Janwren's POV
Dayo lang kaya yun dito?
Hanggang ngayon iniisip ko parin yung babaeng nakita ko noong nakaraan. Gusto kong malaman ang pangalan nya kahit pangalan lang. Kaso mahirap yatang gawin yun dahil ang daming babae sa mundo.
" Ayos ka lang? " tanong sakin ni Rhyden. Magkatabi kasi kami sa upuan. Kaklase ko rin sya noong nakaraang taon.
" Iniisip ko kasi yung pangalan nung babae. "
" Babae? "
" Oo. Yung nakita ko noong pa-enroll'an. " nagkibit balikat lang naman sya.
" Bakit, type mo? "napaisip naman ako sa tanong nya.
Ano nga ba?
" Baka. Di ako sigurado. " at saka ako bumuntong hininga.
" Dito ba napasok? "
" Yun nga ang di ko alam. Bagong mukha lang eh. "
" Malalaman mo rin ang pangalan nun. Intay-intay lang. " tumango na lang ako sa kanya.
Tapos na kami sa introduce yourself kanina pa. Kaya naman puro paalala na lang kung ano ang dapat naming gawin.
Baguhan lang ang guro namin dito sa CEU. Math teacher sya kaya naman mukhang hindi ako mahihirapan kasi adviser namin sya. Tsaka, dalaga pa ito at mukhang mabait.
" Mukhang marami ng naglalabasan, sige you may take your recess. " sabi ni Ma'am Rachel. Tumayo na naman kaming tatlo nina Rhyden at Kristoffe para pumunta sa Big Canteen.
Kaya Big Canteen ang tawag kasi may small Canteen din, kung saan ang mga tinda sa small canteen ay mga snacks at school supplies, unlike sa big canteen na puro hot soups or hot food.
" Makakahanap tayo ng chix. " sabi ni Rhyden samin nang makalabas kami ng room. Masyado kasing maraming tao.
Lagi namang ganito kapag unang araw.
" Oo nga. Paniguradong maraming transferee. " sagot sa kanya ni Kristoffe. Nakikinig lang naman ako sa kanila.
" Kaya nga. "
Dumiretso na kami sa big canteen. Ang haba ng pila kaya nagtagal pa kami.
" ANG GWAPO NG TRANSFEREE SATIN! "
" KAYA NGA! FRANZELLE. "
" GWAPO NGA. "
" Baka mas gwapo pa ako dun." Sabat ko sa usapan nina Veronica, Roxie, Franzelle at Kyla. Nasa unahan ko lang kasi sila ng pila at sila lang yata ang pinaka-maingay.
" Ayy nako, Janwren! Nag-feeling ka na naman! " pang-aasar sakin ni Franzelle. Tinawanan naman ako nina Rhyden.
" HAHA! "
" Boi, ayan na dadaan na sila. Kyaaaaah! " sabi ni Kyla kaya naman napailing pa ako.
" Kire nyo! Mas gwapo parin dyan si Darren Espantoooo! " sabat ni Veronica.
Hanggang ngayon, Darren pa din?
" Tingnan mo, Janwren kung mas gwapo ka pa. " si Franzelle na naman.
Wala akong pakia------
Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita yung babaeng nakita ko noong nakaraan.
Totoo ba ang nakikita ko?
" Ano, Janwren? Mas gwapo ka parin? " rinig kong pang-aasar sakin ni Franzelle pero diko sya sinagot.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
Teen FictionAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...