Chapter 58

13 0 0
                                    

( A.N: Guys? Medyo bibilisan ko na ng konti yung topic about Heyl and Cass. That's why, medyo mapapabilis ang pangyayari ng konti. Hope you understand. Mwuah! )

Yumi's POV

Final exam na namin bukas kaya naman puspusan kami sa pagre-review ngayon. Binigay na kasi kahapon samin ang reviewer para daw makapag-review kami ng ayos kaya wala kaming klase ngayon.

" Siguro kailangan na lang natin maging masaya para sa kanila. " rinig kong sabi ni Trixs. Kasalukuyan kaming nasa garden habang nagre-review pero silang tatlo nina Harry, Charles at Trixs ay dumadada lang.

" Parang ganun na nga. " sagot naman ni Harry. Hindi ko naman sila pinapansin dahil busy ako sa nire-review ko.

Saka sa totoo lang, alam ko na ang pinag-uusapan nila. Nalaman kasi namin last time na may balak ng magpakasal sina Cass at Heyl. May part parin sakin na masakit pero syempre, wala na naman akong magagawa kung sila talaga ang tinadhana.

" Tapos ang lapit na ng vacation natin. I don't know why I'm not excited. "

Ako nga excited na e.

" Shh! Daldal nyo! " saway sa kanila ni Charles. Pero hindi naman sya pinansin nung dalawa.

" Same. Parang gusto ko lang dito sa FIS. Kasi one year na lang. Goodbye FIS na. " natatawang sabi ni Harry kaya naman napatingin ako sa kanya.

" Kayo lang. " napakunot naman ang noo nila kaya ngumiti ako.

" Don't tell us, dito ka hanggang College? " sarkastikong sabi ni Harry pero umiling ako. " Eh ano? " Inilapag ko muna sa side ko ang reviewer ko at humarap sa kanila.

" Titigil kana? " napataas naman ang kilay ko sa tanong ni Charles.

Tigil agad?

" No. I have a lot of memories here in FIS. Kahit saan yata akong sulok pumunta, puro ala-ala ang nakikita ko. You know, I want to forget everything. " tumango-tango naman sila.

" So you mean, magta-transfer ka? " nakangiting tumango ako. Nanlaki naman ang mga mata nila, lalo ni si Trixs.

" Hala? Iiwan mo na kami? " malungkot na sabi ni Trixs.

" Saan? " si Charles.

Saan nga ba?

" Hindi ko pa alam e. "

" Basta, tell us kung saan ka magta-transfer ah? " nakangiting sabi ni Harry.

" Oo naman. "

" Sasama kami. " gulat ko namang nilingon si Charles. Nakangiti na sya sakin at ganun din si Harry.

Seryoso?

" Are you guys sure? " tumango tango naman sila kaya napangiti ako.

" Yeah. We're sure. " napangiti naman ako lalo sa kanila. Nang tingnan ko namn si Trixs naka-pout lang sya samin.

" Ang daya! "

" Bakit naman? " tanong ko mas lalo naman nag-pout.

" Hindi ako makakasama. My mom wants me here hanggang sa maka-graduate ako ng high school. "

" So sad. " rinig kong usal ni Charles.Hindi ko naman inalis kay Truxs ang tingin ko. Ramdam ko ang lungkot nya.

Hinawakan ko sya sa balikat. " It's okay. Don't be sad. "

" Yeah. Pwede pa naman tayo magchat-chat, video call, ganun right? " napangiti naman ako kay Charles dahil sa sinabi nya.

" Oo nga naman Trixs. Maraming dahilan para dyan. " sabat ni Harry.

" Sa bagay, tama kayo. " sagot sa kanila ni Trixs. Tinuloy ko na ang nire-review ko dahil dito ako nahihirapan.

Hays, wag mo akong pahirapan, Noli Me Tangere!

Gusto ko lang magreview dahil baka bukas sa final exam ay bumagsak ako lalo na't ang daming pangyayaring dumating sa buhay ko, at yun ay kayna Cass at Heyl. Fresh na fresh pa sakin lahat kaya hindi malabong manggulo yun bukas sa isip ko.

Mahirap na, baka kayo pa ang maisagot ko bukas.

Hindi ko na inisip pa yun at nagfocus na lang ako sa pagre-review. Yung tatlo naman ay nagkwentuhan lang ng nagkwentuhan kaya kung minsan ay nasasaway ko sila.

" Baka ma-perfect. " natatawang sabi ni Charles. Tinarayan ko lang sya saka muling nagtuloy.

Baliw.

* * *

The Day of Final Examination!

Gumising ako ng maaga para muling magreview. Yes, review ulit. Feeling ko kasi hindi sapat ang nireview ko kahapon dahil iniisip ko na baka makalimutan ko at saka mas maganda ang magreview sa madaling araw.

Every examination kasi ay nagre-review talaga ako pagkagising dahil fresh pa kasi yung utak at saka tahimik ang kapaligiran. Kaya hindi ako nahihirapan magreview kasi mabilis talaga pumasok sa utak ko yung binabasa ko. Lalo na kapag memorization. That's why, hindi ako bumabagsak kasi natatandaan ko talaga yung nireview ko.

Guys, try nyo.

Maaga akong pumasok dahil hahanapin ko pa ang room ko kung saan ako mag-eexam. Kapag kasi final exam namin ay nag-iiba kami ng room, kaya ang ibang boys na kaklase ko ay nakakasama ko sa iisang room. Sabi kasi samin kahapon ay apat na classroom ang magagamit namin. All students of junior ay sabay-sabay samantalang ang ibang year level ay mamaya pa after namin.

Habang hinahanap ko ang room ko ay may nakabangga pa sa aking estudyante na naghahanap din ng pangalan nya sa may room na pinaghahanapan ko.

" S-sorry. " nanlaki ang mata nya ng makita ako. " Y-yumi? " hindi ko sya pinansin at nagtuloy lang ako sa paghahanap ng pangalan.

Lakas ng loob na kausapin ako. Tsk!

Si heyl kasi yung nakabangga sakin kaya ganun na lang ang hindi ko pagpansin sa kanya.

" Oh!? I'm here. " usal ko ng makita ang pangalan ko.

" Magkasama pala tayo dito sa room? " nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya kaya naman tiningnan ko pa.

Oh, shet!

Tama nga sya, magkasama nga kami. Hindi ko na sya sinagot pa at dumiretso na ako papasok. Umupo naman ako sa second line dahil pang 14 ako sa upuan. Napansin ko namang umupo si heyl sa may tabi ko.

Sinusundan ba ako ng bwiset na'to?

Nung pinagkunutan ko sya ng noo ay napahawak sya  sa kanyang batok.

" Alphabetical. " napailing na lang ako sa inis. Ngayon ko lang kasi narealize na magkasunod kami sa Alphabet.

Bakit ba nakasama ko pa'to!? Ano na lang ang maisasagot ko sa exam, PANGALAN NYA!? Kingina!

Gusto ko magfocus sa exam ko pero nakikita ko pa lang na katabi ko ang bwiset na heyl na'to, nakakalimutan ko yung inaral ko. Naiisip ko kasi yung nangyari between us.

" 5 minutes more before we start your final exam. " nakangiting sabi ng proctor na lalaki samin. Kung hindi ako nagkakamali, fourth year teacher sya dito sa FIS.

Wala kaming dala kundi ballpen lang. Ganun kasi kapag Final exam, wala kaming dalang bag. Bawal. Baka daw magcheat kami.

After 5 minutes ay nagsimula na kami. Unang exam namin ay MAPEH kaya hindi naman ako masyadong kinakabahan. Ibinigay na samin ang answer sheet.

Hhoooh! I can do this. Lord, please guide me. Thank youuuu! Mwuah!












Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon