Chapter 34

1.1K 46 7
                                    

Masamang tingin ang ibinato ni Pio sa lalake na nakaupo sa tapat ng inuupuan nila ni Tasia sa loob ng sinasakyang bus. Kanina pa kasi ito nakatitig sa huli simula nang sumakay sila galing sa airport ng Kalibo, Aklan.

"Bakit ang haba na naman ng nguso mo diyan, Pio?" untag sa kanya ni Tasia.

Ibinaling niya ang tingin dito. "Ako lang ang may karapatan na titigan ka, Babe."

"Alam kong mahal mo ako, Pio, pero hindi mo ako bayad para maging exclusive sa mga mata mo," nakataas ang kilay na turan nito.

He rolled his eyes. "Nakakatampo ka na, Babe. Noong isang araw lang ay muli kong ibinigay sa'yo ang iniingatan kong puri tapos ngayon ay aarte kang ganiyan?!"

Naiinis na talaga siya kay Tasia. Tila wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Suwerte na nga niya dahil sa panahon ngayon ay bihira na ang lalaking birhen.

"Babalik na naman ba tayo sa ganyan? Pio naman..., " nasa boses ni Tasia ang pagsuko. Inihilig pa nito ang ulo sa bintana at pumikit.

Ginagap niya ang kanan nitong kamay. "Hindi ba na dapat lang balikan ang mga bagay na naging parte ng ating buhay, Babe?"

"May dalawang oras pa bago tayo makarating ng Antique, Pio. P'wede bang huwag ka munang dumaldal?" nakapikit pa ring wika nito.

At dahil ayaw naman niya na tuluyang magalit sa kanya si Tasia ay nanahimik na lang siya at inabala ang sarili sa pagmamasid sa bawat lugar na nadadaan ng bus na kanilang sinasakyan.

"Culasi!" Maya-maya pa ay sigaw ng konduktor ng bus. Niyugyog niya ang tulog pa ring si Tasia. Naalala niya kasi na nabanggit ng huli na Culasi ang bayan na kanilang bababaan.

"We're here," pagbigay-alam niya rito nang magmulat ito ng mga mata. Tumayo naman ito kaya napatayo na rin siya para mauna itong makababa.

Sabi nila, presko raw ang hanging-probinsiya. Pero nang sinubukan niyang samyuin ito ay nagkanda-ubo siya dahil puro usok ng sasakyan ang kanyang nasamyo.

"Ano'ng nangari sa'yo, Babe?" tanong ni Tasia sabay haplos nito sa kanyang likod.

"Sigurado ka na nasa probinsiya na tayo, Babe?"

Tasia nodded."Oo."

"E,bakit puro usok ang nasamyo ko at hindi preskong hangin?" ikinusot niya ang kanyag ilong. Sigurado siyang puro kulangot na ito mamaya.

"Paanong hindi usok ang masasamyo mo, Pio? Nasa mismong bayan tayo ngayon," umiiling na wika ni Tasia.

Inilibot naman niya ang kanyang paningin. May iilang bus siyang nakikita at ang karamihan ay mga tricycle na paroo't parito. Kapansin-pansin din na maunlad ang bayan na ito dahil sa mga istrukturang mayroon ito.

"Tricycle, Ma'am?" untag ng isang lalaki kay Tasia na may mapalad na ngiti sa mga labi.

"Saan po ang sakayan patungong San Juan dito, Kuya?" wala siyang naintindihan sa sinabi ni Tasia maliban sa salitang 'kuya' dahil sariling dialect ng mga ito ang ginamit.

"Didto ayon, Ma'am." Turo nito sa deriksiyon kung saan may mga tricycle na nakahilera.

"Salamat," maiksing wika ni Tasia at binalingan siya. "Doon daw ang sakayan papunta sa lugar nila Nanay Esme."

Nauna na itong naglakad patungo sa sakayan ng mga tricycle. Sumunod naman siya rito bitbit ang hindi kalakihang traveling bag at isang backpack na naglalaman ng kanilang mga personal nilang kagamitan.

"Kuya, San Juan po?" Tumango ang lalaki na marahil ay siyang driver ng tricycle na nilapitan ni Tasia.

"Itungtong lang sa ibabaw ang dara niyo, Boss," napatanga lang siya sa sinabi ng tricycle driver, akala yata ay nakakaintindi siya ng native dialect ng mga ito.

✔Our Last Night In Los Angeles (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon