Yumi's POV
I want to rest all daaaaay!
Gusto kong ipahinga ang sarili ko buong maghapon. No. Buong bakasyon. Hindi dahil sa pagod ako sa pag-aaral kundi pagod ako dahil sa mga nangyari.
Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga makalimutan lahat. Naiiyak parin ako. Kaya gusto kong matulog lang para hindi ako nag-iisip.
" Napapansin ko, nagiging tahimik ka yata? May problema ba? " napatingin naman ako kay Ate Myla. Nagla-laptop kasi ako sa may terrace namin.
Hays! Mahirap bang itago yun?
Ngumiti ako ng pilit. " Wala po ate Myla. "
" Sus! Lablayp yan 'no? " nanlaki naman ang mata ko sa tanong nya.
Paano nya nalaman!?
" Sabi na nga ba! Haha! Nagka-boypren ka na pala! " napataas naman ako ng kilay at dumepensa sa sinabi nya.
" W-wala po. Ex M.U yata? " alinlangang sagot ko. Kumunot naman ang noo nya.
Syempre, ewan ko ba kung nagkagusto nga ba talaga yun sakin. Tsk!
Umupo sya sa tabi ko. " Ano yung M.U iha? "
" Mmm? Y-yun po yung p-parehas kayo ng nararamdaman sa isa't isa pero w-walang kayo. " paliwanag ko. Tumango tango naman sya.
" Ah. Yun pala yun. " ngumiti din sya. " Eh ano ngang problema, bakit ka nagkakaganyan? Alam mo bang napapansin narin yan ng mommy at daddy mo? " gulat naman akong napatingin sa kanya. Tumango naman sya.
T-talaga!? Ganun na ba ang pinagbago ko?
" Tinatanong nila sakin kung bakit daw, wala naman akong maibigay na sagot. " dagdag nya pa.
Alam ko naman sa sarili ko na nagbabago ako, pero hindi ko akalain na pansin nila. Kasi everytime na kausap o kaharap ko naman sila, pinipilit ko namang ngumiti.
Wa effect pala. Tsk!
" Mas maganda kung magk-kwento ka sa iba, para mailabas mo yung sakit na nararamdaman. " napatingin naman ako sa kanya at mukhang interesado talaga syang makinig.
Siguro nga. Hays! Akala ko pa naman kapag nagbakasyon, makakalimutan ko lahat pero mali pala dahil walang segundo, minuto at oras ang pinalampas na hindi ko yun maiisip.
" A-ano po kasi, k-kilala nyo po si C-cass diba? " tanong ko. Tumango naman sya. " I-ikakasal na po sya. " nanlaki naman ang mga mata nya.
" Ano!? Masyado pa syang bata, ah? " napayuko lang ako. " Paano nangyari iyon? "
" She's p-pregnant, Ate Myla. "
" Dyoskupo! Ang bata pa nya masyado para sa ganoong bagay. " huminga naman sya ng malalim. " Kaya ka ba nagkakaganyan? " napapahiyang tumango ako.
Sa totoo lang, kanina pa nangingilid ang mga luha ko. Pinipigilan ko lang.
Sakit kaya.
" Kailangan na lang natin maging masaya sa kanya. Magiging magkaibigan parin naman kayo kahit may pamilya na sya. "
Bakit ba laging ganun ang sinasabi nyo? Eh, hindi ko nga kayang maging masaya para sa kanila!
At tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko mapigilan ang sunud-sunod na pag-agos nito sa aking pisngi kasabay ng sakit na nararamdaman ko. Napatakip ko pa ang bibig ko dahil malapit na akong humagulgol.
Nakakahiya.
" Oh bakit, iha? " tanong nito sakin. Lumuluha naman akong tumingin sa kanya.
" Y-yung taong m-mahal ko po kasi ang magiging a-asawa nya. " napatakip naman sya ng bibig. Hindi sya makapaniwala. " M-manliligaw ko po d-dati si Heyl, p-pero hindi ko po alam na, may r-relasyon na pala sila ni Cass h-habang n-nililigawan nya ako. T-tinago po nila yun s-sakin. " at umiyak na naman ako. Kaya niyakap nya ako at hinagod ang likod ko.
Mga manloloko!
" Wag ka ng umiyak ng dahil sa isang tao lang. Marami ang lalaki sa mundo, may nakatadhana dyan sa'yo. Hindi mo pa man nakikilala pero darating sya nang hindi mo inaasahan. Minsan nga, kilala mo na pala hindi mo lang alam na sya pala yung tinadhana sa'yo. " natigilan naman ako sa sinabi nya. Kaya naman kumalas sya sa pagkakayap sakin at ngumiti. " Tandaan mo yun. " tumango naman ako.
" S-salamat po, Ate Myla. " nakangiting tumango sya at tumayo.
" Sige na at ako ay may gagawin pa. Wag mo nang pagkaisipin pa iyon. " tumango naman ako. Hinawakan pa muna nya ako sa balikat bago sya umalis. Sinundan ko pa sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa bahay.
Inayos ko naman ang sarili ko at ngumiti sa kawalan.
Kailangan hindi na ako magpa-apekto pa.
Muli akong naglaptop at nagsurf sa internet. Nakita ko naman sa newsfeed ko na puro picture nina Heyl at Cass na magkasama. Saka, mga pictures ng mga gown.
Paano ako makaka-move on ng lagay na'to!?
Inis na sabi ko sa isip ko at nag-offline. Maya-maya lang ay may tumawag sa cellphone ko.
Harry is calling...
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa lamesa at sinagot yun.
" Boi? " panimula nya. Sumandal naman ako sa upuan.
" Mmm? "
" Musta na? " napatingin pa ako sa screen ng cellphone ko dahil nagtaka ako.
Anong nakain ne'to?
" Okay lang. "
" Good. Anyway, saang school ka lilipat? " tanong nya. Bumuntong hininga naman ako.
" Undecided pa. "
" What!? Next month na ang pasukan ah!? "
" Oo nga. "
" Baliw. I mean, baka mahirapan tayo sa pag-eenroll? " napaisip naman ako sa sinabi nya.
Sa bagay. Kailangan ko na siguro talaga mag-isip.
" Ano bang school ang gusto mo? Baka may mai-suggest ako? "
" Simple lang. " sagot ko. Rinig ko namang bumuntong hininga sya.
" Are you sure, you okay? Ang tipid mong magsalita e. " may halong pag-aalalang sabi nya kaya ako naman ang napabuntong hininga.
" Yes. I'm okay. So, Bye na. May gagawin pa kasi ako. Next time ko na lang sasabihin kung saan ako lilipat. Kapag nagkita na tayo. " sabi ko. Hindi ko na hinintay pa yung sagot nya at ibinaba ko na kaagad ang cellphone ko.
Tumayo na ako at kinuha ang laptop at cellphone ko sa lamesa para pumasok na sa loob ng bahay. Diretso naman ako sa kwarto ko. Inilagay ko na ang laptop ko sa side table samantalang ang cellphone ko naman ay chinarge ko na dahil nag-warning na kanina.
Kumuha naman ako ng susuotin ko sa closet ko dahil banas na banas ako sa sarili ko. Pagkakuha ko ay dumiretso na ako sa banyo.
Kung tutuusin nga, nakaka-apat yata akong ligo sa isang araw dahil sa sobrang banas kahit na may air conditioner dito sa loob ng bahay, ang init parin ng hulab.
Pagkapasok ko ng banyo, I remove the things that I have on my body. Pumikit ako at itinutok ko sa mukha ko ang tubig na nagmumula sa shower.
" Marami ang lalaki sa mundo, may nakatadhana dyan sa'yo. Hindi mo pa man nakikilala pero darating sya nang hindi mo inaasahan. Minsan nga, kilala mo na pala hindi mo lang alam na sya pala yung tinadhana sa'yo. "
Napamulat naman ako nang maalala ko ang sinabi ni Ate Myla sakin kanina.
Kung ganun, gusto na kitang makilala.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Подростковая литератураAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...