Rhyden's POV
Nakakainis!
Padabog akong pumasok sa loob ng animation. Lahat ng nakaharang na upuan sa daan ko, sinipa ko dahil sa inis.
" Kasalanan 'to ni Jenny! " bulong ko na alam kong limita lamang ang makakarinig nun.
Sa kanya ko kasi na-mentioned na natatakot akong umalis dahil baka makahanap ako ng ibang babae kung wala si Yumi sa paningin ko.
Pero bwiset! Hindi ko naman sinabing sabihin nya yun kay Yumi!
Pagkaupo ko sa upuan, lumapit agad sakin si Franzelle at Veronica.
" Anong nangyari? " pag-uusisa ni Franzelle. Bumuntong hininga lang ko. " Ikaw ha, may pahila effect ka pa kanina. Yiiieh! " panunukso nya sakin pero pilit na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
" Si Yumi nasa'n? " tanong sakin ni Veronica kaya nagsalita na ako.
" Cookery room. "
" Ayos lang ba sya? "
" Sa tingin ko, hindi. "
" Bakit!? " gulat at sabay nilang tanong aya no choice ako kundi sabihin sa kanila.
" We broke up. " malungkot kong sagot. Natahimik naman agad sila.
" Hays! Magbabago na naman an isang yun. " bigla akong nakonsensya nang sabihin ni Franzelle yun.
" Kailangan ba talagang umalis ka? " tumango ako kay Franzelle. " Sama ako. " gulat namn akong napatingin sa kanya. " Joke lang. Hihi! "
" Seryosong usapan, nakadali-dali nang ganun! " mataray na sabi sa kanya ni Veronica pero natawa lang ako.
Maya-maya lang, nakita ko si yumi na pumasok ng room at umub-ob.
" Puntahan nyo. Kailangan nya kayo ngayon" tumango sila at pumunta kay Yumi.
Bakit kasi kailangan pang umalis? P*tangina!
***
Tinapos ko na lahat ng requirements ko dahil mags-summer vacation na. Inasikaso ko na rin sa school yung mga kailangan ko papuntang states.
Hindi ko gustong umalis. Pero wala akong magagawa dahil kapag hindi ako pumayag kay Papa, baka wala na akong pamilya na mauwian. Dahil alam kong papalayasin nya ako na parang isang pusang naligaw sa bahay.
" Hinanda ko na yung mga dadalhin mo para bukas. " nakangiting sabi sakin ni Mama habang inaayos ko yung maleta ko.
Hinarap ko si mama. " I will miss you, Ma. " at hinalikan ko sya sa pisngi.
" I'm really sorry. Alam kong hindi mo ito gusto. " nginitian ko sya.
" It's okay, ma. Wala na rin naman tayong magagawa. " bumuntong hininga na lang sya. " Ma, pwede ko bang puntahan ang mga kaibigan ko ngayon? "
" Sure. " isinara ko muna ang maleta ko bago ako umalis.
Una kong pinuntahan si Janwren at Kristoffe.
" Pakabait kayo ha? " paalala ko sa kanila. Tumawa lang sila. Nandito kasi kami ngayon sa mall, dito kami nag-meet up.
" Akala mo naman mamamatay ka na." si Janwren bago sumipsip ng pineapple juice.
" Pero matagal akong mawawala mga boi! "
" Basta pagkauwi mo, dapat mas gwapo ka na. Saka, dapat sundalo ka na rin. " maangas na sabi sakin ni Kristoffe.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...