Yumi's POV
Ang lawak naman!
Namamanghang sabi ko pa sa isip ko nang makarating kami dun sa likod ng malaking building. Makikita dito ang field na sobrang lawak. Tapos pinalilibutan ito ng mga buildings, office, gym. Basta sobrang lawak. Mas malawak pa dun sa nakita ko kanina.
" Sh*t! Nakakaduling sa lawak. " si charles. Naglakad lakad naman kami habang naglilibot ng tingin dahil nga sa hinahanap namin yung fourth year na building.
" Yeah. Unexpected. " sagot ni Harry sa kanya. Ako naman ay kinikilala ang bawat madadaanan namin.
Napahinto naman kami sa paglalakad dahil ang daming estudyante ang nakahara sa daan namin.
" Hoy, Roxie! May dadaan. " sabi nung babaeng maikli ang buhok at medyo tabain yung pisngi nya.
" Areng si Roxie na ito, hara ng hara sa daan! " sabat naman nung babaeng pinakamatangkad sa kanila. Rebonded ang buhok nya at medyo chubby pero may shape naman yung katawan nya.
" Ay sorry naman! " sagot nung nakahara at umalis sa daan. Ngumiti yung maikli ang buhok sa amin pero hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy na kami sa paglalakad.
" Saan naman kaya ang enrollment ng fouth year na yun! " inis na sabi ni Charles habang kunot na kunot pa ang noo.
" Just ask them. " sabi ko sa kanya habang tunuturo yung mga estudyanteng nag-uusap usap.
" What did you say, fourth year? " napatingin naman kami dun sa tabi ni Harry sa kanan. May isa kasing malaking table dun sa harap ng isang building at mukhang mga teachers ang mga nakaupo dun.
" Yes. " sagot ni harry. Ngumiti naman samin yung lalaki na naka-brace.
Mukhang matatapos na ang paghahanap namin ah.
" Mmm! Here is the fourth year enrollment. " napangiti naman yung dalawa sakin na para bang success yung paghahanap namin.
Mga baliw.
Tiningnan ko naman dun sa may building yung requirements at tinuro kayna Harry at Charles. Nakasabit kasi dun para kitang kita.
Binigay naman namin yung mga requirements na kailangan like birth certificate, grades namin, form 137 etc.
" Oh? Galing kayo sa FIS? " gulat na tanong nya. Sumagot naman kami.
" Yes. "
" A-ahh. I see. But, may I ask kung bakit kayo lumipat dito sa CEU? " tumingin sina harry sakin na para bang sinasabi nila na ako ang sumagot dahil ako naman ang may pakana nito.
Malay mo, entrance exam na namin 'to. Oral nga lang. Haha!
" Gusto lang namin makasalamuha ng iba at maranasan ang school na'to. That's it. " pilit ang ngiting sagot ko. Ramdam ko namang tumingin yung ibang teachers samin pero hindi ko na sila nilingon pa.
" Okay. By the way, ang building na ito..." tumalikod pa sya para maituro samin yung building na nasa likod nila na kulay peach. Tumingin naman kami. Hanggang third floor ito at sa isang floor ay may tatlong room. "...That's fourth year building. And as you can see, we will be your teachers. " nakangiting sabi nya habang sineswnyas yung mga teachers na katabi nya. Mga nasa eleven sila.
So, maraming sections dito? Mmm! Exciting.
Ibinigay na namin ang tuition namin for first quarter. At tama nga ako, kalahati lang ng tuition namin sa FIS ang tuition dito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...