Chapter 81

14 0 0
                                    

Janwren's POV

Ang cold na nya.

Tuwing icha-chat ko si Yumi, ang ikli lang ng mga replies nya. Nakakapanibago. Hindi naman kasi sya ganun dati tsaka hindi na sya nagtatanong kung okay lang ako, kumain na ba ako, anong ginagawa ko. Lahat yan ako na lang ang nagtatanong sa kanya.

" Hey, Janwren? How are you? " tanong sakin ni Nikki nang makalapit sya. Inis ko naman syang tiningnan.

" Nag-bibiro ka ba!? "

" Haha! Easy. "

T*ngnang 'to!

" Paano ako magiging okay, eh nasa harap kita? Tch! " bigla naman nanlaki ang mata nya nang sabihin ko iyon kaya hindi ko na sya pinansin pa at bumaling na lang ako kay Smith na kanina pang tahimik.

" Boi! " tawag ko sa kanya. Nakatingin lang kasi sya sa bintana na para bang ang lalim ng iniisip. " Hoy! " nagulat naman sya nang sigawan ko.

" B-bakit? "

" Tahimik mo? "

" Wala lang. N-nakakaboring kase. " tumango na lang ako sa kanya dahil umingay na ang mga kaklase ko na ang ibig sabihin ay recess na.

" Tara kay Yumi, mga boi! " yaya ko sa kanila. Agad naman akong pinigilan ni Smith. " Bakit? "

" H-hindi ako makakasama. " bigla namang nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

May hindi tama.

" Ge ganyan na. " kunwaring galit na usal ko kaya naman napakamot sya sa ulo nya at sumama. " Sasama rin naman pala. "

Lumabas na kami papuntang small canteen para bumili ng ibibigay kay Yumi.

T*ngna! Ang haba naman ng pila.

Reklamo ko sa isip ko dahil bahagya pang makausad ang pila.

***

Brownies ang binili ko kay Yumi para maiba naman. Kasalukuyan na kaming papunta sa kanya.

Ang sikip naman!

Masyadong sikip tingnan ang dadaanan papuntang room nila dahil mukhang mau ginagawa sila lalo na si Yumi

" D-dito na lang ako. May kakausapin kasi ako. " paalam samin ni Smith. Tumango na lang ako sa kanya at pumunta sa hallway nina Yumi dahil nandun sya.

" Yumi? Para sa'yo. "nagulat naman sya nang makita akong nandun.

" J-janwren? " hindi ako nagsalita at muli kong inaro sa kanya ang dala ko. " H-hindi na. I-iyo na lang yan. Busog pa ako. "

B-bakit?

Parang dinurog ang puso ko dahil ayaw nyang tanggapin ang binibigay ko.

" Anong busog? Hindi ka pa nga nakain! " rinig kong sabi ni Kyla kaya naman pinilit kong kunin ni Yumi yung brownies na dala ko.

" S-salamat. " yun lang ang sinabi nya at muli nyang tinuloy ang ginagawa nya. Ako naman ay nagpaalam na sa kanya.

Bakit ganun sya? Bakit ang cold mo sakin, Yumi?

Niyaya ko na si Smith dahil may kausap nga sya. Bumaba na kami ng hagdan papuntang first floor.

Pagkapasok ko ng room, marami na rin ang nasa loob dahil 5 minutes na lang ay magt-time na nang biglang may mag-excuse sakin.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon