Chapter 77

14 0 0
                                    

Yumi's POV

B-bakit ba kasi ganun sya? Bakit ayaw nyang pakinggan yung side ko kahapon!?

Malapit na kaming mag-uwian pero hanggang ngayon wala parin ako sa mood dahil sa tampuhan namin ni Janwren. Wala naman akong feelings sa kanya pero nasasaktan ako.

O baka in denial lang ako?

" Kanina ka pa yatang tahimik. " sabi sakin ni Harry pero hindi ako nagsalita.

" Dahil ba hindi pumunta si Janwren kanina? " si Charles. Napatungo naman ako.

Siguro nga. Hays!

Hindi kasi nagpunta si Janwren kaninang break time siguro dahil sa nangyari kahapon.

Tiningnan ko na lang silang dalawa at makikitang nag-aalala sila sakin na may halong awa. Kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kanila.

" Maaari na kayong umuwi. " paalam ng Filipino teacher namin.

Nagsitayuan na naman kami para iligpit ang mga notebook na nasa table namin. Ako naman ay nag-ayos muna ng sarili ko ganun din ang squad.

Hindi siguro yun pupunta.

May kung anong lungkot akong naramdaman sa puso ko nang sabihin yun sa isip ko.

" Tara na. Gusto ko ng magpahinga. " sabi ko sa kanila. Agad naman silang sumunod sakin palabas ng room pero ganun na lang ang gulat ko nang makita si Janwren sa harap ko.

" J-janwren? "

" EHEM! " rinig kong tikhim ng POTATO SQUAD.

" Bakit parang gulat na gulat ka nang makita ako? " hindi ko alam kung may pagkasarkastiko ba yung pagkakasabi nya basta ang mahalaga narinig ko yun.

" Hindi ko lang inaasahan na p-pupunta ka. " hindi na sya sumagot pa kaya nilisan na namin ang room.

" Sorry nga pala. " biglang usal nya nang makalabas kami ng gate.

" For what? "

" Hindi kasi kita napuntahan kanina. "

" Ah. Okay lang. "

" May pinagawa kasi samin si Ma'am Rachelle. " patungkol nya sa adviser nila. Tumango na lang ako bilang sagot.

Habang naglalakad kami ay napakunot ang noo ko dahil may isang grupo ng kalalakihan ang nasa harap namin at kasama dun si Smith, pero medyo malayo sila.

Si Smith nga ba yun?

Anyway, si Smith ay nakilala ko na dahil pinakilala sya sakin ni Janwren pati si Kristoffe. And because of that, naalala ko na sya pala yung kaibigan ni Heyl dito sa CEU. Kaya pala familiar sakin ang mukha nya.

" Smith! " tawag sa kanya ni Janwren. Mas kilala kasi si Smith sa last name nya kaysa sa Rhyden na pangalan nya. " Hoy, Smith! " muling tawag sa kanya ni Janwren pero parang walang narinig si Smith sa kanya.

" Magka-away kayo? " tanong ko. Tumango naman si Janwren sakin. " Bakit? "

" Basta. Duwag at bakla naman yan! " sagot nya.

Grabe naman sya!

Hindi na lang ako nagsalita baka kasi sakin na naman mabunton ang galit ni Janwren.

" Sige na. Ingat ka pauwi. " sabi nya. Nagpasalamat naman ako bago tuluyang lumiko papuntang plaza.

" Magka-away pala si Janwren at Smith. " seryosong sabi ko sa Potato squad.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon