Rhyden's POV
Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko. Masyadong magulo.
Inilagay ko muna sa side table ko yung laptop ko at saka isinandal ang likod ko sa may unan.
Yes, maganda ka, matalino, maputi at mabait. Pero hindi ko alam kung may nararamdaman ba talaga ako sa'yo o wala.
Napapikit naman ako sa isiping yun. Hindi ko kasi malaman kung tama ba yung ginawa ko na tanungin si Yumi na kung pwede ko syang ligawan.
At hindi ko rin alam kung mahal pa kita, Jane.
August 24, 2018
Late na akong pumasok ng school kanina dahil napasobra ako masyado sa pag-iisip kagabi.
Parang merong mangyayari na hindi ko inaasahan.
Kunot-noong sabi ko sa isip ko habang kumakain ng spaghetti dito sa may Big canteen.
" Okie ka lang? " tanong sakin ni Jemar. Nagkibit-balikat lang ako. " Bakit? "
" Hindi ko kasi alam kung tama ba na sabihin ko kay Yumi na gusto ko sya. " agad namang kumunot ang noo nya sabay iling.
" Alam mo, ang mga ganyang bagay hindi na iniisip pa. Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka na malilito pa. " napa-buntong hininga naman ako sa sinabi nya. " Ibig sabihin lang nyan, wala ka talagang nararamdaman kay Yumi. "
" Paano nangyare yun? Ang pagkaka-alam ko nagustuhan ko talaga sya. " bahagyang tumawa si Jemar sa sinabi ko.
" Hindi mo pa nga alam. Ang ibig sabihin lang kasi nyan, sa isip mo lang nasabing mahal mo sya pero hindi mo mismong naramdaman. "
Anudaw?
" Aynako! Ang pinupunto ko, sa isip mo lang sinasabing gusto ko na sya, mahal ko na sya at kung ano pa. Dahil iniisip mo na sya yung babaeng magpapasaya sa'yo o maaaring sa kanyang pisikal na kaanyuan kaya mo nasasabi na gusto mo sya. Pero ang totoo? " tinitigan nya ako sa mata kaya iniwasan ko sya ng tingin. " Wala ka naman talagang nararamdaman para sa kanya. " bigla naman akong napaisip sa mga sinabi nya.
Maaaring tama nga ang sinabi mo, Jemar. Maaaring iniisip ko lang na gusto ko talaga sya kaya inakala kong may nararamdaman ako sa kanya.
Tumayo na kami mula sa pagkakaupo at bumalik na sa kanya-kanyang room.
Nandito na ulit ako sa lugar kung saan ayaw ako ng lahat.
Nang magsimula kasi ang away namin ni Janwren, nag-iba ang tingin sakin ng mga kaklase ko. Halos wala ngang kumakausap sakin maliban lang kay Jenny na tinuturing akong boybestfriend.
Umupo na ako sa may tabi ng bintana at tumingin sa may labas. Hindi parin kasi ako maka-move on sa sinabi ni Jemar.
Ano na lang gagawin ko? Masyado ko kasing minadali ang sarili ko. Dapat pala pinaghandaan ko muna bago ako sumugod sa isang laban.
Napayuko naman ako sa inis dahil sa maling nagawa ko. Dahil iniisip ko na maaari ngang tama ang sinabi ni Jemar sakin. Maaaring nalito lang ako sa bawat pangyayari.
Paano na?
Lutang at hindi ako makapag-focus sa mga aralin na tinuturo sa amin ng mga guro. Lipad ang isip ko na akala mo ay nagmamasarap sa himpapawid.
Hanggang sa mag-uwian ay lipad parin ang utak ko.
" Okie ka lang? " tanong sakin ni jemar habang naglalakad kami papuntang plaza. Napahawak naman ako sa aking batok.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...