Chapter 59

12 0 0
                                    

Yumi's POV

Focus lang ako sa pag-eexam dahil ayaw kong bumagsak dahil lang sa mga pangyayari. Hindi ko nga pala kasama dito sa room yung tatlo. ( Harry, Charles at Trixs. ) Kaya naman tahimik lang ako at hindi lumilingon.

Una akong natapos sa MAPEH kaya naman sunod kong inexam ay Filipino. Sa totoo lang, nahihirapan ako sa topic namin dito. Akalain mo naman kasi, buong last quarter ay puro Noli Me Tangere ang topic tapos next year daw ay El Fili naman.

Pagkakita ko ng mga tanong ay agad akong nanlumo.

Identification?

Napa-irap pa ako sa hangin kasi ang hihirap ng tanong lalo na't identification.

Kakainis! Wala man lang bang pagpipilian?

Medyo nagtagal pa ako dito magsagot nahihirapan kasi ako dun sa mga tanong.

38. Anong hayop ang nakita ni Sisa sa labas ng bahay nila bago dumating si Basilio?

Ano nga ba? Pusa? Kabayo? O Tupa?

Pumikit pa ako dahil hindi ko talaga ma-alala. Alam kong binasa ko yun kahapon pero hindi ko matandaan.

Kingina! Dinosaur na lang kaya 'no!?

Inis na sabi ko pa sa isip ko at nilampasan muna yung tanong na yun baka kasi maubos ang oras ko dahil sa isang number na yun.

Naging madali na sa akin ang pagsasagot lalo na sa number 41 kaysa sa mga naunang tanong.

41. Sino ang asawa ni Sisa na humingi ng tulong kay Crisostomo Ibarra para hanapin ang nawawalang mga anak nito at asawa?

Mmm! Ped..ro..

Sabi ko pa sa isip ko habang confident na sinusulat ang pangalan ni Pedro sa answer sheet ko.

Medyo marami na din ang natatapos dito sa subject na ito. Last number na ako kaya naman confident din akong sinagot ang huli dahil madali lang naman. Ibabalik ko na sana sa front page ng makita kong wala pang sagot yung number 38.

Hays! Kahit ano na nga lang.

Binasta ko na ang pagsasagot dahil hindi ko talaga maala-ala.

***

Nakahinga naman ako ng maluwag ng ipasa ko ang huli kong exam sa proctor namin. Nakangiti naman nyang tinanggap ang answer sheet ko.

Lumabas nako ng room na yun at pumunta muna saglit sa Cafeteria.

" Boi! " rinig kong boses ni Harry pagkapasok ko ng entrance kaya naman nagpalinga-linga pa ako kung nasaan sila. Ikinaway nya ang kanyang kamay kaya naman nakita ko agad sila.

" Ang aga nyo naman? " tanong ko sa kanilang tatlo. Ngumiti naman sila.

" Easy lang kasi samin yung exam. " pagyayabang ni Charles kaya naman inirapan ko sya.

" Tsk! " singhal ko sabay upo sa tabi ni Trixs.

" magkakasama kasi kami sa isang room. " nakangiting sabi ni Trixs kaya gulat na tiningnan ko sila.

Talaga? Andaya ah!

" Is that so? "

" Yes! Kaya ako pa ang naghintay sa kanilang dalawa. Masyadong mabagal magsagot. " natatawang sabi ni Harry. Tumayo naman ako para umorder ng pagkain ko.

" Ako na. May bibilhin pa kasi ako. " si Charles. Tumango na lang ako sa kanya.

Ramdam kong may papasok sa entrance kaya naman napatingin pa ako.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon