Chapter 110

12 0 0
                                    

Rhyden's POV

Makalipas ang ilang linggo, may napagdesisyunan akong isang bagay. Kaya naisipan kong gawing kasabwat ang Potato Squad, Magulang ni Yumi at syempre Family ko.

" Ayos na ba lahat? " tanong ko sa Potato Squad. Agad naman silang sumagot.

" Yes naman, sir. " si Franzelle. " Nasa office yun ngayon panigurado dahil may tinatapos pa yung story. " napatango-tango naman ako kaya bumaling sya sa Potato Squad. " Hoy mga boi, wag kayong pahalata ha! Kakantiin ko naman kayo kapag nahalata ng isang yun. "

" Oo na ma'am tsk! " si Veronica. Kung titingnan ay maayos na sya sa manamit dahil nga isa na syang hina-hangaang singer dito sa Pilipinas.

" Tara na at ayos na naman ang lahat. " Si Kyla na isa na ngayong flight attendant.

" Oo nga dali! " si Roxie na isa na ngayong ganap na teacher.

" Pero anong sasabihin natin sa kanya? " napapakamot sa ulong tanong ni Franzelle. Bumuntong hininga naman ang Potato Squad.

Hays! Sasama kaya ang isang yun?

" Edi sasabihin nating mags-shopping tayo. Basic. " si kyla at sumang-ayon naman ang lahat kaya nagpaalam na silang lahat sakin at umalis.

Sunod ko namang pinuntahan ay ang Family ni Yumi.

" Thank you po for supporting me to do this. " tinapik ako ng daddy ni Yumi.

" Basta sa ikakasaya ng anak namin. " napangiti naman ako.

Maya-maya ay pumunta naman ako sa family ko.

" Okay na ba ang lahat anak? "

" Yes ma. Thank you nga po pala. "

" Basta para sa'yo, Rhyden. " hinalikan ko sya sa pisngi bago ako bumaling kay Papa na ngayon ay nakatingin na sakin.

" Wag kang kakabahan, okay? " I nodded.  Tinapik nya ako sa balikat at isinenyas na pupunta lang sya sa manager ng mall.

Kakausapin ko sana si Ate Ruffa pero Hindi na lang dahil busy sya sa pagbabasa ng wattpad na gawa ni Yumi.

I will read your works soon, babe.

Kung tutuusin, maraming tao dito sa mall pero hindi na lang namin inarkila ang mall sapagka't baka makahalata si Yumi.

After 30 minutes, nagmessage sakin si Franzelle.

Franzelle,
On the way.

Agad akong nagmadali at pumunta sa mga taong aking kailangan.

" Be ready dahil on the way na sila. " agad naman silang tumango. Pinapatay ko muna yung lights sa taas, hinanda ko na rin ang stage para sa banda at nagtago na rin kami malayo sa mga ito.

I checked my phone and it's already 1:16 in the afternoon.

Habang nagmamasid, nakita ko na sina Franzelle na papasok sa entrance ng Mall kaya naging handa na rin ako.

This is it.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Yumi's POV

Something is weird.

Pagkapasok namin sa Mall, nagmamadali sina Franzelle na animo'y excited na ewan.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon