( A/N: Fast forward ko na ng konti, dahil mas marami pa kasing important na mga pangyayari ang kailangan kong mailagay. Kailangan ko rin kasing matapos kaagad yung mga pangyayari na nabubuo sa isipan ko. Masyadong marami pa yun. I hope you understand. )
Franzelle's POV
Hello! Bago lang ako dito. Hehe! Pansin nyo? Oo, pansin ko. Haha!
Sobrang laki ng pinagbago ni Yumi my boi. Mas malala pa sya sa unang kita ko sa kanya. Masyado na syang masungit kumpara dati. Noon kasi, umiimik pa naman yun kahit papaano. Isang tanong isang sagot. E kaso ngayon, isang tanong walang sagot.
Ako nga pala si Franzelle. Hindi ako mayaman, Yes, hindi po talaga ako mayaman. Hindi rin naman ako mahirap. Sakto lang kung tawagin. Broken Family kami, kaya ganun na lang yung gusto kong makapasok para matulungan ko yung mga kapatid ko at si mama.
Kasalukuyan kaming narito ngayon sa bahay nina Yumi at lahat kami ngayong Potato Squad ay pare-parehas ng suot.
Alam nyo kung bakit? Tanong nyo sa pagong. Joke lang. Hihi!
Si Yumi lang ang pinakamayaman sa aming magkakaibigan, kaya dito namin naisipang magcelebrate.
Tinitigan ko silang lahat at ngumiti. Narito kasi kami ngayon sa isang bilog na lamesa, na kung saan ay kumakain kaming lahat ng Potato Squad.
" Pare-parehas tayo ng suot. Ang galing! " natutuwang sabi ko sa kanila. Sinamaan naman nila ako ng tingin kaya nagpout ako.
May masama ba sa sinabi ko?
" Timang ka talaga! Syempre, pare-parehas tayo ng suot, graduated na tayo ng college e. " inis na pagpapaintindi sakin ni Kyla. Nginisian ko lang sya.
Alam ko naman e. KJ lang talaga kayo. Nye!
At oo, tama yung rinig nyo sa kanya. Graduate na kami ng college ngayon at lahat kami ay nakaitim na toga.
Ang saya diba!
" Kain lang kayo ng marami, Potato Squad ha? " nakangiting sabi samin ng mommy ni Yumi at saka nya hinawakan si Yumi sa balikat. Wala naman itong pakialam, ni ngiti ay hindi magawa.
" Salamat po, mommy. Hihi! " pilingera kong sagot. Sanay na kasi ako sa mga ganun. Lahat nga ng ina at ama ng Potato Squad, mama at papa ang tawag ko. Depende rin sa tawag nila.
Anyway, hindi lang kami ng Potato Squad ang nandito, kundi mga kaklase nya at iba pang college student.
Si Yumi kasi ang nabigyan ng award bilang suma-cumlaude.
Sana all, diba?
Umalis na ang mommy ni Yumi dahil aasikasuhin lang daw nya ang iba pang mga estudyante dito. Pero sa totoo lang, kami lang ng Potato Squad ang naka itim na toga.
Hindi na kasi kami umuwi ng bahay. Hehe!
Hindi tulad ng ibang estudyante na, umuwi muna sa kanila para magbihis bago pumunta dito.
" Konting kembot na lang successful na tayo. " nakangiting sabi ko sa kanila. Ngumiti rin nman sila.
" Kaya nga. Ilang months muna akong pahinga bago ako mag-apply. " si Roxie.
" Lahat naman tayo ganun. Tsk! " pambabara sa kanya ni Veronica. Maya-maya lang ay lumapit na sina Harry at Charles samin.
" Kamusta ang mga magagandang dilag? " bigla akong namula sa sinabi ni Harry samin.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Novela JuvenilAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...