Chapter 31.

14.9K 253 1
                                    

Isaiah's Pov

Buong klase ay parang wala ako sa sarili. Panay nalang ang isip ko sa sinabi sakin ni Rizianne kanina.

You're not my friend.

Sa tuwing inaalala ko yun, parang may kumikirot sa puso ko. Siguro dahil ay hindi ko inaasahan na sabihin niya yun. Na sana, nabigla nalang sya sa sinabi niya.

" Hey bro' hindi ka nakikinig sakin!" narinig ko nalang si Calvin habang tinatapik ang balikat ko. Bigla naman ako bumalik sa realidad.

" Ahm-.."

" Tsk. Kanina pa mo dadak ng dadak dito kasi lunch time na. Ni isa wala kang pinakinggan? Nagtatampo tuloy ako." sabi niya at nag labi. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. A-ano bang nangyayari sakin?!

" S-sorry.." mahina kong sabi.

" Nag away na naman ba kayo ni fvcking girl? Alam ko namang sya yung iniisip mo." sabi niya. Napabuntlng hinga ako.

" I-I don't know. B-basta naging ganto ko ng sabihin niya sakin na hindi niya ako kaibigan.."

" Oh? sinabi niya yun sayo?" hindi makapaniwalang sabi niya. " Baka naman may nagawa ka at nagalit sayo. You know bro', pag may nagawa ka, mag sorry ka. Alam mo bang madaling mag hinala mga babae? kaya tayo dapat ang manguna na kausapin sila. Lalo na pag galit sayo." sabi niya. Napaisip naman ako.

" G-Galit ba sya sakin? W-wala naman akong ginagawa.. I don't have any idea.." sabi ko. M-may nagawa ba ko para magalit sya?

" Hmm.. May naka encounter ka bang ibang babae bukod sa kanya?" biglang tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

S-Si Akira..

" M-meron..S-si Akira.. M-mukha ngang galit si Rizianne sa kanya nung mag kita sila-"

" Whoa whoa whoa.." pag tigil niya sakin, " wala kang sinasabi na ganyan sakin bro' ah..Hindi mo pinapakilala yang Akira na yan.. Nakakatampo nanaman.." pag labi niya pa, " Pero mukhang alam ko na kung bat ganon yun sayo. Yung fvcking girl." dagdag niya pa.

" A-ano naman yun?"

" Nag seselos yun." agad niyang sabi.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko. N-Nagseselos?

" B-bakit naman sya mag se-s-selos?" utal kong sabi.

" Tss.. Ewan ko sayo bro'... basta! kung ako sayo kausapin mo. Baka na miss interpret lang. Ganun ginawa ko kay Charissa- Oh oh.." sabi niya at parang may naalala.

" B-bakit?"

" N-Nakalimutan kong puntahan si C-charissa..sige na bro' mamaya nalang.. Kailangan ko munang puntahan yun si Charissa. Wala yung fvcking girl kaya walang kasama yun mag lunch."

" Nagkaayus na kayo?" tanong ko. Dahil nung sabado ay sinabi pa nito na hindi sila okay ni Charissa.

" Tsk. Hindi ka talaga nakikinig sakin kanina noh.. But yeah, ayos na kami. But something.. better happened." sabi nya at ngumiti ng malapad At umalis. Napakunot nalang ako ng noo at hinayaan ang sinabi niya. Mabuti naman at nagkaayos na sila.

" Whoa.. Bro', I think there's someone who's looking for you." bigla uli dating ni Calvin habang nakatingin sa pinto. Tumingin naman ako doon.

" A-Akira.." sabi ko.

Tumingin sakin si Calvin. " Nakaw, kaya naman pala galit na galit si Fvcking girl. Tsk tsk tsk saklaf. Sige bro' una nako." sabi nito at tuluyan ng umalis. Lumapit naman ako kay Akira.

" Bat ka nandito?" tanong ko sa kanya. Tumungo naman sya.

"Ahm..P-pwedeng sabay tayong mag lunch? w-wala kasi ako uli kasabay..k-kung pwede lang naman.." tanong nito.

Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon