa ng CEO ng isang sikat na kumpanya.

Syempre hindi ako mawawala. Dahil ako'y isa na ngayong P.A. ng isang sikat na manunulat.

Kasalukuyan akong narito ngayon sa mall, sa may second floor. Nagt-tingin tingin kasi ako ng mga jeans dito dahil alam nyo na, kakasahod ko lang kahapon. Hihi!

Ang ganda naman ng isang 'to.

Sabi ko sa isip ko habang hinahawakan ang isang jeans na nakapukaw ng aking atensyon.

Balikan na lang kita mamaya baka kasi may mas maganda pa.

Habang hinahawakan ko yung mga texture ng jeans dito agad na napakunot ang noo ko nang may makita ako sa labas.

Totoo ba ang nakikita ko?

" Ma'am, here are the other jeans----" hindi ko na pinansin pa yung saleslady at agad-agad akong lumabas.

Baka naman hindi yun! Baka mapahiya ako.

Dahan-dahan akong sumunod sa taong sinusundan ko, hanggang sa makarating ako sa bilihan ng mga pam-baby.

T-teka! Pambaby!?

" Good mor----"

" Morning. " agad na putol ko sa sasabihin ng entertainer dahil baka makita ako ng taong sinusundan ko.

Pumasok na ako ng tuluyan at kunwaring nakikitingin din habang sumusulyap sa kanya.

Sya kaya 'to? Grabe ang gwapo naman.

Medyo tumabi ako sa kanya ng konti, at pasimpleng tiningnan sya.

Pero agad ding napakunot ang noo ko nang pumipili sya ng mga damit para sa baby.

Sya ba talaga 'to? Bakit parang may anak na yata!?

Habang namimili ako ay bigla nya akong naapakan kaya biglang nanlaki ang mga mata ko at agad na umiwas ng tingin sa kanya.

Patay na. Pero ang sakit nun ah!

" M-ms? I'm sorry. " ramdam kong sinisilip nya ang mukha ko pero pilit ko iyong tinatago sa kanya.

Waaaaa! Omg! Sya nga! Boses pa lang!

" Are you okay? " at pilit nya akong hinarap sa kanya at ganun na lang ang gulat namin sa isa't isa. " F-franzelle? "

" U-uy! Hehe!  " nasabi ko na lang. Hindi kasi ako nakapaniwala na sya ang nasa harap ko ngayon. Na sya ang mismong kausap ko ngayon.

Panaginip lang ba ito?

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon