Chapter Six.

22.5K 383 4
                                    

Isaiah's Pov

Talagang habang makapasok sa school ay inakbayan talaga ko ni ate. Ganti niya daw yun dahil nalate ako ng 1 minute kahapong uwian. Sumakit ang likod ko dun. Hays

Nang papunta nako sa room, ay nakita ko yung babae- este si Rizianne. Hindi ko alam pero mas madilim yung aura niya ngayun kaysa kahapon. B-bat galit nanaman sya?

Tumingin sya sakin. "What?" seryoso niyang sabi.

"M-May nangyari ba?" Tanong ko.

"Bat mo natanong?" seryosong sabi niya uli. Kahit din niya sagutin ay halata naman din.

Hindi nako nakasagot. Sa halip ay may napansin ako sa buhok niya. Sa may nabandang tenga. May dahon doon na maliit. "Don't move." sabi ko at itinaas ang kamay ko para kunin yung dahon. Hindi sya nag salita at halatang nagulat sya. Hindi ko pa nakukuha ang dahon ay bigla niyang tinabig ang kamay ko.

"Don't touch me, Nerdy." sabi niya. Natigilan naman ako.  "Gusto mong malaman kung bat bad mood ako?" dagdag niya. Tumungo ako."Then talk to yourself." Seryoso niyang sabi at pumasok na sa loob. Naiwan naman ako dito sa labas. A-anong problema nun? K-kasalanan ko kung bat bad mood sya?

*****

Rizianne's Pov

Hawak ako sa dibdib ko habang papasok sa room. syettt.. Di ko na keri yung kaba. Nakakainis!

Dire diretso ako sa upuan ko at saka yumuko. Alam kong katabi ko yung nerd na yun kaya makikita ko nanaman sya. Damnit!

Habang nakayuko ay naramdaman ko na may tao sa tabi ko. Alam kong sya na yun dahil sya lang naman katabi ko.-_-

Nakayuko parin ako. Hindi ako umaayos ng pag kakaupo. Bahala na!

"H-hey." rinig kong sabi ng katabi ko. Ayan nanaman yung puso ko! nakakainis ah!

Narinig kong syang bumuntong hininga. "S-sorry..." sabi niya na medyo mahina. Pero anlakas lakas para sakin. Napalunok nalang ako dahil kinabahan nanaman ako. Pinagpapawisan nadin ako! sht na yan

Hindi ko sya sinagot at nakayuko  padin. D-dapat lang syang mag sorry noh! sya may dahilan kung bat ang bilis bilis ng tibok ng puso ko! at baka ikamatay ko yun lols.

Pinikit ko ang mata ko at tuluyan na ring nakatulog.

*****
Isaiah's Pov

"Syett! ang dami talagang chikabeybs dito!" rinig kong sabi ni Calvin. Nasa labas ng canteen na kami. At hindi parin matanggal sa isipan ko si Rizianne. Galit pa rin ba ito? Isang tunog pa lang kasi ng bell ay bumaba na sya agad.

"Hey! tara sa loob ng canteen! May nag aaway daw!"

"Oo. Pagkakaalam ko si James yung lalaki eh. yung pogi!"

"Nakakatawa kase babae daw yung kaaway. Haha"

Rinig kong bulungan dito at yung iba ay dumertso papuntang canteen. Nag aaway?

"Tara bro' tignan natin." sabi ni Calvin at hinila ko papasok sa loob.

Nang makapasok kami ay kitang kita ko na kaupo si James, classmate namin, sa sahig ng canteen habang puno ang katawan, simula sa ulo, ng- ano yun? Kulay itim.

"Yay dinuguan." nandidiring saad ni Calvin sa may gilid ko." D-dinuguan?

Napatingin ako sa taong nakatayo sa harap niya. Siguradong sya ang nagtapon kay James ng Dinuguan sa ulo dahil hawak nito ang plato na pinaglagyan ng dinuguan. Natigilan ako.

"R-Rizianne" mahinang sambit ko.

"You deserve that, moron." natigilan kami lahat dahil nagsalita sya. " Don't you dare to touch me again because you don't want to know what I can do to you again. Simple pa lang yan. Wala pa yan sa kalahati na pwede kong gawin sayo." binato niya ang platong lalagyan ng dinuguan. "Bad mood ako ngayon. At mas ininis mo pa ko. So you deserve that." dagdag niya at tumingin sa paligid.  "What? sino gusto sumunod? wag kayo mag alala dahil hindi dinuguan ang ibubuhos ko sa inyo. Maraming putahe oh. Pili lng kayo. " sabi niya at napairap. Bigla nalang syang napatingin sa gawi ko at nagkatinginan kami. Halatang nagulat sya. At bigla nalang syang umalis don.

"Fuck you." rinig kong bulong nitong si James na nilapitan ng mga kaibigan niya. "Wala kayong kwenta! Takot kayo? takot kayo sa babaeng yon?!" sigaw niya sa mga lumapit sa kanya. "Hindi ko palalagpasin to." sabi niya at ngumiti na nakakaloko. Kinutuban naman ako.

"Tss.. Nagawa niya pang ngumiti. Nag mumuka syang kingkong. Haha" mahinang sabi ni Calvin. Nagbuntong hininga nalang ako.

*****

Rizianne's Pov

B-bat nandun yung nerd na yun? di ko alam pero may lahi din palang chismoso. Lols-_-

Nandito ako sa restroom ngayun dahil tinutuyo ko angbinuhos sakin nung unggoy na yon. Ang lagkit ng buko juice na to ah. Tsk!

Flashback***

Pag ka ring palang ng bell ay mabilis nako bumaba papuntang canteen. Ayokong makaharap nanaman yung nerd nayun. Nakakainis!

Nang nasa canteen na ko ay konti palang ang tao. Kaya agad akong naka pila pala umorder ng pag kain. Parang na t-tripan ko kumain ng dinuguan. Lols

Nang makaorder nako ay nakahanap din ako agad ng table.

Habang nakain ay may tumayo sa harap ko. Hindi lang isa yun. Mga lima siguro. Agad akong tumingala para makita ko. Yung unggoy lang pala.

"Mag isa ka lang?" tanong niya.

"May nakikita ka bang kasama ko?" sarkastiko kong sabi. Ngumisi sya.

"Can I join?"

"Dun ka sa kabila." seryoso kong sabi at kumain na. Fc nanaman sya masyado.

"Tss. Dito ang gusto ko. Ang gusto ko ay gusto ko. Wala kang magagawa dun." sambit niya. Napakunot ako ng ulo at napatingala. Nakangisi pa rin yung unggoy. Binigyan ko sya ng walang emosyon na tingin at binalik ang atensyon ko sa kinakain ko. Ang sarap ng dinuguan. Pero mas masarap siguro sa feeling kung duguan yung muka nitong lalaking to. Naiinis ako lalo.

Nagulat ako dahil may humawak sa baba ko at itiningala ito. Yung unggoy nanaman na to. "Magiging akin ka. Sa ayaw mo o sa gusto." sabi niya at at nilapit ang muka sakin at hinalikan ang pisngi ko. Naalala ko si Nerdy. Bakit pag yung nerd na yun yung nalapit sakin ay parang lalabas na yung puso ko sa kaba? eh bat tong lalaking to lumapit sakin ay  parang wala lang? nandidiri pa nga ko eh.

At dahil naalala ko yung nerd na yun. Naalala ko uli yung nakita ko sa parking lot. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Wala sabi sabing lumayo ako sa pagkakahalik niya sa pisngi ko at sinuntok sya. Mas kumulo yung dugo ko dahil ramdam ko pa yung laway niya sa pisngi ko. Yuck! fcking shit!

Agad kong pinunasan yung pisngi ko dahil nandidiri ako. Tumingin ako sa kanya na nasa sahig. Hawak ang pisngi na sinapak ko. Bigla syang tumayo at kinuha ang tubig sa katabing table at binuhos yun sakin. "Fvck you. But still, I want yo-" hindi natuloy ang sinabi niya dahil sinapak ko uli sya at napaupo sa sahig. Akala ko tubig ang binuhos niya, buko juice pala! "Fuck you too. " sambit ko. At dahil nabitin din ako sa pagkain, kinuha ko yung lalagyanan ng dinuguan at binuhos yun sa ulo niya.

End of flashback***



_____

Lols..Hahah

Hope you like it!

Lablatsss

Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon