10 years ago
" Lampa ka talaga kahit kelan!" sabi sakin ng batang babae na nasa harap ko. Pero sa totoo lang, natatakot ako sa kanya. Kahit babae sya ay nakakatakot sya kung magsalita.
"H-hindi ako lampa. H-hindi ako m-marunong makipag away. A-at ayoko ng away." mahinang sabi ko. Hindi ako marunong makipag away. At ayoko din. Yun ang bilin sakin ni Mama na para hindi lumaki ang gulo, wag nang makipag away pa.
"Tsss! eh panu kung hindi ako dumating dito? edi hindi lang yang gasgas ang abot mo dun sa mga mukang damulag na bata!" sabi niya pa sakin. Hindi nalang ako kumibo at napayuko nalang.
"E-eh sabi kasi ni mam-"
"Tss kahit sabihin mo pa na ayaw kang makipag away ng Mommy mo, kailangan mo pa ding iligtas sarili mo sa mga damulag na yun!" sabi niya.
Pero, ngumiti nalang ako. Kasi hindi lang ito ang unang beses na niligtas niya ko sa mga malalaking bata na yun. Kahit babae sya at batang katulad ko ay napakatapang niya. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil hindi ako napapagalitan ni Mama dahil wala naman akong mga pasa na nakukuha.
"W-wag ka ngang n-ngumiti! " sabi niya sabay iwas ng tingin sa kin. M-may nagawa ba kong mali?
"B-bakit?" medyo nanginginig kong sabi.
"B-basta!" Sigaw niya na kinayuko ko naman. Bakit ba galit sya.
"N-nga pala, sa susunod na linggo aalis na kami dito. Pupunta kami sa states sabi ni Daddy."
Nakatingin lang ako sa kanya.
"K-kaya hindi na kita maliligtas sa mga damulag na yun! "
Nakatingin pa din ako sa kanya.
"A-ano ba! naging pipi ka na ba? b-bat hindi ka nagsasalita"
"W-wala naman ako sasabihin."
"H-haistt!N-nakakainis naman!" sabi niya sabay sipa sa bato na nasa paanan niya.
Nakatingin lang ako sa ginawa niya. Aalis na daw sya? pero hindi pa ko nagpapasalamat sa kanya.
Kinuha ko ang bracelet dito sa kamay ko na ako mismo ang gumawa. Iniabot ko ito sa kanya.
"O-oh, sayu nalang." abot ko sa kanya ng bracelet. Naglaki naman ang mata niya at kinuha ito.
"A-akin nalang? Tsur ka? " sabi niya.
"O-oo, kasi sabi sakin ni Mama, pag may tumulong sayo, magbigay ka ng bagay na bukal sa lo-"
Tsup!
"Hintayin mo ko lang ako Weak Boy at sa susunod na mag kikita tayo, papakasalan kita! Tsur yun!" sabi niya sabay ngiting tumabok papalayo sa akin.
_____
Omoooo..
Hope you like it!
Lablatsss
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]
Teen Fiction[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may malaking papel sa buhay mo hindi lang sa kasalukuyan, baka din sa nakaraan. ' Mga katagang nababagay...