Isaiah's Pov
Ilang linggo nalang at magaganap na ang event na yun. Sinabi nila samin na kailangan daw naming mag handa. Lalo na daw kaming mga lalaki. Pati raw ang katawan, ay handa.
" Nako bro. Mukhang alam ko yang ' pati katawan ay handa' na yan ah..Isa lang ibig sabihin niyan." sabi sakin ni Calvin.
" A-ano naman yon?"
" Kailangan nating mag gym." agad na sagot niya. Napakunot ako ng noo.
" H-huh? b-bakit naman-"
" Symepre para mag ka abs.." sabi niya at hinawakan pa ang tiyan niya. Napailing nalang ako.
" H-hindi na siguro.." sabi ko. Mukhang hindi na kailangan siguro.
" Aba.. Kung mag salita ka parang may abs ka na-"
" Isaiah.." hindi natuloy ang sasabihin ni Calvin ng may magsalita.
" A-akira.." napatigil kami sa pag lalakad.
" Ahm..N-narinig ko na kasali ka sa event.. G-gusto sana kitang i congratulate.." mahinang sabi niya.
" S-salamat.." sabi ko nalang.
" Ahm.. C-can I ask who's your partner?" tanong niya. Napakunot ako ng noo. B-bakit gusto niyang malamang.
" I think, you dont want to know." si Calvin naman ang nag salita habang nakatingin sa harap. Napatingin ako doon at nakita ko si Rizianne.. Nakatingin sa amin.
" Hinahanap mo ko? I'm here." sabi ni Rizianne at lumapit samin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. I-ito nanaman..
Kita sa mukha ni Akira ang gulat. At maya maya ay napalitan yun ng inis. Napakunot naman ako ng noo sa nakita ko. I feel strange again..
" Why? nagulat ka ba? na disappoint ba kita? Sorry but, you can't do anything about it." sabi ni Rizianne. " And oh," bigla niya kong hinawakan at inilapit sa kanya. " I will borrow your friend for a while kabayo, just go and be with Charissa." dagdag niya na nakatingin may Calvin. Si Calvin naman ay kumurap kurap pa.
" A-ako ba kausap mo?" tanong ni Calvin.
" Tss..Sino pa ba kabayo dito? alangang to." turo niya kay Akira, " Eh ibang hayop yan. Linta yan." dagdag niya pa. Nagulat naman ako sa sinabi niya.
" A-aba! sa gwapo kong to, kabayo pa talaga-"
" Shut up."
" Arghh!geh na! kunin mo nayang Nerdy mo!" inis na sabi ni Calvin.
" B-bro-"
" B-Bakit?! bat isasama mo sya ha! Did he even say na payag sya sa pag sama sayo?!" nagulat ako ng biglang nag salita si Akira. Halata sa mukhan niya ang inis. Naramdam kong humigpit ang hawak sakin ni Rizianne. B-bakit?
" Oh.. Ilalabas mo na ang tunay na ikaw? ngayon na? as in? now?" sabi ni Rizianne. " At bakit kailangan ko pang malaman kung payag sya o hindi, he's my partner anyway." dagdag niya pa.
" Hindi mo na kailangan makita kung sino ako. This is me-"
" Are you fvcking joking?!" putol uli ni Rizianne sa sasabihin ni Akira. " Pwede ba, kung silang lahat napapaniwala mo, pwes ako, ibahin mo. Hinding hindi ako maloloko ng isang plastik na katulad mo. And one more thing..." bumuntong hininga si Rizianne. " Bakit ka ba lapit ng lapit kay Nerdy? Do you like him? o baka naman, sya ang sinasabi mong kukunin mo?" dagdag niya na ikinagulat ko. A-anong i-ibig sabihin niya?
" W-what do you mean-"
" W-wag kang maniniwala sa kanya Isaiah-"
" You're so pathetic you know? You just let your guard down just now. Don't deny it. Be the bitch you are." seryosong sabi ni Rizianne. Nakita ko naman na inis na inis si Akira. I-ibang ibang sya sa Akira na nakilala Ko. Na akala ko hindi nagagalit.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]
Teen Fiction[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may malaking papel sa buhay mo hindi lang sa kasalukuyan, baka din sa nakaraan. ' Mga katagang nababagay...