Chapter 62

16 0 0
                                    

Cass POV

" Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na ikakasal ka na next week. " nakangiting sabi sakin ni mommy habang abala ako sa pagtingin ng invitation card na pinagawa namin.

Ako din, mommy e. Hindi makapaniwala.

" Naunahan pa ako nyan. Tsk! " nakangiwing sabat naman ni Kuya Carl kaya inirapan ko na lang sya.

" Edi magpakasal kana bukas, para mauna ka! " sarkastikong sagot ko sa kanya. Tumawa naman sya.

" Pwede naman. Kung may papakasalan ako e. "

" Kaso wala. " at dinilaan ko sya. Rinig ko namang tumawa si mommy.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang nagiging girlfriend si Kuya Carl, dahil ayaw nya. Mas gusto daw nya ang mag-tourism lang dahil mas masaya sya sa ganung gawain. Kapag may girlfriend daw kasi baka pagbawalan sya.

O.A! Wala lang talagang nagkakagusto sa'yo, Kuya! HAHA!

" Tigilan nyo na yan. By the way, bakit parang hindi ko yata nakikitang napunta dito si Yumishy simula nang magbakasyon kayo? " natigilan naman ako sa sinabi ni mommy. Ramdam ko namang tumingin sakin si Kuya.

" Oo nga. Bakit? "

Kailangan kong mag-isip ng sasabihin sa kanila.

Tiningnan ko sila pareho. " A-ahh b-busy po kase sya this past weeks. Kaya po h-hindi sya m-makapunta dito. " pagsisinungaling ko. Mukha namang napaniwala ko sila.

" Ah. I see. " tumayo na si mommy sa pagkakaupo sa sofa. " Magbibihis lang ako. " taka naman akong napatingin sa kanya.

" Where are you goin', mommy? "

" Magbibigay lang ako ng mga invitation cards para sa kasal mo. "

" Mommy? Don't do that. Kame po dapat ni Heyl ang gumagawa nyan. " umiling sya.

" Wala rin naman akong ginagawa ngayon. Let me do that, Cass. " napabuntong hininga naman ako.

" Sasama po ako. " ngumiti naman sya.

" Okay. Maghanda kana. " nakangiting tumango ako at inilagay ang invitation card na hawak ko sa tabi ko bago tumayo. Sabay naman kami ni mommy na umakyat sa taas.

***

Matapos kong maghanda ng sarili ko ay bumaba na ako ng hagdan at nagpunta sa sofa na inupuan ko kanina. Nandun na kasi si mommy.

" Let's go? " nakangiting tumango ako sa kanya.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni mommy pero hindi sya ang nag-drive kundi yung driver namin. Tahimik lang naman ako sa loob ng kotse.

" Any problem? " nag-angat naman ako ng tingin kay mommy at pilit ang ngiting umiling. Bumuntong hininga naman ako at tumingin sa labas ng kotse.

Ang bilis ng panahon. Ikakasal na ako next week.

Hinawakan ko naman ang tummy ko.

Tapos, magkaka-baby na rin ako.

Muli naman akong tumingin sa labas. Ay naisip si Yumi.

Kaibigan pa kaya ang turing mo saken?

Nalungkot naman ako dahil sa tanong sa isip ko. Miss ko na si Yumi lalo na ang pagkakaibigan namin. Three years na kaming magkaibigan, pero nasira iyon sa isang iglap lang.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon