Chapter 90

3 0 0
                                    

Yumi's POV

Sasanayin ko na ang sarili kong tawagin kang...

" Rhyden. " nakangiting banggit ko sa pangalan nya habang nagsasalamin ako dito sa may kwarto para pumasok sa CEU.

As you can see, puro Smith yung tinatawag sa kanya, kaya naman gusto kong sanayin yung sarili kong tawagin sya sa pangalan.

Kukunin ko na sana ang bag ko nang may biglang tumawag.

Kingina! Baka si PaNikki 'to.

Kinuha ko ang cellphone ko at...

Rhyden is calling...

Agad kong sinagot ang tawag at umupo sa kama.

" H-hello? Aga tumawag ah? HAHA! "

" Nasaan ka? "

" Nasa bahay mala----"

" Tapos kana ba sa breakfast? "

Anong meron at tinatanong ne'to?

" Yeah---"

" Get your bag at bumaba kana dito. "  biglang nanlaki ang mata ko at napatayo.

" H-huh? " dali-dali akong sumilip sa bintana at ayun! Nandun nga sya habang nakasandal sa kotse nya.

Waaaaaa! Puso ko, puso!

" W-wait. " at ako na mismo ang nag-end call at dali-daling kinuha ang bag ko bago lumabas ng kwarto.

" Baka madapa ka.  " asar sakin ni Ate Myla nang makarating ako sa living room kaya nagpadahan-dahan ako ng lakad.

" Aalis na po ako. " nakangiting paalam ko bago lumabas ng bahay.

" Good morning, babe! " agad na nag-init ang mukha ko sa pagbati ni Rhyden.

B-babe?

" G-good morning din. " kinuha nya ang bag ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. " Thanks! " kinindatan nya lang ako.

Pagkapasok nya, agad nya akong tinulungan para mag-ayos ng seat belt bago nya paandarin ang sasakyan.

" Nag-abala ka pa e. Pwede namang wag mo na lang akong sunduin. "

" Ayaw mo ba? "

" Hindi naman. Nahihiya lang ako. "

" Wag ka nang mahiya, okay? Sanayin mo na ang sarili mong ganito. " nginitian ko sya. Bago ako magtanong sa kanya.

Tumingin ako sa unahan, sa may dinaraanan namin. Papalabas na kasi kami ng village.

" Paano kung umabot tayo sa salitang wala na, sasanayin ko rin ba ang sarili kong, wala ka? " sabay lingon ko sa kanya. 

" Wala pa tayong isang linggo, ganyan na agad ang iniisip mo. Hindi kita iiwan ng wala akong katanggap-tanggap na dahilan. " hinawakan nya ako sa kamay at tiningnan sa mata. " I love you and I will always do. "

" Promise? "

" Promise. " at tumingin na sya sa highway. Ako naman nag-daydream lang.

Oh my gosh! Bakit kasi ang rupok ko e. Nararamdaman at nakikita ko na naman si kupido sa harap ko habang pinapana ang pareho naming puso.

Kyaaaaaaah!

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon