Isaiah's Pov
Hindi ako pinapasok nila Ate at Mama dahil kailangan ko daw mag pagaling. Mahirap naman daw kasi na pumasok ako at may mga pasa pa. Kaya wag nalang daw muna.
Nasa kwarto lang ako ngayon. Iniisip mga mga nangyari kahapon. Napalunok ako dahil naalala ko ang posisyon namin ni Rizianne sa clinic. H-hindi ko talaga sinasadya yun.
Maya maya ay tumunog ang phone ko at nakita ko na no. ni Calvin ang tumatawag. A-anong kailagan nito?
" Hello?" sabi ko ng sagutin ang call.
"[ Bro? Bat hindi ka pumasok?]" tanong nito.
"Hindi nila ko pinapasok, mag pagaling daw muna ko." sabi ko.
" [Sayang naman. Nga pala, si fvcking girl din hindi pumasok]." sabi nito. Si R-Rizianne?
" B-Baka napagod din yun kahapon." sabi ko. Sinuntok niya ang mga kasama ni Josh. Ang lakas niya. Pero alam kong napagod sya doon.
" [A-hm bro', tungkol pala kahapon],'' sabi nito. Parang nahihiyang magtanong.
"B-bakit?"
" [A-anong napagod? Parehas kasi kayong pagod. Sinabi sakin ni Charissa na napagod din daw si Rizianne kahapon. Bro', magtapat ka nga! m-may n-nangyari ba sa i-inyo?"] sabi nito. Napakunot naman ako ng noo. Pero tama nga. Napagod din sya kahapon. Alam kong hindi masakit parin katawan niya mula nung isang araw kaya mas lalo syang napagod.
" O-oo.. May nangyari." simpleng sagot ko
Narinig ko ang pag kalabog sa kabilang linya. Parang nahulog sa upuan. Nagtaka ako.
" O-oy C-Calvin, anong nangyari?" tanong ko sa kabilang linya. Medyo matagal pa bago ito nag salita.
["B-bro, m-may nangyari talaga sa inyo? k-kaya ka nakadagan sa kanya?! Nice bro pero sana, hindi nalang kayo dun clinic. Pwede niyo naman gawin yun sa bahay o di kaya hotel-"]
" W-what are y-you talking about?" pag putol ko sa sasabihin niya. H-hindi ko sya maintindihan.
" [Haist bro. May pasa ka na at ano nagawa mo pa yun. Lakas mo talaga!]" sabi nito sabay tawa. Pagtapos niyang mag salita ay parang may umagaw ng phone niya at nagsalita din. [" I-I-Isaiah! t-totoo?! m-may nang yari sa i-nyo ni Rizzy??!]" boses yon ni Charissa. Kasama niya siguro.
" Y-yes.. K-kaya napagod d-din sya-"
" [Pervert! b-bakit mo yun ginawa?! h-hindi pa kayo kasal!"] biglang sigaw niya. Napalayo ko tuloy ang phone ko sa tenga ko. M-medyo malakas ang boses niya.
P-Pero a-ano ba ang pinag sasasabi nila? M-may nangyari naman talaga kahapon. Tinulungan ako ni Rizianne at dinala ako sa clinic.
" T-tinulungan lang naman ako ni R-Rizianne kahapon. Y-yun lang naman ang nangyari kahapon." pag dadahilan ko. Natahimik naman ang nasa kabilang linya.
" [T-Tinulungan? E-eh bat nakita namin na nakadagan ka kay Rizzy t-tas hawak yung mag kabilang Kamay?"]
" H-hinahampas niya kasi ako ng sapatos nun kaya yun. P-pinigilan ko sya." sabi ko. Y-yun naman kasi ang nangyari. Hindi nanaman nag salita ang kabilang linya.
"[S-sabi ko naman talaga kasi sayo Charissa babe hindi yun magagawa ni Isaiah ehh."] si Calvin ang nag salita. Parang kinakausap niya si Charissa. "[ H-Hoy bakulaw! wala kang sinabi! tsaka sabi mo nga talagang may ginawa sila- TOOT!]" bigla naman nilang pinatay ang kabilang linya. Napakunot nalang ako ng noo. A-Anong problema ng mga yun?
Kinabukasan*
Pumasok nako. Ayaw pa din ako papasukin ni Mama pero nag pumilit ako. Ayos na ang pagpahinga ko kahapon. Konti nalang din ang mga pasa ko. Sa gilid naman ng bibig ay maliit nalang. Si ate naman ay mukang hindi maganda ang mood simula ng pag kauwi kahapon. N-nakakatakot. -_-
" sige na brotha. Mamaya nalang!" sabi niya ng mapark ang kotse sa parking lot. Lumabas na din sya at naiwan ako sa loob ng sasakyan. Inayos ko muna ang salamin ko at lumabas.
Medyo maaga pa naman kaya pumunta muna ko sa library.
Medyo konti lang ang tao dito kaya tahimik nadin.
Habang nag hahanap ako ng libro ay may babaeng nakasalamin na nabitawan lahat ng librong dala niya at lahat ay nasa sahig. Medyo madami iyon para makaya niya kaya tinulungan ko sya. Nagulat sya dahil tinulungan ko sya pero hindi naman sya tumanggi.
Habang tinutulungan syang pulutin ang mga libro ay may napansin akong libro na kinalunok ko. Kulay black iyon at ang front page ay parang dugo. N-Nagbabasa sya nito.?
Nagulat ako dahil kinuha niya yon at agad na tinago. " Ahm- t-thankyou.." nahihiyang sabi niya.
"Ahm.. B-babasahin mo lahat to?" sabi ko at tinaas lahat ng librong nahulog.
" Ahm.. Oo.." nahihiya niyang sabi.
" San mo dadalhin to? tulungan na kita. " sabi ko. Medyo marami kaya tulungan ko nalang sya na bitbitin.
" T-talaga?" bigla syang humarap sakin. At don ko napansin ang muka niya. Kahit nakasalamin sya ay natatandaan ko sya.
" I-ikaw yung babae na nakabunggo ko noon." sabi ko sa kanya. Sya yung babaeng nabunggo ko malapit sa puno na pinagtalian kay Rizianne. Nang sundan ko ang itim na pusa.
" Ahm.. Sorry, pero baka hindi a-ako yun.." iwas na tingin na sabi niya. Pero alam ko talaga na sya yon. Hindi ako pwedeng mag kamali. Bigla syang nawala ng matagpuan ko si Rizianne..
" S-Siguro nga. " sabi ko. Baka nag kakamali lang ako nun.
" Ahm- tara? s-sabi mo tutulungan mo ko.." sabi nito.
" Ay.. Oo nga pala.. S-san ko ilalagay to?"
Naglakad sya kaya sinundan ko nalang. Malaki naman ang library kaya madaming mga space para makapag basa ka.
Huminto kami sa isang table na vacant. Nilapag ko dun ang mga libro na babasahin niya daw.
" Sige, una nako." sabi ko dahil natulungan ko naman na sya. Akmang aalis na ko ng mag salita sya.
" Ahm- thankyou uli sa pag tulong. E-eto oh," abot niya ng isang candy, "S-sayo nalang, pag papasalamat ko para sayo.," nahihiyang sabi niya.
Ningitian ko nalang sya at kinuha ang candy. Sabi ni Mama ay kung may ibigay man sayo ang ibang tao na bukal sa puso, natulungan mo man o hindi, tanggapin mo.
" S-salamat.. Una na ko." sabi ko at aalis ng may humawak sa braso ko. Napatingin ako doon sa babae.
" B-bakit?" tanong ko. Ang mga mata niya ay parang nag mamakaawa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Please.." sabi nito at unti unting lumalapit sakin. I frozed. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "..Stay.." dagdag nito habang lumalapit sa muka ko.
Naalala ko si Rizianne. Wala man lang akong nararamdaman kahit papalapit ang muka niya sakin. Pero kung si Rizianne, agad na bumibilis ang tibok ng puso ko.
Hinawakan ko ang magkabilang braso para pahintuin sa pag lapit sa mukha ko. " S-stop. K-kailangan ko nang umalis." sabi ko sa kanya. Alam kong nagulat sya at agad nag iwas ng tingin. Binitiwan ko ang pag kakahawak sa kanya.
" P-pasensya na" sabi nito. Tinunguan ko lang sya. Pero bago uli ako makaalis ay hinawakan niya ko sa kamay. B-Bakit nanaman uli?
" B-by the way, I'm Akira." sabi nito habang nakangiti. Mag sasalita pa sana ko ng may nauna sakin.
" He didn't asked your name." seryosong sabi ng nag salita. Napatingin naman ako sa nag salita. Si R-Rizianne..Bat sya nandito?
Tumingin ito sa kamay ko na hawak ni Akira. " And, oh, sweet." Sabi nito at sabay tingin sakin. Walang emosyon.
_____
Oh-ohw..
haha hope u like it!!
Lablatsss!
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]
Teen Fiction[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may malaking papel sa buhay mo hindi lang sa kasalukuyan, baka din sa nakaraan. ' Mga katagang nababagay...