Chapter 85

29 0 0
                                    

Yumi's POV

Eeehhhh! May manliligaw nako! Kyaaaaah!

Muli akong umikot mula sa aking pagkakahiga at inilagay ang aking mga kamay sa unan na aking niyayakap.

"Akalain mo yun, Yumishy! " pagsasalita ko mag-isa. I can't explain what I feel right now. I don't know what will he do sa panliligaw.  If it is personal or only on texting. Dahil bilang lang naman ang mga araw, sandali, oras na nagkakausap kami kaya hindi malabo na sa texts lang nya ako ligawan.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa isiping iyon.

" Hays! Wag naman sana. " at tinitigan ko ang kisame sa itaas.

Malamang, Yumi! Alangang kisame sa ibaba diba? Charrot!

Muling isinuot ng aking utak ang kanilang mga sariling pakpak at lumipad. Nagpunta sa kung saan kaya kung anu-ano na namang naiisip ko.

Yumi, just accept kung ano yung way of courting nya. Ang mahalaga, totoo sya at mahal ka nya.

" Oo nga naman.  " tatango-tangong sagot ko sa aking naisip.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa side table.

" Hello? Napatawag ka? " panimula ko habang papunta sa may veranda.

" Wala lang. Nasagap ko lang kasi na pinayagan mo na si Smith. " bumuntong hininga naman ako sa sinabi nya. 

" Oo nga.  "

" Ka-timang mo talaga! Hindi mo muna sya kinilala bago ka pumayag!" sermon sakin ni Kyla kaya naman hindi agad ako nakapagsalita.

Anyway, nagka-ayos na kami ni Kyla dahil ginamit nya si Smith to do a sorry for me.

< FLASHBACK >

Vacant kami this second period kaya naman wala kaming ginagawa, except sakin na president na maraming tasks na pinapagawa ng mga subject teachers namin.

" Excuse po kay Yumishy Rein Fharnela.  " agad naman akong napatingin sa may entrance ng pinto namin at nakita ko dun si Kyla na nag-excuse sakin kasama nya ang POTATO SQUAD.

Hindi ko sila pinansin at tinuloy ko lang ang ginagawa ko.

' Hays! Ang tagal ko na ding hindi nakikita si Smi-----'

" Excuse nga daw po kay Yumi, pinapatawag po sya ni Smith. " agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kyla kaya hindi ko naituloy ang aking ginagawa.

" YIIIEH! "

" SANA OIL! "

Tukso ng mga kaklase ko habang papunta ako sa may pinto.

" Pwede ba? Wag nyo akong pagtripan! Wag mo akong pagtripan, Kyla! " may diin na pagkakasabi ko. Tatalikuran ko na sana sya nang magsalita si Veronica.

" Totoo. Nandun nga si Smith, Yumi. " napahinto naman ako. At kunot-noong tiningnan sila.

" Sabi ko sa'yo e! " hindi ko pinansin si Kyla at seryoso akong tumingin kayna Veronica.

Unexpected Love ( Book 2: IMP )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon