Chapter 69

17 0 0
                                    

Yumi's POV

Kahapon pa lang, hinanda ko na ang mga gamit ko para sa pagpasok ko ngayon. Yes. First day of school na namin ngayon kaya naman napakaaga ko gumising. Wala sina mommy at daddy dahil busy sa company pero hindi na naman bago yun sakin.

Si Ate Myla naman, inasikaso ako. Breakfast ko, snacks, uniform ko. Basta lahat. Kaya thankful ako sa kanya kasi nandyan sya.

Kotse ko na ang dinala ko ngayon, dahil ayaw ko namang abalahin pa yung driver namin. Saka, wala pa naman akong kilala sa CEU para makasabay sa uwian.

Bakit ako kinakabahan?

Sabi ko pa sa isip ko pagkababa ko ng kotse. Huminga pa muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad.

Siguro dahil wala pa akong kilala?

Nakatingin sakin ang mga estudyante pero yumuko na lang ako para hindi sila pansinin. Marami na din ang tao kaya muntik pang may makabangga ako. Napatigil ako.

" S-sorry. " sabi nung lalaking medyo maliit. Sabihin na nating mas matangkad ako. But wait,

Familiar ka sakin.

Nagtuloy ako sa paglalakad at dun ako dumaan sa may kanang bahagi nung malaking building. Dahil nung enrollment, dito kami dumaan.

Habang naglalakad ako, biglang umingay kaya napatingin pa ako dun sa may bandang kaliwa ko.

Anong meron?

Dahan dahan naman akong naglakad papunta dun. At nakita ko ang isang malaking bulletin board na naglalaman ng mga lists kung saang room o section ka kabilang. Hinintay ko pang umalis yung nasa unahan ko bago ko hanapin ang name ko.

Aha! Section 10-C

Umalis na ako dun sa crowd at nagpunta na ako sa building kung saan itinuro nung teacher nung nakaraan kung saan ang fourth year building.

Medyo kakaunti pa lang ang estudyante dito sa building nang makarating ako. Kaya hindi pa nakakahiya dahil may chance na hindi ako pagtinginan o kung ako man.

Nagsimula akong maghanap sa unang room sa pinakababa. Pero wala ang pangalan ko. Kaya sa may gitna naman ako nagpunta at wala rin.

May enrollment lists parin pala bawat room.

" Hays! " nagdiretso lang ako papunta sa pangatlong room para diretso na ako mamaya paakyat.

Rhyden Smith? Section 10-F

Napakunot pa ang noo ko dahil parang familiar sakin yung pangalan pero hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita o nakilala.

Dahil sa wala ang pangalan ko dun, umakyat ma ako sa second floor. But sad to say, wala rin ang pangalan ko dun.

Hays! So, third floor ako ganun?

Nang umakyat na ako sa third floor, medyo nahirapan pa ako dahil maraming estudyante ang nandito. Masyadong siksikan kaya nahirapan pa akong hanapin yung section ko.

Section 10-C

Napangiti naman ako nang makita ang section na kanina ko pang hinahanap. Sumilip ako sa loob at medyo marami na ang mga estudyante kaya naman napabuntong hininga pa ako. Sa nakikita ko, magkahiwalay ng row ang babae at lalaki.

Pumasok na ako sa loob, syempre nilampasan konang row ng mga lalaki at dumiretso lang ako dun sa mga babae. Ramdam ko namang nakatingin sila sa akin pero hindi ko na sila tiningnan pa at inoccuppy ko na lang yung upuan na katabi nung babaeng nakahara sa daan noong nagpa-enroll kami nina Harry at Charles.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon