Yumi's POV
Wait, sya yung lalaking nakatitig sakin last time ah?
Kunot noong sabi ko pa sa isip ko habang nakatingin dun sa papatayong lalaki. Mukhang aalis na sila.
" Are you okay? " nilingon ko si Harry at pilit na ngumiti.
Anong meron at bakit mo ako tinitingnan?
Medyo nangamba pa ako sa isiping yun. Kaya bumuntong hininga pa ako dahil medyo kinakabahan ako.
Kilala mo ba ako?
Tumayo na kami nina Harry dahil tapos na kami. Dinaanan pa namin yung apat na babaeng kaklase ko na saksakan sa ingay. Kahit sa room, sila yata ang pinakamaingay.
Nang makalabas na kami sa Big Canteen, yeah. Big Canteen daw ang tawag dun sa canteen na kinainan namin sabi ni Sir Rolly. Sa totoo lang, sya yung nagturo samin kung saan ang big canteen na yun.
Malaki nga naman.
Habang papasok na kami sa room namin, bigla kong naalala yung kasama nung lalaking nakatitig sakin.
Familiar ka talaga e.
Nahuli ko din na nakatingin sakin yung lalaki na yun. I'm sure na nagkita na kami, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.
Umupo na ako sa upuan ko. Wala pa yung apat na maingay kaya medyo tahimik pa ang mundo ko. Kokonti parin ang mga kaklase kong nasa loob dahil for sure nasa canteen pa ang mga yun.
Anyway, ang napansin ko sa mga estudyante dito ay parang masayahin. I mean more on jokes sila tapos ang baba ng mga kaligayahan. Saka, sila yung tipo na walang pakialam sa nakikita nila. Unlike sa FIS na puro judging lang ang alam. At napansin ko rin na, walang famous dito kasi wala namang nagtitilian kapag may dadaan na mga estudyante. Siguro meron namang nakaka-angat dito kahit papaano.
At yun ang gusto ko.
Maya-maya lang ay umingay na ang paligid kaya hindi na ako tumingin pa sa entrance ng room namin.
Eto na naman ang Megaphone Girls.
Megaphone girls kasi masyado silang maingay na parang nakalunok ng tig-iisang megaphone.
" HAHA! PARA KANG TIMANG! "
" ANG GALING-GALING NYAN PUMICK-UP KAPAG JOKES NA! "
" OO GA! "
" NAKS! AKO PA BA? "
ingay nyo.
Dumaan na silang apat sa harap ko. Syempre, kwentuhan pa sila ng konti bago dumating si Sir Rolly.
Mukhang masaya silang kasama. I guess.
" Ano busog na kayo? By the way, I have special announcement about K-12. " sabi ni Sir samin. Tahimik lang naman kaming nakikinig sa kanya. " Magkakaroon na daw tayo ng K-12. Yung ang sabi ng DEPED saming mga teachers. "
" HALA! KASAMA KAYA TAYO? "
" ANO BA YAN! BAKIT NAGKAROON? "
" SIGURO NAMAN HINDI NA TAYO KASALI DUN. "
" So yun nga, dahil mayroon ng K-12, sabi samin ng DEPED ay under parin kayo nun. Ibig sabihin, kasali kayo at magt-take pa kayo ng 2 years bago kayo magcollege. "
Hays! Parang tinamad yata ako pumasok.
Nung bakasyon kasi, nabanggit sakin ni daddy na may K-12 daw pero hindi pa naa-aprobahan ng DEPED. At magbabago daw ang tawag sa mga year level. Kung dati ay fourth year, magiging Grade 10 na. Parang continue lang nung elementary, after Grade 6, grade 7 naman. Then, hanggang maka- grade 12 na.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Book 2: IMP )
أدب المراهقينAng mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayam...