Chapter 95

3 0 0
                                    

Rhyden's POV

Kinabahan talaga ako nang sabihin ni Yumi na magcool off muna kami. Ayokong mangyari yun, at hindi mangyayari yun. Lalo na'to I promised to myself na, I will take her away from pain.

Nung nag-wash room kasi si Yumi sa Mall, nagtaka talaga kami kung bakit inabot sya nang ganun katagal kaya we decided to follow her. At yun, dun namin nakita lahat.

Sa totoo lang nagulat din ako sa nasabi ko sa kanya at hindi ko intensyon na sabihin yung mga salita na yun. Kaya I understand kung bakit sya nagalit sakin.

Nadadamay tuloy sya sa problema ko.

Pagkauwi ko sa bahay, wala pa si Papa kaya naman nakahiga ako ngayon at iniisip ang kalagayan ni Yumi.

Okay na kaya sya? Sana naman nagpapahinga ka na ngayon, babe.

Ayokong nakikitang nasasaktan si Yumi at kapag malungkot sya. Dahil ako yung nahihirapan para sa kanya.

Sorry, hindi man lang kita naipagtanggol.

Bigla ko namang naalala yung sinabi ng mommy ni Yumi sakin before.

" Please protect my princess. Don't hurt her feelings, okay? I don't wanna see her crying. "
" Don't do it only because of me. Do it as her boyfriend. "

Bigla akong nalungkot at napasabunot sa buhok ko.

" Lagot ako nito kay Tita, kapag nalaman nya ang nangyari kay Yumi! " bulong ko sa aking sarili at muling sinabunutan ang buhok.

F*ck you, self! Wala ka talagang kwen-----

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya natigil ako sa aking pag-iisip.

" Rhyden? Nandito na si Papa. Pinapatawag ka. " biglang nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng matinding kaba sa sinabi ni Ate Ruffa.

This is it.

***

October 22, 2018

Simula na ng sembreak namin and here I am, nasa may veranda habang nag-iisip at nakatingin sa cell phone ko.

T-tatawagan ko kaya?

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at nagpauli-uli. Hindi ako mapakali.

Ayaw ko. Ayaw.

Naiiyak ako. Kaya napaupo na lang ulit ako at wala sa sariling kinuha ang cellphone.

Tinawagan ko si Yumi at agad naman nya itong sinagot.

" Hey? Magt-two days yata tayong walang communication ah? " bungad nya sakin. Napatungo naman ako.

" S-sorry. "

" Okay lang. Anyway, galit ka ba sakin? "

" Hindi---"

" Weh? " hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa sahig habang nag-iisip.

G-gagawin ko ba?

" Hays! I'm really sorry sa nangyari lately. Sorry kung naisipan kong makipag-cool off. "

" Okay lang. "

" Basta walang makikipagbreak sa ating dalawa. " diin nya pa kaya lalo akong nanghina.

" P-paano kung ako? " bigla syang natahimik sa kabilang linya. Kaya lalo akong napatungo.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon