Chapter 37

917 53 38
                                    

"What about Jewel?" malamig na wika niya kay Angie nang mawala na sa paningin niya si Tasia.

"Naniwala ka naman diyan, Kuya? Malamang puro kasinungalingan na naman an sasabihin niyan sa'yo," nanunyang sabat ni Emmanuel.

"I want to talk to you in private, Pio," ani Angie na hindi pinansin ang kanyang kapatid.

Binalingan niya ang kapatid na may matalim na titig kay Angie.

"P'wede bang iwan mo na muna kami, Emmanuel?" nang hindi ito kumilos ay nilapitan niya ito at kinaladkad palabas ng mansiyon.

"Kuya, ano ba! Ang hilig mo akong sabunutan!" hiyaw nito sa kanya.

"Hindi ka kasi nakikinig sa pakiusap!" Tinulak niya ito at inilock ang pinto.

"Now, talk," maiksi niyang wika kay Angie.

Wala naman siyang narinig mula dito, bagkus ay may kinuha ito sa loob mg bag at inabot sa kanya.

"What is it?" nagtatakang tanong niya muli.

"See it with your own eyes."

Binuksan naman niya ang brown envelope na galing dito at hinugot ang laman no'n. Sinulyapan muna niya si Angie bago pinasadahan ang papel na hawak.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano iyon.

"What is this?!" Iwinagayway pa niya ang papel na hawak sa harapan ni Angie. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. "Paanong nangyaring anak ko si Jewel?!"

Matamis na ngumiti si Angie. "Simple lang... We made love."

Nilapitan siya nito ay hinaplos ang kanyang braso. Nandidiri namang lumayo sa rito.

"You know me, Angie. Hindi ako basta-basta pumapatol sa babae. Kaya paano ko naging anak si Jewel?! Hawak-hawak mo na siya nang una tayong nagkita!" mahina pero may diin niyang wika dito. Gustohin man niyang sumigaw ay hindi niya magawa dahil natatakot siyang marinig ni Tasia ang pinag-uusapan nila ni Angie.

"I already told you. We made love. Hindi pa ba sapat ang DNA test para patunayan na anak mo si Jewel? Bakit? Naniwala ka kay Lloyd nang sinabi niya na anak niya ito pero hindi sa akin kundi sa babaeng kamukha ko?" Tumawa ito nang malakas. Napatanga lang siya rito. Parang hindi ito ang Angie na nakilala niya.

"What do you mean?!" asik niya rito. Ngumisi naman ito.

"Pinagkatiwalaan mo talaga si Lloyd? Poor, Pio..."

Umatras siya nang muli siya nitong hinaplos sa braso.

"Don't touch me!"

"Ang ilap mo. Bakit ba ikaw pa ang minahal ko?" lumamlam ang mga mata nito na tila iiyak. "Alam mo ba na taliwas sa salaysay ng aking ama na kaya kita nilapitan ay dahil sa utos ni Labrador Roque? Dahil kahit hindi ako inutusan ay gugustohin ko pa ring mapalapit sa'yo, Pio. I need you that time. J-Jewel need a father and it's you."

Umiling siya. Ayaw niyang maniwalaan ang mga katagang lumalabas sa labi nito.

"No! That's not true!"

"Pero ito ang totoo, Pio! You fathered my daughter!"

No! Iisang babae lang ang nakagalaw at ginalaw niya. Si Tasia lang at wala nang iba.

"You're a big liar, Angie. Natitiyak kong hindi ako ang ama ni Jewel!" Pasalampak siyang naupo sa sofa at napahilamos ng mukha. Akala niya ay tapos na ang hinaharap nilang problema ni Tasia. At ito na naman ang bagong problema na kanilang kakaharapin. Paano kung totoo ang sinasabi ni Angie? Paano niya ito ipapaliwanag kay Tasia? Pero.... Wala talaga siyang natandaan na nagalaw niya si Angie bago pa man sila nagkita nito sa isang terminal ng bus.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon