Isaiah's Pov
"R-Rizianne". Tawag ko uli sa pangalan niya. Kinakabahan ako. Nakatingin ako sa kanya na nakatali sa puno na pawang walang malay. Agad akong lumingon sa likod ko para sabihin doon sa babae na nakabunggo ko pero nawala sya. Binalik ko ang tingin kay Rizianne at wala sabing lumakad ako papalit sa kanya. Alam ko na nanginginig ang mga tuhod ko habang humahakbang papunta sa kanya. Hindi ko maiwasang mag alala at kabahan.
Nang makalapit na ko ay mas kinabahan pa ko lalo. Nakapikit sya habang may mga galos sa katawan at muka. S-sinong gumawa sa kaniya nito?!
Hinawakan ko sya sa pisngi, "R-Rizianne, w-wake up. W-wake up!" pero ayaw niya pa din magising. Sobra na yung kaba ko. Ngayon ko lang din to naramdaman. Nag aalala ko sobra.
Dahil ayaw niyang dumilat, gumawa nalang ako ng paraan para natanggal ang tali na nakapulupot sa katawan niya. Sobrang higpit ng pag kakatali sa kanya. Mukang hindi lang isa ang nag tali sa kanya dito.
Minamadali ko na ang pag tanggal sa tali dahil kailangan niyang madala sa clinic! No. She can't...
"N-Nerdy..?" rinig kong nagsalita. Humarap ako sa kanya. And there, I saw the eyes that always capturing mine. Hindi ko mapigilan ang naramdaman ko ng magising sya.
"R-Rizianne." sakto naman na natanggal na ang tali sa kanya at bigla syang napaupo pero bago yon, nayakap ko na sya.
Alam kong dumaing sya dahil sa sakit ng katawan.
"Shit. They got me this much." rinig kong sabi niya. Pero di pa rin sya gumalaw. Humarap ako sa kanya at pinag titigan.
"A-Are you okay? w-what happend? sino gumawa sayo nito?" nag aalala kong tanong. Nakatingin lang sya sakin. Hindi sya nag salita. Mahahalata sa mga mata niya na parang naguguluhan pero di ko na pinansin yun. Kailangan na syang madala sa clinic.
Walang sabing binuhat ko sya. Hindi ko alam, basta ang alam ko ay kailangan sya madala sa clinic.
"H-hey! P-put me down N-Nerdy'' sabi niya pero di ko sya pinakinggan. Kailangan niyang magamot.
Habang papunta sa clinic ay alam kong pinag tititigan kami ng ilang estudyante. Pero hindi ako nakaramdam ng hiya lalo na at buhat ko si Rizianne. Pero wala lang sakin yun ngayon.
Tahimik lang kami ng makapunta kami sa clinic.
*****
Rizianne's Pov
Tahimik lang ako habang karga nitong si Nerdy. Like hey, it's awkward! pinag titinginan kami ng mga estudyante. Hindi ko din alam kung bat hinayaan ko lang syang buhatin ako ng ganito. Wala pang nakakabuhat sakin ng ganito dahil ayaw ko at sasapakin ko lang kung nag kataon. Pero hindi ko yun nagawa kay Nerdy. Hindi ko din alam. Parang may part sakin na hayaan ko lang.
Habang nag lalakad kami ay napatingin ako sa mukha niya. Gad! ang lapit. I saw his side face. Ang mga mata niya mapupungay at mahaba na pilikmata. Ngayun ko lang napansin yun dahil nakasuot sya ng salamin at natatakpan yun. Pero ngayun ay kitang kita ko na ang kagandahan nito. My eyes went to his pointed nose. It almost perfect to be exact. Marahil dahil nakaside view sya at halata kung gano katangos ang ilong niya. And as far, my eyes went to his lips. Napunok ako dahil mapula yun. Gosh! baka naman nAg liptint to?
Namula ang pisngi ko dahil sa mga naiisip ko. Did I-I describe him like other girls describe their crushes? sht. Anong pinag iiisip ko?!
At nang makarating na kami sa clinic, may nakita akong isang nurse doon.
"Miss, please help her." biglang nag salita si Nerdy.
"What happened?!" tanong nito.
" I don't know but please assist her. " sabi ni Nedy at binaba na ko sa isang bed na naroon. Shit! my body hurts like damn. Naalala ko tuloy ang nang yari kanina.
Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot nitong school. I guess Im late right now. Tsss.
Nag lalakad na ko paalis doon ng biglang may humila sakin. Hindi lang yun isa o dalawa, mga lima siguro ang mga ito. Hindi ako makapalag dahil bigla nalang may nagtakip sa ng panyo sakin. Sht. I feel dizzy. May pampatulog ba to?!
Bago pa man ako mawalan ng malay ay may naaninag akong isang tao na nasa harapan ko. Babae sya dahil parehas kami ng uniform. Who's this biatch?!
" He is mine, bitch." sabi nito sakin sabay sampal ng napakalakas. At doon ako nawalan ng malay.
At yun. Nagising ako at nakita ko si Nerdy na tinatanggal ang tali na nakatali sakin. Paano ko napunta dito? At t-tinali pa talaga nila ko sa puno?! ang sakit din ng katawan ko sa mga pasa.
Uminit ang ulo ko dahil malilintikan talaga sakin ang gumawa nito. Hindi nila alam kung sino ang binangga nila!
Nawala ang pag kainit ng ulo ko ng niyakap niya ko. Nagulat ako dahil alam kong nag aalala sya sakin. Assumera na kung assumera but, bigla nalang nag lambot ang mga tuhod ko. Why does his actions always have an affect on me? Even my heart does.
At ngayung nasa clinic ako at ginagamot ng nurse dito, nandito padin si Nerdy.
"Bat hindi ka pa naalis?" tanong ko sa kanya.
" O-okay ka na ba?"
Hindi ako nag salita. Nag aalala ba sya sakin? - //// -
"The classes will start soon." sabi ko.
"But-"
"She's right." sabi nung nurse.
" I will tell-"
"May masakit pa ba sayo?" biglang tanong nung nurse. Tinuro niya ang dibdib ko. "Nasuntok ka ba dito?" dagdag niya. Kinunotan ko sya ng nuo. Anong sinasabi niya?
Mag sasalita pa sana ko ng walang pasabi niyang binukasan ang uniform ko sa part ng dibdib ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Wala kong sandong suot!
Narinig ko ang tunog ng pintuan na nagbukas, o nag sara?
Lumingon ako at wala na si Nerdy. Sya ba ang lumabas?
A-and...Sht!
D-d-did he saw? d-did he saw my c-chest?!!
Kaya ba mukang nag madali syang umalis because of that?! Ohw fck!
Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko at tinignan ng masama ang Nurse na may dahilan nun. Why the heck she d-do that?!
" I expect that you're wearing a sando, but I guess its fine. He leave the clinic so fast," tumawa sya, "And thats so epic. Hahah " dagdag niya pa. Namula ang pisngi ko. So he s-saw m-m-my...- Wahhhhtdapak!
So ginawa niya yon para u-umalis si N-nerdy?!!
" I'll kill you." sabi ko. Nakakahiya! He saw that!
"Hahah your welcome." ngumiti sya at umalis sa tabi ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Y-you N-Nerdy! Pagbabayaran mo ang pag silip sa d-dibdib ko! Arghhhh!
And that fckng nurse.
______
Haha hey! sorry for longggg UD.. Bawi bawi tayo..Haha
Hope u like it!
Lablatsss
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]
Teen Fiction[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may malaking papel sa buhay mo hindi lang sa kasalukuyan, baka din sa nakaraan. ' Mga katagang nababagay...