Yumi's POV
Pinuntahan ako ni Rhyden dito sa room para ihatid pauwi. Uwian na kasi at wala ako sa mood para kausapin sya. Hindi ko sya kinikibo.
" Are you okay? " hindi ko sya sinagot. Bagkus nagtuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating sa parking lot. " May problema ba, babe? " nanatili lang akong tahimik. Ayaw ko pa syang komprontahin sa ngayon. Gusto ko, sya ang mismong magsasabi sakin ng lahat.
Hindi na nya ko kinulit pa kaya naman sumakay na ako sa kotse nya. Hindi galit yung nararamdaman ko, kundi yung sakit dahil alam kong sa huli, maiiwan na namam akong mag-isa.
Wala ba talaga syang balak ipaalam sakin?
" B-babe, may sasabihin sa'yo si Je-----"
" Alam ko na. " ramdam kong nilingon nya ako pero hindi ko sya tiningnan. " Lilipat ka ng school sa ibang bansa, diba? " namumuo na naman ang luha ko kaya mas lalo ko syang hindi tiningnan.
" B-babe---"
" Ibig sabihin, dun ka na rin titira. " tatango-tangong sabi ko pa. Nararamdaman ko na naman ang sakit sa mga oras na ito.
Bakit kailangang mangyari 'to?
" Babe s-sorry. " hindi ko sya sinagot dahil nandito na kami sa tapat ng bahay. Pero imbis na bumaba ako, hinarap ko na sya.
" B-babe, hindi ka pwedeng u-umalis. " at dun na tuluyang pumatak ang aking mga luha. Hinawakan naman nya ako sa aking pisngi.
" Sorry b-babe. "
" H-hindi ka pwedeng umalis! Walang aalis! W-walang lilipat! " halos maisigaw ko na yun sa kanya sa sobrang sakit. Kitang kita naman sa kanya ang awa at sakit na nararamdaman para sakin. " Yung s-school na lilipatan mo ang p-pupunta dito. Sya dapat ang m-mag-adjust kasi h-hindi ka nga p-pwedeng umalis! "
" Babe, stop crying. I don't want to see you crying, okay? " hinalikan nya ako sa noo ko. " I love you and I will always do. "
***
March 14, 2019
I prepare myself. Kasi alam kong hindi lilipas ang araw na ito na walang nangyayari.
It's cookery time.
Narito kami ngayon sa room ng cookery. Kung saan magluluto kami ng Maja Blanca.
" Yumi, you look so sleepy. " si Chamayra. Malungkot ko lang syang tiningnan. " Cheer up, boi. Kaya mo yan. "
Hindi ko kaya. Masyadong masakit.
Puyat ako kagabi, kakaiyak kaya hindi malabong mahalata nila ang eye bags ko lalo na ang pagka-antok ko.
Nakatayo lang ako habang pinapanood silang mag-asikaso para sa Maja Blanca. Hindi ako tumutulong dahil sabi nila they understand me naman daw.
May part sakin na gustong magpakita kay Rhyden ngayon pero may part din sakin na ayaw kong gawin yun.
.
What should I do?Lumabas ako ng room kasama si Roxie. Nadatnan ko naman sina Veronica sa room namin kung saan dun yung animation room.
" Are you okay, Yumi? " tanong sakin ni Veronica pero humindi lang ako.
" May kukunin lang ako sa loob. " nasa loob kasi ng room na ito ang paper bag ko. Nandun sa loob nun yung aking hairnet.
Pumasok ako nang hindi tinitingnan si Rhyden. Ayoko syang tingnan dahil hindi ko kaya.
Nang makuha ko na ang hairnet ko. Lumabas na ako ng pinto pero agad din akong pinigilan ni Roxie.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...