Yumi's POV
August 29, 2018
Wala kaming pasok ngayong araw. Hindi ko naman alam kung bakit kasi hindi naman holiday. Siguro, biglaan lamang kasi wala rin palang pasok ang FIS kaya naisipan nina Trixs na bumisita sakin. Ganun din ang POTATO SQUAD.
I made a Graham Cake that full of different fruits for our dessert later.
Unang dumating sina Trixs, Charles, at Harry kaya naman tinulungan nila akong gumawa ng iba pang maaaring kainin mamaya.
" Sino pang mga darating? " rinig kong tanong ni Trixs. Hindi ko naman sya sinagot dahil busy ako sa paglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcakes habang kumakanta-kanta pa.
•♫• Ikaw na nga ba si Mr. Right, ikaw na nga ba love of my life!
Ikaw na nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake koooo??? •♫•" Our classmates but those are Yumi's new friends. " rinig kong sagot ni Harry kay Trixs.
" What!? New friends? "
" What's wrong with that? " kunot-noong tanong ko sa kay Trixs. Hindi naman sya makapaniwalang lumingon sakin.
" Kaya pala madalang ka na lang tumawag sakin ah? " sabay smirk. Tumawa naman ako.
" Paanong madalang? "
" Huh? "
Okay. Sorry. Slow ka nga pala. Tsk!
" Never mind! " sagot ko at niligpit na ang mga kalat na ginawa ko.
Habang nag-aayos ako sa kusina ay rinig ko namang may dumating ngunit hindi ko yun pinuntahan sapagkat busy ako sa pag-aayos.
Baka nandyan na ang Potato Squad.
" Nasa dining sya. " rinig ko ang boses ni Charles. Maya-maya lang ay may narinig na akong mga yabag.
" Busy'ng busy ah? " agad akong natigilan sa boses na nagsalita mula sa likod.
Nandito sya?
Dahan-dahan naman akong lumingon upang malaman kung tama nga ang hinala ko.
" H-hey? Long time no see. Hehe! " nasabi ko na lang. At dahan-dahang bumaba ang tingin sa batang karga nya.
Ang cuteeee!
" Gusto mong hawakan? " tanong ni Cass sakin. Umiling naman agad ako sa kanya.
" H-hindi na. Marumi rin kasi ang kamay ko. " nakangiting sagot ko sa kanya at pinagmasdan silang tatlo.
Masyado silang masaya at mararamdaman mo talaga na mahal nila ang isa't isa lalo na ang anak nila.
I'm happy to both of you.
" Yumi? Ayos ka lang? " natauhan naman ako nang magtanong si Heyl sakin.
" Y-yeah. " pakurap-kurap kong sagot at tumalikod na sa kanila para kunin ang basura kong inipon dito kanina sa may kusina.
Para kunwari busy ako. Hehe!
" Ilang m-months na sya? " tanong ko habang nagtatapon ng basura.
" Magf-five next week. " si Cass.
" I see. "
" Kamusta naman ang highschool life mo sa CEU? " rinig ko namang tanong ni Heyl kaya nilingon ko sya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Novela JuvenilAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...