Rizianne's Pov
I'm curious okay?! kaya natanong ko yun sa kanya. K-kasi naman kanina, nung sinabi na if you cuss again, ay bigla syang tumingin sa l-l-l-lips ko! e-ewan ko kung guni guni lang ba yun o ano pero napalunok ako. Bumilis ng todo tibok ng puso ko nun!
Naghihintay ako sa isasagot niya. Halatang nagulat din sya sa tinanong ko.
"A-ahm.. W-wala naman.. H-hindi lang talaga maganda sa b-babae ang nag mumura.." mahina niyang saad.
So? wala? wala syang gagawin kung magmura ulit ako ganun? tss
Assumera.
"Fcking okay." walang buhay na sabi ko. Wala naman pala syang gagawin eh. May pa tingin tingin pa sya sa l-lips ko kala mo, hayyy basta! nakakainis.
Alam kong nagulat sya pero di ko nalang pinansin. Wala naman sya gagawin remember? tss weak.
Nagulat ako dahil biglang tumibok uli puso ko. Well, natibok naman talaga ang puso, I mean, its beating so fast, again. Siguro dahil yun sa weak na nasabi ko. Naalala ko uli si Weak boy. Haisst naman. Antagal ko na dito pero di ko pa din yun nahahanap! aba! nakalimutan na ata ako nun ah. Pero ako shunga den, di ko man lang nitanong kung anong pangalan niya edi sana ang dali niya lang hanapin diba-_
Ang ang pinakatinatakutan ko, tumingin ako sa nakaing si Nerdy, dapat kay Weak boy lang natibok tong pusong to, dapat si Weak boy lang nilalaman nito. Pero bakit dito sa Nerdy na to din?? arghhhhhh nakakainis!!
"A-ayos ka lang?" tanong niya. Nakita niya kong sinasabunutan sarili ko dahil ang dami kong iniisip. Lols
"Y-yeah. I'm fine." at inayos ang sarili. Kailangan ko na umalis dito. Hindi safe.
Tumayo ako at nag lakad paalis sa canteen. Narinig ko syang tinawag ako pero di ko nalang pinansin. Hindi maganda epekto sakin ng Nerdy na yun!
*****
Isaiah's Pov
Iniisip ko pa din ang nangyari kahapon. Bigla bigla nalang umalis si Rizianne. Kaya wala na din ako choice kaya umalis na din ako. Tr-in-y ko syang hanapin pero di ko sya nahanap.
"HOY BROTHA!" bumalik ako sa wisyo dahil sa sigaw ni ate.
"B-bakit?"
"Anong bakit huh?! yung babae kako kahapon! yung classmate mo! kinukwento ko kina Mom!"
Si Rizianne ba tinutukoy niya?
"A-ahh..Okay.." sagot ko.
"A-aba?!" narinig ko si ate na parang nagulat. "Anong bang ganap sayo ngayon at nag kakaganyan ka brotha?hmmm wag nong sabihing..." napatingin ako sa kanya.
"A-anong wag kong sabihin?" tanong ko.
Pinatitigan niya ko. "-na yung Babaeng yun ang dahilan ng pag ka wala sa sarili mo ngayun?" dagdag niya.
Natigilan ako sa sinabi niya.
"AHA!! sabi na eh! Mom oh si Isaiah lumalandi na!" sabi ni ate at tinawag si Mama.
Cough*
"A-are you okay Mom?" si ate.
"Y-yeah nak, di ko lang inaasahan ang sinabi mo, " tingin sya sakin, "Isaiah, l-lumalandi ka na?"
Namilog ang mata ko sa sinabi ni Mama.
"M-m-mah! h-hindi! h-hindi ako l-lumalandi!" sagot ko.
"Huweh?" singit ni ate.
"A-ate naman!"
"Nako Mom, don't believe him. May lover na yan. At alam niyo ba? Sooobrang taray nung babae. But I will admitt that she's pretty." sabi ni ate sabay kagat sa bacon.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]
Teen Fiction[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may malaking papel sa buhay mo hindi lang sa kasalukuyan, baka din sa nakaraan. ' Mga katagang nababagay...