Isaiah's Pov
Lumipas ang ilang araw simula nung nangyari sa canteen. Si James ay hindi parin pumapasok dahil pina suspend ng principal dahil sexual harassment na daw yung ginawa niya. Si Rizianne naman ay mas lalo sya naging seryoso. Sa tuwing nag sasalubong ang mga mata namin ay bigla syang umiirap sakin. Napapakunot nalang ako ng nuo.
Pero kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi parin ako mapakali ng maayos. Simula ito nung narinig kong mukang gaganti si James sa pag papahiya sa kanya ni Rizianne. Kahit suspended ito ay may kutob parin akong masama. Hindi ko din alam kung bakit.
"Hey Isaiah. Ang seryoso mo naman jan." sabi ni Calvin. Lunch time na din.
"W-wala, may iniisip lang ako."
"Sus. Babae yan noh?!"
"A-ano?"
"Ikaw ah. Walang pag sabi ah. Tss. Btw, sama ka sakin bukas. Samahan mo ko. May bibilhin lang ako." sabi niya. Wala rin naman ako gagawin bukas.
"S-sige." sagot ko
"Nayswan bro'. Pumayag ka makipag date!" sabi nito na may mapang asar na ngiti. A-ano daw?!
"A-anong date p-pinagsa-" Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil inakbayan niya ko. "Hayaan mo bukas, papaligayahin kita. Haha" sabi niya sabay pasok sa loob loob ng canteen.
Hindi ko nalang sya pinansin at hinayaan ko nalang na dalhin ako sa canteen. Hayss. Parehas sila ni ate-_-
*****
Calvin's Pov
Yon! may Pov na ang gwapong katulad ko!
Im Calvin Ferrer. Son of the CEO of Ferrer INC, Kelvin Ferrer and my Mom was Clarice Ferrer. Namatay sya nung bata palang ako.
Sabado ngayun. Kasabay kong kumain si Dad. At magpapaalam na din sana ko dahil magpapasaya ko kay Isaiah para mamili ng mga bala sa ps4. Huwaha sa madaling salita eh may date kami.
"Ahm, Dad." sabi ko. Hindi lumingon sya lumingon sakin.
"hmm?"
"May pupuntahan lang ako mamaya -"
"Where and who?" tumingin sya sakin. Kinakabahan talaga ko pag nag sasalita sya. Tsk
"Sa Mall kasama-"
" Friends huh?" putol nanaman sya sa sasabihin ko.
"Yes dad but-"
"How many times do I have to tell you that don't make friends with anyone. Hindi mo alam kung anong klaseng kaibigan ang makikilala mo." seryoso niyang saad. "And you are the next CEO in our company. Wag mong hahayaan na ang actions mo ang magpapabagsak satin." dagdag niya pa.
Lagi niya nalang sinasabi yan sakin. Dahil isa lang akong anak, ako ang mag mamana sa kompanya namin. Kaya lahat nang nagiging kaibigan ko ay lumalayo sakin dahil kay Dad. Minsan nagagalit na din ako but wala kong magawa.
"But Isaiah is a good frie-"
"A Girl?" putol nanaman niya. Kanina pa ko di makapag salita ng buo ah-_- para lang sya si Charissa. Hindi man lang pinapabuo ang sasabihin ng maganda kong labi. Speaking of, san na kaya yung babaeng-
"No. Tomorrow may ime-meet kang babae na anak ng business partner natin. Mr. Vargas says that you and her daughter will be a good-"
"WHAT?!" biglang tayong sabi ko. Ngayun naman ay ako naman ang pumutol sa sasabihin niya. Yez naman.
"What? you're not happy with that?" sabi niya pa.
"T-teka lang dad. B-bat bigla bigla kayung magrereto' sakin na hindi ko naman kilala. Kayo na may sabi na wag ako basta basta mag titiwa-"
"I met her already son. She's good. Pretty and I know her parents already."
"But I can't do that dad."
"Why? wala naman akong sinabi na magpapakasal kayo agad. Ang bata niyo pa. All I want is you need to meet her, son."
" But dad-"
"Why? Do you have a girlfriend already?" nagulat ako dahil tinawag niya ko sa pangalan ko. Ang seryoso niya din. Hindi ko din alam ang isasagot ko. "Walang problema kung wala ka namang girlfriend. Kaya why not, son?"
"I have." biglang tugon ko. Hindi ko din alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
"You mean, a girlfriend?"
"Y-yes. And I l-love her Dad." utal kong sabi.
"Okay I want to meet her. " seryosong sabi niya at umalis. Naiwan naman akong nakatayo padin.
Napaupo nalang ako nang hindi ko alam kung ano gagawin. Bat ko ba nasabi yon? Ayoko ko lang namang makipag kita sa hindi ko kakilala. Oo mahilig mahilig ako sa babae pero kahit kelan ay wala pa kong nagiging girlfriend. Ni- kiss nga wala eh! hanggang salita lang ako tulad nung babe, love ect.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Seryoso si Dad sa mga sinasabi niya. At alam kong seryoso sya na kapag nag kita kami nung anak ni Mr. Vargas ay kahit gantong edad palang kami ay baka mag plano na sila ng kasal. Lintek!
Anong gagawin ko nito? tsk.
*****
Isaiah's Pov
Nandito ako sa labas ng Mall na sinabi ni Calvin. Hindi ko din alam kung bat ako pumayag. Panay asar pa sakin Si Mama kanina na may d-date lang daw Ako.
Flashback***
"Ma, alis na po ako." sabi ko habang inaayos ang damit ko.
"Omy?! m-may date ka anak??!" agad na sabi ni Mama. A-ano daw?!
"A-anong pinagsasasabi mo Ma-"
"Ayiiieee! pakilala mo naman yan nak! kahit mamaya pag uwi nyo dito mo sya-"
"Ma, h-hindi yun date. W-wala kong date." mabilis na sabi ko
"Eh? First time mo kasi lalabas na mag isa nak. Tas nakapang alis ka pa.
"Sasamahan ko lang si Calvin Ma. Niyaya niya kasi ako-"
"Omy? anak! bakit ngayun ka lang nag lantad?! anak naman! pero ako tanggap ko kung ano ka nak pero yung papa mo, baka hindi tanggap na bakla ka-"
"B-bakla?! M-Ma, h-hindi ako bakla!" medyo malakas kong sigaw. Hindi ako b-bakla!
"Eh, Calvin sabi mo eh. Lalaki yun panigurado."
Bumuntong hininga nalang ako."Kaibigan ko sya Ma." Seryosong sabi ko.
"Ahh..Hihi sige nak. Kala ko naman. Ingat nak!"
End of Flashback***
Bumuntong hininga nalang ako sa naalala ko. -_-
"Hey bro!" rinig kong sigaw. At nang pagtingin ko ay si Calvin pala. Hingal na hingal na nag tatatakbo.
Napakunot ako nang noo. "Oh, a-anong nangyari sayo?" tanong ko.
"Y-you n-need to h-help me." hingal na sabi niya.
"A-anong help?"
"Tulong ba." sabi niya.
"A-alam ko yun-_-. Anong tulong?"
Bumuntong hininga sya. At hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"You need to be my girlfriend bro!" seryosong sabi niya.
0_0
"A-ANOO?!" gulat na sabi ko.
_____
Hindi po sila bakla.. si Calvin lang..
Charot. Hahah
Lablatsss
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]
Teen Fiction[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may malaking papel sa buhay mo hindi lang sa kasalukuyan, baka din sa nakaraan. ' Mga katagang nababagay...