Isaiah's Pov
Nakatingin lang ako kay Rizianne habang may pinapahid sa mga pasa ko. Nakita ko din ang ginawa niya sa mga kasama ni kuya Josh kanina. She's strong. May naalala tuloy ako.
Bigla syang tumigil sa pag papahid at nagsalita. " Ano bang nanyari? What are you doing there with those bastards? Kilala mo ba mga kumag na yun?" tanong niya.
"Ahm.. Si Kuya J-Josh lang ang kakausapin ko, pero may mga kasama pala sya." paliwanag ko.
"Josh? The bastard who punched your face?" tumango ako. "Why? bat kinausap mo sya?" tanong niya uli.
Bumuntong hininga muna ko at nag salita. " He's ate's ex boyfriend. He cheated on her. So-"
"So nagpakabayani kang kapatid at sinugod yung kumag na yon?" putol niya sa sasabihin ko. " Sa tingin mo ba kinabayani mo na yun? tignan mo nga. Nabugbog ka." dagdag niya.
"H-hindi lang ako pumatol." nakatungong sabi ko. Nakunot sya ng nuo.
Bumuntong hininga sya. " He's not just a coward and bastard, but a jerk too. Huh" narinig ko sya pumalatak. " Pero dat lumaban ka. Ay, sorry, pero mukhang hindi mo sila kaya." dagddag niya.
"At ayoko din ng away. Sabi ni Mama-"
" Tss. Kahit sabihin mo pang na ayaw ka makipag away ng mama mo, kailangan mo pa din iligtas sarili mo sa mga kumag na yun." putol nanaman niya sa sinasabi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa kanya. May naalala nanaman uli ako.
Lampa ka talaga kahit kelan!" sabi sakin ng batang babae na nasa harap ko. Pero sa totoo lang, natatakot ako sa kanya. Kahit babae sya ay nakakatakot sya kung magsalita.
"H-hindi ako lampa. H-hindi ako m-marunong makipag away. A-at ayoko ng away." mahinang sabi ko. Hindi ako marunong makipag away. At ayoko din. Yun ang bilin sakin ni Mama na para hindi lumaki ang gulo, wag nang makipag away pa.
"Tsss! eh panu kung hindi ako dumating dito? edi hindi lang yang gasgas ang abot mo dun sa mga mukang damulag na bata!" sabi niya pa sakin. Hindi nalang ako kumibo at napayuko nalang.
"E-eh sabi kasi ni mam-"
"Tss kahit sabihin mo pa na ayaw kang makipag away ng Mommy mo, kailangan mo pa ding iligtas sarili mo sa mga damulag na yun!" sabi niya
Habang naaalala ko yun ay nakatingin lang ako sa kanya. P-parehas na parehas sila ng sinabi nung batang babae noon. Ang nag sabi na hintayin ko sya.
"B-bat ka ba nakatingin?!" sabi niya at umiwas ng tingin.
"Ahm- w-wala naman. " sabi ko at bigla tinanggal ang tingin sa kanya.
"A-aiishh! umayos ka nga!" sabi niya sabay dampi ng bulak sa pasa na nasa bibig ko. Napadaing ako dahil kumirot yun.
" S-sorry.." sabi naman niya. "K-kasalanan mo yan." dagdag niya. Ngumiti nalang ako. Ganyan naman kasi sya. Ayaw niyang akuhin ang mga nagawa niya.
"B-bat ka nangiti diyan?!"
"B-bakit? masama?"
"Haisst nakakainis ka!"
"Hahah. " hindi ko na napigilan na matawa. Alam kong naiiinis na sya.
Hindi naman sya umimik. Halatang nagulat sya. B-bakit?? para syang nakakita ng multo.
"b-bakit?" tanong ko.
Nakatingin pa rin sya sakin.
"A-ahmm.. N-nothing.. I'm j-just ..surprise.." napakunot ako ng nuo.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me, Nerdy [COMPLETED]
Teen Fiction[ C O M P L E T E ] 'Kilalanin mo ang mga taong nakakasalamuha mo o ang mga taong bigla nalang pumasok sa buhay mo. Malay mo, ang taong iyon ay may malaking papel sa buhay mo hindi lang sa kasalukuyan, baka din sa nakaraan. ' Mga katagang nababagay...