Yumi's POV
" Hindi ka ba sasama samin? " tanong sakin ni mommy. Bihis na kasi sila samantalang ako ay nasa may kwarto lang, nakahiga.
" Bahala na. Masama po kasi ang pakiramdam ko. " at umupo ako sa may kama.
Wala ako sa mood para pumunta. Tsk!
" S-sige. But how about this gift? " napatingin naman ako dun sa regalo.
Oo nga pala. Hays!
" Baka po ipadala ko na lang kayna Harry. " tumango-tango naman si mommy at tumayo mula sa kama.
" Okay. So, aalis na kami ng daddy at Ate Myla mo. Baka malate kami sa wedding ceremony. " tumango na lang ako. Hinalikan naman nya ako sa kanang pisngi bago sya tuluyang umalis ng kwarto.
Muli ko namang tiningnan yung regalo at kinuha.
" Paano nga ba kita maipapadala? " bulong ko pa.
Hindi ko kasi alam kung pupunta ako o hindi. Sobrang emosyon na ang nararamdaman ko ngayong araw at tunay na masama ang pakiramdam ko. Siguro dahil, masakit sakin na ngayong araw na ito na ang kasal nila.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Trixs.
" Oh, Hello Yumi? " sagot nya sa tawag ko. Itinabi ko naman muna yung regalo ko.
" Hello? Nasaan ka? "
" Nasa church na ako kasama sina mommy. Bakit? " hindi ko naman sinagot ang tanong nya.
" Andyan na ba sina Harry at Charles? "
" Wala sila. They told me earlier na hindi sila pupunta sa may simbahan kundi sa may venue lang. "
Bakit naman kaya?
" I see. So, bye! "
" Bye! Wait, pupunta ka dito? " ibababa ko nasa yung cellphone pero rinig kong may tinanong sya.
" Bahala na. Hindi ko pa alam. "
" Okay. Bye! " at binaba ko na ang cellphone ko.
Nahiga naman ulit ako at nag-isip.
Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na sila na. Kung hindi ako pupunta, maaaring magtampo sakin sina Tita Cathy. At mas lalong iisipin nina Cass na sobra naman akong affected sa kanila. Diba?
Nagtalukbong na lang ako at pumikit.
***
Nagising naman ako dahil rinig kong may nag doorbell. Tumayo naman ako at inayos ang sarili ko.
Nandyan naman si Mang Nestor.
Pagkatapos kong maghilamos ay tiningnan ko sa cellphone ang oras.
9:02 a.m na agad?
Tatlong oras na ang naitulog ko kaya siguro medyo sumama lalo ang pakiramdam ko.
Bumaba na ako ng hagdan.
Sino naman kaya yung tao?
" Si Yumi po? " rinig kong tanong ni Charles.
" Nasa taas po sya, Sir. Gusto nyo po tawa-----"
" Wag na po. " putol ko sa sasabihin ni Mang Nestor at tuluyan nang bumaba. Gulat namang napatingin sakin si Harry at Charles. Bihis na bihis sila at halatang pupunta sila sa kasalan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...