Chapter 108

10 0 0
                                    

Yumi's POV

Seryoso sya? Matapos nya akong iwan, tapos ito ng sasabihin nya sakin!? Nababaliw na ba sya?

" Kung n-nagpunta ka lang para s-sabihin yan, m-makakaalis kana. " hindi nya pinansin ang sinabi ko, bagkus ay mas lalo syang lumapit.

" Hindi ako aalis sa office na ito hangga't hindi kita nakakausap. " hindi makapaniwala ko syang tiningnan.

Nababaliw na sya. Tsk!

" Nakakaabala ka! Alam mo ba yun!? " hindi sya umimik. Bagkus ay umupo pa sya sa couch at tinitigan ako.

Wala ba talaga syang balak umalis!?

Padabog kong kinuha yung telepono at tinawagan si franzelle.

" Hello ma'am? Ano, nakapag-usap na po ba kayo?" mas lalo akong nainis sa tanong ni Franzelle.

At talagang magka-sabwat pa ang dalawa!

" Tsk! Ikaw muna ang bahala sa mga applicants at kung ano man ang kailngan kong pirmahan, ilagay mo na lang sa table ko. " yun lang at padabog kong binagsak yung telepono.

Tumayo ako. " Abala. Tsk! Let's go to the park at dun tayo mag-usap! " kita ko naman syang ngumiti ng bongga kaya inis kong binuksan ang pinto at lumabas. Sumunod naman sya.

Bwiset ka talaga! Kung ayaw lang talaga kitang makausap, hindi ko gagawin ang bagay na'to.

Nang madaanan namin si Franzelle, ngiting ngiti ito ng may pang-aasar. Sinamaan ko lang sya ng tingin dahil sa inis.

Pagkalabas ko agad akong pumunta sa parking lot dahil nandun yung kotse ko. Papasok na sana ako nang mgsalita si Rhyden.

" Saan ako? " sinamaan ko sya ng tingin.

" May kotse ka diba? Dun ka sumakay! " bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse ko nang magsalita na naman sya.

Kingina! Ayaw pang tatahimik.

" Hindi ko alam kung saan yung park na sinasabi mo. " natatawang tanong nya kaya napapikit ako.

Oo nga naman Yumi. Alam mo namang galing states ang isang yan. Tsk!

3 years ago kasi ng gawin yung park na sinasabi ko kaya posible ngang hindi nya alam yun..

" S-sundan mo na lang ako. " sabi ko at muli nagsalita. " Baka may kailangan ka pa? " sarkastikong tanong ko. Ngumiti naman sya.

" Ikaw. " inirapan ko na lang sya bago tuluyang pumasok sa kotse ko.

Corny. Tsk!

Pinaandar ko na ang kotse ko at nilisan ang kumpanya ko. Habang nagmamaneho, pasimple ko syang tinitingnan sa side mirror ko. Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa kanya.

Edi ikaw na nga ang gwapo. Tsk!

Sa totoo lang, may part sakin na masaya ako dahil bumalik sya lalo na't sa tingin ko ay hindi nya ako nakalimutan. Pero may part din sakin na masakit na makita muli sya.

Mahal pa kaya nya ako? Kasi ako, mahal pa kita.

Bigla akong nalungkot. Dahil posibleng may iba na sya lalo na't halos 7 years syang nawala. Maaaring nagpakita lang sya para humingi ng tawad.

Nang makarating kami sa park, hindi ganun karami ang tao kaya naman nakahinga-hinga ako ng maluwag.

Bumaba na ako at sumandal muna saglit sa kotse ko para hintayin sya sa pagbaba.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon