Hindi makapaniwala si Hope Anastasia sa sinapit ng kanyang mga magulang. Parang kahapon lamang ay nilalambing pa niya ang kanyang ama na ibili siya ng bagong sasakyan.
“Halika na, Iha. Nag-uwian na ang mga nakilibing at tayo na lamang ang naririto,” wika ng kanilang mayordomang si Nanay Esmeralda.
“Iwan n'yo na lamang po ako rito, Nanay. I still want to be at my parents side. “ tatlong araw lamang ibinurol ang kanyang mga magulang, bagamat nasa probinsya sila ay hindi naman niya kinakailangan patagalin pa ang burol ng mga ito. Ang mga kamag-anak naman nila ay hindi manlang dumalaw para silipin ang kanyang mga magulang sa huling pagkakataon.
“Hindi kita maaaring iwan na lamang mag-isa rito, Anastasia. Hindi lingid sa kaalaman mong hindi simpleng aksidente ang nangyari sa iyong mga magulang.”
Napahikbi siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang maaaring kahahantongan dahil kasabay nang pagkawala ng kanyang mga magulang ay ang pag-iwan ng mga ito ng isang napakalaking suliranin sa kanya.
“Napakabuti ng aking mga magulang, Nanay. Pero bakit ito ang kanilang sinapit?” Nanlambot ang kanyang mga tuhod na kung wala si Nanay Esmeralda ay kanya nang ikinatumba.
“Hindi ko rin alam, Iha. Maaring may nagawa ang ama mo na hindi nagustuhan ng isa sa mga tauhan niya kaya nagawa nitong tanggalan ng preno ang sasakyan ni Don Ismael.”
Natigilan siya sa narinig. Paanong nagkaroon ng konklusyon na ganito ang kanilang mayordoma? Pinahid niya ang huling luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Pinatatag niya ang kanyang pagtayo at binalingan ang huli.
“Kung magpapadala ako sa lumbay, hindi ko makukuha ang hustisya na nararapat para sa aking mga magulang,” Matiim niyang tinitigan ang mayordoma at hinawakan ito sa braso. “Sige po, ‘nay, umuwi na tayo at magpahinga. Kailangan ko ng lakas upang makamit ang hustisyang hinahangad ko.”
Tahimik na kabahayan ang sumalubong sa kanila pagka-uwi. Tanging ang mayordoma at siya na lamang ang natitira sa mansiyon na ito. Marahil ay nagsi-uwian na sa kanila-kanilang pamilya ang iba pa nilang kawaksi pagkatapos ng libing ng kanyang mga magulang.
Sumalampak siya sa sofang nasa kanilang sala at malalim na bumuntong-hininga. Inilibot niya ang paningin. “Hanggang kailan ko kayo makakapiling? Patawarin niyo ako at ako ang naging mitsa ng unti-unti niyong pagkawala. ”Maiilit na kasi ang mansiyon na ito kasama ang mahigit isang-daang ektarya na lupain na ipinamana pa ng kanyang abuelo sa kanyang ama. Wala ng matitira sa kanya kundi ang mga personal niyang mga kagamitan.
“Naririto si Atty.Roque, Anastasia.” pagbigay-alam sa kanya ni Nanay Esmeralda.
“Let him in, ‘Nay.” aniya na hindi nag-abalang lingunin pa ang tinutukoy nito.
“Good afternoon, Ms. Aranque. Ipagpaumanhin mo kung wala ang aking presensiyapresensiy sa libing ng iyong mga magulang.” Anito pagkaupo.
“It may be sounds rude, but your presence can’t give my parents’ life back,” napatuwid ito ng upo sa kanyang tinuran.”I already know that my parents left me nothing but a huge amount of debts. What else do I need to know?”
Parang may bumara sa lalamunan nito bago sumagot. “May gusto lamang akong ibigay sa iyo,” inabot nito sa kanya ang isang putting sobre. “Way back here, I bumped into someone—your father’s best friend. At naipagbigay-alam ko sa kanya ang iyong sitwasyon.”
Kilala niya ang sinasabi nitong matalik na kaibigan ng kanyang ama. In-fact, ninong niya ito. Binuksan niya ang sobre at binasa ang sulat na nakapaloob doon.
“Salamat rito, pero makaka-alis ka na, Atty.”
Tumayo na ito at nagpaalam sa kanya. “Sige, tawagan mo na lamang ako kung kailangan mo ng tulong.”
![](https://img.wattpad.com/cover/187034002-288-k235328.jpg)
BINABASA MO ANG
✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)
Romance(PUBLISHED) Life must be fair. Ito ang paniniwala ni Pio Francis. Kaya nang nawala ang kanyang pagka-birhen bilang lalaki, ginawa niya ang lahat para lang mapanagutan siya ng babaeng nakauna sa kanya. Date started: May 8,2019 Date ended: July 6, 20...