Chapter 93

3 0 0
                                    

Rhyden's POV

Pagkakain namin sa big canteen, naghuntahan pa muna kami bago kami bumalik sa room. Dahil sabi nga ni ma'am, ia-announce nya ang mga pasa at hindi.

" Okay, kumpleto na ba lahat? " tanong sa amin ni ma'am nang makapasok kami sa room.

" Yes po. " sagot nila. Kaya naman dumiretso na ako sa upuan ko.

" So, let's start. " at kinuha nya na ang record sheet nya at umupo na sa upuang nasa unahan.

Bakit kinakabahan ako?

Sobrang kaba ang nararamdaman ko kaya halos hindi ko marinig si ma'am sa mga sinasabi nya.

" Joey Ann Atienza. " nagpalakpakan sila. " Nikki Carandang and Jenny Pigar. " dagdag nya pa kaya nagsigawan ang mga kaklase ko. " Those students are the highest three. So, dun naman tayo sa mga taong bumagsak. " biglang tumahimik ang mga paligid. Maging ang paghinga ko ay nakisabay.

Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon.

" Rhey Briones " napatingin ako kay Rhey na mukhang wala lang sa kanya.

Sanay na sanay amp.

" Jake Palaria and... " pabitin ni ma'am. Kaya labis ang kabang nararamdaman ko. " Rhyden Smith " biglang huminto ang paghinga ko. Ganun din ang mga taong nasa paligid ko.

T-tama ba yung n-narinig ko?

Hindi ko maiwasang hindi mapalingon kay Nikki na ngayon ay mataray at mayabang na nakatingin sakin. Si Jane naman, parang nadisappointed sya sa narinig. Sobra ang pagkapahiya ko kaya naiiyak akong napatungo na lang.

Lagot ako nito kay Papa.

Nag-announce pa si ma'am para sa lahat. Yung mga results na nakuha nang lahat ng kaklase ko. Hindi na ako nakinig pa dahil wala ako sa sarili. Hindi ako makapaniwala at hindi ko matanggap.

Yumi, I'm really sorry. I failed.

After the announcement. Wala ako sa sariling lumabas ng room. Ramdam ko namang ay sumunod sakin.

" Ok lang yan, boi. Better luck next time. " si janwren. Bumuntong hininga na lang ako at hindi sumagot.

Umakyat naman ako sa taas at sinundo si yumi.

" Smith! Si Yumi ang pinakamataas samin. Ang talino ng girlfriend mo diba? " proud na sabi sakin ni Franzelle. Kita ko pang siniko sya ni Yumi kaya natahimik ito. Pilit naman akong ngumiti sa kanila.

Isa akong kahiya-hiya, hindi ba?

" C-congrats, b-babe. " sabay kuha ko sa bag nya.

" Salamat. Anyway, how's the result of your exam? " bigla akong kinabahan sa tanong nya kaya nangunot pa ang noo nya nang hindi agad ako nakasagot.

" O-okay lang. Hehe! " I lied. Makuha namang nakampante sya sa sagot ko kaya kinongratulate nya rin ako.

I'm really sorry, babe.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami ng parking lot. Pinagbuksan ko si Yumi ng pinto ng kotse ko.

" T-teka nga! " kunot-noong pigil nya sakin. " Okay ka lang ba? " may pag-aalalang tanong nya. Umiwas ako ng tingin. " Kanina ka pang hindi nagsasalita. Nakakapanibago. "

" S-sorry babe. Wala lang ako sa mood. Let's go? " napabuntong hininga na lang sya bago tuluyang pumasok ng kotse.

Alam kong ramdam ni Yumi na may kakaiba sakin. Kaya naman pinipilit ko paring ngumiti sa kanya habang nagmamaneho, nang sa ganun mawala ang pangamba nya.

Pagkarating namin sa kanila, hinintay ko muna syang makapasok nang gate bago ako umalis. Naiiyak ako at anytime alam kong babagsak ito kaya naman pagkalabas ko ng village nila, hininto ko pa ang kotse ko sa kaliwang bahagi ng kalsada at dun naglabas ng emosyon ko.

Iba't ibang klase ang aking nararamdaman, naiiyak dahil sa ako'y bagsak, galit sa aking sarili, pagkapahiya at pangamba kapag nalaman ito ng aking pamilya at ni Yumi.

Sobrang sakit. Kaya hindi ko na naiwasang maiyak. Maiyak nang sobra.

After 5 minutes, muli kong pinaandar ang kotse. Nanlalabo ang aking paningin kaya pinahid ko pa ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi.

I think, I can't handle this.

***

Kinabukasan...

Wala pa rin sa sariling nag-ayos ako ng sarili. Sapagka't may usapan kami nina Yumi na, 9 a.m magkikita kita sa mall. Si Yumi naman, susunduin ko sa kanila.

Yes, I am thankful kasi wala si papa ngayon. May trabaho sya sa Manila bilang isang soldier. Kaya kay mama ako nagpaalam at agad naman nya akong pinayagan.

" Kuya, ingat ka! " kapatid ko. Niyakap ko naman sya nang mahigpit bago ako tuluyang umalis.

Kasalukuyan na akong nagmamaneho patungo kayna Yumi habang nags-sound trip.

Pagkarating ko sa kanila, pinapasok ako ni Ate Myla at pinaghanda ng maiinom.

Kinuha ko muna sa bulsa ko ang cellphone dahil may nagtext. Pagkatingin ko...

TM bwiset!

Sa totoo lang, hindi pa rin ako okay ngayon kasi puro pangamba parin ang naiisip ko----

" Good morning! Ang aga mo naman? " rinig ko ang boses ni Yumi kaya naitigil ko pa ang pagse-cellphone ko

" Good mor------" pagkalingon na pagkalingon ko, agad din akong natigilan sa itsura ni Yumi ngayon. Para bang nag-slow motion ang paligid habang may mga pusong nakapaligid sa kanya at humahangin pa ang buhok nya.

Nakapantalon sya at bakuna dress lang pero ang lakas ng dating nya.

" Hey? Wag mo akong titigan. Baka matunaw ako. " biro nya sakin kaya naman agad akong natinag at nagpakurap-kurap.

H-hehe!

" G-good morning, babe! Let's go? " tumango naman sya sakin kaya inalalayan ko pa syang maglakad hanggang sa makarating kami sa kotse.

Pero muli ko na namang naisip yung kahapong pangyayari.

Please, wag muna ngayon.

Pero bigo nang magtext si mama sakin.

From: Mama

Kakausapin ka daw ng papa mo pag-uwi.

Kinabahan talaga ako kasi iniisip ko kung para saan yun at bakit.

" Okay ka lang ba talaga? " nag-aalaang tanong ni Yumi nang pagbuksan ko sya ng pinto ng kotse. Nasa parking lot na kasi kami ng Mall.

" O-oo naman. " I lied again.

" Hay salamat! Dumating narin ang mag-asawa.  " bungad samin ni Kyla.

" Tagal nyo naman! " si Charles. " Ano, nagdate pa ba? " sabay smirk nya. Tumawa lang si Yumi sa kanya.

" Tara na sa Timezone! " pagmamadali ni Franzelle samin at umuna ng pumunta kaya naman sumunod kami.

Bakit kaya ako kakausapin ni Papa? Alam na kaya nya?

Siniko ako ni Yumi. At dun ko lang napagtanto na nasa Timezone na pala kami. " Enjoy this day. Wag mo munang isipin yung mga gumugulo sa isip mo, okay? " pilit akong ngumiti sa kanya at tumango.

Una, pumunta muna kami sa Claw Machine. Nag-eenjoy sila at halatang-halata yun pero ako? Hindi ko kaya, dahil sa mga pangambang gumugulo sa isip ko.

Bakit ba kasi ngayon pa. Hays!

" Tara, dito tayo! " yaya sakin ni Yumi. Pilit namang tumango ako sa kanya.

Ayaw kong mag-alala ka. Kaya't hanggang kaya kong magpretend, magp-pretend ako.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon