Yumi's POV
hays! Buti na lang at summer vacation na.
Nalulungkot ako dahil alam kong this vacation ang alis ni Rhyden pero hindi ko lang alam kung kailan.
Magpapaalam kaya sya sakin?
Bawat minuto, hindi man lang naalis si Rhyden sa isip ko, sa totoo lang gusto ko syang sundan kung saan man sya pupunta pero nangingibabaw parin sakin na ayaw ko na syang makita.
Masyado kang duwag, Rhyden!
Kasalukuyan akong nag-aayos sa closet ko nang biglang may nag-doorbell. So, I decided to checked the clock para tingnan kung anong oras na.
5:30 P.M? Sino naman ang pupunta nang ganitong oras dito?
May part parin sakin na umaasa ako na sana ay si Rhyden na lang yung nagdoorbell, pero I am hundred percent sure na imposible iyong mangyari.
" Kayo na ang bahala sa kanya. Ayaw nya kasing magpa-istorbo sa loob. " palakas ng palakas ang boses ni Ate Myla kaya alam kong paakyat sya sa hagdan. " Sige. Maiwan ko muna kayo. " maya-maya lang rinig ko na ang bulungan ng Potato Squad.
* TOK! TOK! TOK! *
katok nila yan!
Hindi ako lumingon at hinayaan ko lang silang buksan ang pinto ng kwarto.
" B-boi----"
" Anong ginagawa nyo dito? " walang emosyong tanong ko sa kanila bago ko ilagay yung natiklop kong damit sa closet.
" S-si R-rhyden..." hindi ko parin sila nilingon pero pinahalata ko sa kanilang hindi ako interesado sa kahit na ano.
" Wala akong panahon-----"
" This m-midnight ang a-alis nya. " utal na sabi sakin ni Franzelle kaya dun ako nagkadahilan para matigalan at hindi maituloy ang ginagawa ko.
N-ngayon? Bakit ang b-bilis!?
" Makakaalis na kayo. " cold paring sabi ko nang hindi parin sila tinitingnan. Ramdan ko namang humakbang na sila palabas.
" B-boi? Sana b-bumalik ka na ulit sa dating ikaw. Yung masayahin sana. " yun lang ang narinig ko kay Franzelle pero hindi ko na sila pinansin pa dahil namumuo na naman ang mga luha ko.
After sabihin yun ni Franzelle, rinig kong nagsara na ang pinto kaya dun ko lang nailabas ang emosyon ko.
B-bakit kasi kailangan pang umalis!?
Napaupo ako sa kama dahil sa panghihina. Nasasaktan ako na may halong panghihinayang. Hindi ko alam pero, hindi ko na maawat ang mga luha ko sa pagpatak.
Hihintayin parin kita.
***
Dumaan ang ilang minuto at oras na nakatingin lang ako sa bintana at cellphone dahil nagbabakasakali akong tatawagan nya o pupuntahan nya para magpaalam. Ni hindi ko nagawang matulog o kung ano man nang dahil lang sa paghihintay pero dumaan ang alas dose, walang Rhyden na nagparamdam.
Hindi ko na naman naiwasang maluha dahil sa kanya. Ni tawag o punta man lang ay di nya nagawa.
Gasino na ba ang ilang minuto, para lang magpaalam ka!?
Sa sobrang kakaiyak at pagod, dun lamang ako tuluyang nakatulog.
***
Dumaan ang ilang araw at buwan, wala paring Rhyden na nagparamdam. Ni balita sa kanya ay wala na akong nalalaman.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...