Chapter 18.

16.9K 291 2
                                    

Rizianne's Pov

Napagdesisyunan ko na hindi muna pumasok kinabukasan dahil medyo napagod ako sa nangyari kahapon. I'm so lucky coz' tito didn't know na nakikisali ako sa away. Alam kong sasabihin niya yun kay Dad pag nalaman niya yun kaya hindi muna ko pumasok ngayon dahil kailangan kong pagalingin ang mga pasa ko.

And then I suddenly remember the bitch who slapped my face. She's a bitch. Alam kong wala kong atraso sa kanya dahil kahit madami akong kaaway, eh wala naman akong kaaway dito sa school ni tito. Siguro meron but pag kakatanda ko ay mga lalaki yun, not a girl.

Nakahiga lang ako ngayon sa kama at malalim na nag iisip ng may tumawag sa phone ko. Unknown'' .Napakunot naman ako ng nuo. Sino naman to?

Nag aalinlangan akong sagutin pero ng nakailang ring na ay sinagot ko naman.

" Sino to?" seryosong sabi ko.

"[ Rizzy?! God! bat a tagal mong sagutin?!]" sabi nito. Si Charissa?

" Charissa? How did you get my number?" tanong ko. Wala naman akong pinag bibigyan ng number ko sa school.

"[ haisst! it doesn't matter! Nasan ka? hindi ka ba pumasok?]" tanong nito.

" Yeah. Masyado akong napagod kahapon." sabi ko at hinimas ang batok ko.

"[...]" walang nag salita sa kabilang linya.

" Oh? nanjan ka pa ba? " tanong ko.

" [ Ahm..R-Rizzy..Panong napagod? M-may ginawa ba kayo ni Isaiah sa clinic? N-Naistorbo ba namin kay- TOOT!" pinatayan ko na sya. She's talking some nonsense again. Hindi nakakatuwa.

And then I suddenly remember what happened yesterday. Napaibabaw si Nerdy sakin habang hawak ang magkabilang kamay ko. Sobrang lapit niya sakin. I can even feel his breathe. Agad namang namula ang pisngi ko sa naalala ko.

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa hindi ko maipaliwanag na kahihiyan.

My heart beats so damn much. Again.

-//////-

****

Ianiee's Pov

Hi! I have a POV na.

So ayun. Hindi ko na muna pinapasok si brotha. Medyo may mga pasa pa sya. Naalala ko tuloy na maiyak iyak ni Mom ng makita niya si Isaiah pag uwi namin kahapon. Agad ko namang sinabi na si Josh ang may gawa nun. That Jerk! Hindi lang sya manloloko. Isa din syang gago.

Sinabi ko din yung lover girl ni brotha ang tumulong sa kanya. Mas lalo tuloy na excite si Mom na makita yung babaeng yun.

Nang nasa parking lot nako ay may nakita nakong space para ipark ang kotse ko. But ng ipapark ko na yon, bigla nalang may nag park doon. Di ko alam kung pano nanyari yon dahil ang bilis niyang makapark sa space na yon. Pero naalala ko din na ako dapat ang nakapark doon dahil ako ang unang nakakita non!

" Sino naman kaya tong buwiset na to?!" pag bulong ko sa sarili ko at binunisahan yun. Uminit ang ulo ko dahil nang agaw sya ng space na hindi naman kanya!

Lumabas ako ng kotse ko at pinuntahan yung buwiset na driver na to. Ako ang nauna eh!

Kinatok ko ang salamin ng kotse niya. " Hey! lumabas ka jan! kailangan nating mag usap!" sigaw ko. Grrrr! nakakainis sya! malelate ako nito eh!

Agad namang lumabas ang driver doon. Napatanga naman ako dahil anghel ata yung lumabas. Hindi sya nakapang uniform dito sa school. Naka suit sya na parang nag oopisina. Tumingin naman sya sakin. Oh god! may ganito palang kapoging nilalang?!

" Hey, tumutulo na laway mo." sabi nito. Bumalik naman ako sa realidad. Umiling ako dahil naalala kong galit pala ko.

Inayos ko ang sarili ko. " I-Ikaw! alisin mo tong kotse mo dito dahil ako ang nauna sa space nato!" sigaw ko sa kanya. Hindi parin nag bago ang muka niya. Gwapo pa din. W-what?!

" As far as I know, walang patakaran dito na kailangang kung saan ang gusto mong mag park, dun ka mag papark, Miss." sagot nito. Nainis naman ako.

Pumalatak ako. " Huh! mas nauna ako sayo!" sabi ko naman.

" Nauna?" tumaas ang sulok ng labi nito. " Pero ang kotse ko ang naka park ngayon. So sino satin ang nauna?" nag smirk ito. Mas lalo akong nainis. Grrrr!

" Mabilis ka lang mag maneho! but mas nauna ko tong nakita!" inis na sabi ko.

" Tss. Childish." narinig kong bulong niya.

" A-anong childish ka jan! I'm not!" sigaw ko. Nakakainis sya.

Napasmirk uli sya. Bat ang gwapo niya pag naganyan? Ayt! erase erase!

" Look, Miss, there's so many parking space here. Dun ka nalang mag park." sabi nito.

" Diyan ang gusto kong space! alisin mo ang kotse mo!" paulit ko uli. Ako naman talaga kasi ang nauna na makita yun! hindi ko nga alam na may sumulpot bigla na kotse at nag park sa space na to!

" Tsss. Whatever, Childish." sabi nito at nag simulang mag lakad papasok sa school. Naiwan naman akong napatanga. Naningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kanya habang nag lalakad.

" BUWISET KA TALAGA!" sigaw ko sa kanya. Wala naman tao doon kaya walang ibang nakarinig. Tinaas niya lang ang kamay niya habang nag naglakad at iniwagayway. Mas lalo akong nainis!

Buwiset kang lalaki ka! pag nakita pa talaga kita nako!

Pasalamat ka at pogi ka!

>////>

***

Someone's Pov

Hindi pa talaga nag tatanda ang bitch na yon. Talagang tinulungan pa ang Isaiah ko eh noh. I already told her that he is mine! Mine only!. Pero di din ako natutuwa sa guwama nun kay Isaiah. Sino ba ang mga gagong gumawa non?! Magbabayad din sila.

" Oh, ayos ka lang?" tanong ng isang babae dito. Napansin ko na napahigpit ang hawak ko sa papel na hawak ko dahil naiinis ako sa bitch na yon.

" A-ah..Oo, a-ayus lang.. " pag panggap ko. Pero sa isip ko at tinatarayan ko na sya. Di ko naman sya kilala para kausapin ako.

Pero hindi ko na dapat pinapansin ang mga walang kwentang bagay. Kailangan ko nang mag pakita sa lalaking pinakamamahal ko.

Isaiah, akin ka lang. Hinding hindi ka maaagaw sakin ng kahit sino man. Maski yung bitch na Rizianne na yon. Wala kong pake kung sino man sya. Kaya kong gawin ang lahat mapunta lang sakin si Isaiah.

Wait me Rizianne. Once na makita pa kita dumidikit kay Isaiah, hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.

_____

Hope you like it!

Lablatsss

Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon