Yumi's POV
Busy ako sa kwarto ko habang naglalaro ng Homescapes sa cellphone ko. Wala lang naa-addict ako sa games na'to.
Hirap naman ng level na'to.
Kung hindi ako nagkakamali ay tanghali na. Kaya siguro kumakalam na ang tiyan ko.
Since na nagbakasyon, hindi na ako masyadong kumakain kaya feeling ko namayat na ako.
Inilagay ko na sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto para kumain.
" Thanks, Tito William. " napakunot naman ang noo ko nang may marinig ako mula sa ibaba.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Kilala ko kasi ang boses na yun at alam kong kay Cass yun.
Anong ginagawa nya dito?
Napailing pa ako bago bumaba ng hagdan. At nang matanaw ko na kung sino ang nasa living room ay napatigil pa ako sa pagbaba. Nakatingin sakin si Cass at mahahalata mong nahihiya sya na makita ako. Hindi naman ako nagbigay ng emosyon sa kanya bago tuluyang bumaba ng hagdan.
" Oh? Young Princess, you're best friend is here. " tiningnan ko lang si mommy bago ko ibaling ang tingin kay Tita Cathy at pilit na ngumiti.
She's not my bestfriend anymore.
" Long time no see, Yumishy. " bati sakin ni Tita Cathy. " You didn't mentioned to your parent about Cass' pregnancy, at yung pagpapakasal nya? Why? " nakangiting tanong sakin ni Tita.
Kailan ko pa bang sabihin yun?
" Mom and dad were busy this past few weeks kaya po hindi ko nasabi. " walang emosyong sagot ko. Tumango tango naman sya.
" I see. Anyway, bakit parang pumapayat ka yata? "
" Oo nga, why? Hindi ka ba kumakain? " tanong naman ni daddy. Napatingin naman ako kay mommy at mukhang nag-aalala na sya.
O.A talaga. Hindi pa naman ako mamamatay.
" Kumakain naman, minsan. " pagdidiin ko at sumulyap ng konti kay Cass. Nakayuko lang naman sya. " Ano po palang ginagawa nyo dito? "
" Ah. Nagdala kami ng invitation card para sa kasal nila next week. " natigilan naman ako sa sinabi ni Tita Cathy pero hindi ako nagpahalata at pilit na ulit na ngumiti.
Next week agad? Ang bilis.
" Mmm. I see. " napatingin naman ako kay Cass dahil nag-angat sya ng tingin kaya nagkatitigan pa kami.
Ang lakas ng loob mo na imbitahan pa ako sa kasal mo ah?
Bigla naman syang nag-iwas tingin. " Young Princess, hindi ka ba masaya na makita si Cass? "
Tsk!
" I'm not in the mood, mom. " sagot ko sa kanya. " So, baka pwede na po akong umalis, I'm hungry. " napamaang naman sila pero pilit lang akong ngumiti at tinalikuran na sila.
" Yumishy? " rinig kong tawag ni daddy pero hindi ko sya pinansin at nagdiretso lang ako sa dining.
Nakasalubong ko naman si Ate Myla. " Kain ka na dyan. " tumango na lang ako sa kanya at umupo na sa upuan para kumain.
Habang kumakain ako ay ramdam kong may papalapit sakin. Hindi ako tumingin sa direksyon kung nasaan sya.
" Y-yumi? " hindi ako sumagot. " Y-yumi, sorry. "
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...